TRIGINTA QUATTOUR

3.9K 295 63
                                    

Gluttony had always been a heartless little food-lover who knew nothing of "diet". Pero ang hindi talaga alam ni Snow ay kung paano siya nahatak ng lalaking ito para mag-adventure sa ice cream mountains sa loob ng kanyang food land a.k.a. "Dessert Room". Noong pumasok siya rito kanina, agad niyang inilabas ang bread knife na nakuha niya sa kusina. Snow held the knife like a deadly weapon at inabangan ang pagsulpot ng masasarap ngunit pamatay na mga fried chicken at ham warriors. Sa kasamaang palad, tinawanan lang siya ni Gluttony, "Kinain ko na sila kanina. No need to worry, honey lemon!" Snow remembered him smiling cheekily as he led the way.

'Bakit ba hindi ako nasorpresa sa sinabi niya?' Napapailing na lang ang dalaga habang pilit naglalakad sa lupaing gawa sa ice cream. From where they stood, she can see the glimmering chocolate tops and creamy hills. Napupuno ng Oreo cookies ang bundok na nito, isang bagay na kanina pa inaabuso ng kasama. Gluttony happily sat down and started eating, scoop after scoop. Ang ice cream scoop pa man din niya ay kasing laki ng isang sandok.

"Want some?" Alok nito sa kanya habang kalat na kalat ang ice cream sa kanilang bibig. She had to admit, he looks cute while messily eating ice cream.

Snow White narrowed her eyes. "Kailan ka pa natutong mag-share ng pagkain mo?"

Bahagyang natigilan sa pagsubo si Gluttony at napaisip. He smiled at her again, "Simula nang makilala kita."

"And how am I involved?"

"Hmm.. You're just different."

At agad na siyang bumalik sa pagkain. Hindi man inasahan ni Snow ang sagot ng binata, sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. She soon sat down and started scooping ice cream for herself. Choco-vanilla with an endless supply of chocolate syrup. Napapikit sa sarap ng lasa si Snow, the ice cream smoothly melted on her tongue. Sweet and delicious. No wonder Gluttony loves his Dessert Room. Nang magmulat ng mga mata si Snow, nahuli niyang nakatingin sa kanya ang binata.

Gluttont looked away and continued eating.

Napabuntong-hininga si Snow at nahiga sa gilid ng ice cream mountain. Noon niya lang napansin ang marahang pagbagsak ng snowflakes sa kanila. Nang tikman niya ang mga ito, hindi na siya nagulat nang mapagtanto niyang gawa ang mga ito sa kendi. It's quite surprising how the coldness of the place didn't affect her at all. At sa gitna ng masarap na lugar na ito, panandaliang nakaramdam si Snow ng kapayapaan.

"Are demons capable of love?"

Nasamid si Gluttony sa tanong niya.

Kumunot ang noo ng dalaga nang umubo si Gluttony at huminga muna nang malalim bago nahiga sa tabi niya. His eyes were seriously, "Bakit mo naman natanong, apple pie?" Snow White cringe at the nickname before answering, "I'm just curious."

"Curiosity killed----"

"The cat? Alam ko 'yon."

Umiling si Gluttony. "No. Actually, curiosity killed our last maid."

Pagkabanggit ni Gluttony ng bagay na 'yon, agad na tumahimik si Snow, a signal for him to continue. Suddenly, the endless supply of chocolate and vanilla doesn't appeal to her anymore. Nakatuon na ang atensyon niya sa sasabihin ng kasalanan.

"You're last maid.. Si Monique."

Tumango si Gluttony, "It's actually her death anniversary today. Atleast, that's what Sloth is nonverbally telling us."

Bumalik sa mga alaala ni Snow ang malungkot nitong musika kanina. Ang seryoso at taimtim nitong konsentrasyon habang nakaupo sa may piano. He isn't usually like that. Somehow, Sloth opened enough emotion through his melody. Enough emotion to drive the curiosity out of Snow White.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon