TRIGINTA UNUM

3.8K 289 49
                                    

Mahimbing nang natutulog si Snow nang maramdaman niya ang pag-uga ng kama. Noong una ay hindi niya ito pinansin, 'baka magulo lang matulog ang mga bubwit na 'yon!' inaantok niyang isip. She has no time to assess how they ended cramped up in her bed. Nonetheless, Snow's queen-sized bed provided a safe haven from her menstrual discomfort and tired body. Ngunit, hindi siya makatulog.

Hindi siya makatulog dahil sa patuloy na paggalaw ng kama, as if an earthquake is occurring at the very moment. 'Teka.. Lumilindol nga ba?!'

Snow White's eyes shot open.

'Shit! 'Wag naman sana!'

Napabalikwas siya ng bangon, tumama ang kanyang likod sa headboard ng kama. Napangiwi siya sa sakit kasabay ng pagkusot ng mga mata, an attempt to dispell any remaining sleep in her. Noon niya lang napansin ang pagsikat ng araw, kasabay ng pagkawala ng mga batang natutulog ss tabi niya----maliban na lang kay Sloth liit na nakakumot pa't nakasubo ang hinlalaki. May laway pa sa gilid ng labi nito. The baby lazy-ass almost angelic.  Napangiti si Snow. 'Sloth had always looked like an angel,' she admitted.

"Chooooo~! Smack down! BWAHAHAHA!"

Nakaagaw ng atensyon ni Snow ang patuloy na paggalaw ng kama. Napasimangot siya nang makitang naglalaro sa gilid nito ang kambal. Little Envy had a smirk on his chubby face as he sat ontop of his brother, in a wrestling position. Nagpupumilgas naman si Greed sa hawak ng kambal, "Nidaya mo! Tumbong kita Ate Snow! Waaaaaaah!" Nangiyak-ngiyak na ang bata habang pilit kumakawala dito.

"Gweedy bastawd!"

"Enwy, bungi!"

"Bungi ka win!"

(win=rin)

"Enwy, taba! HAHAHAHA"

"Nitaba ka win! Kambal tayo! BELAT! HAHAHAHA"

"WAAAAAAAAAAH!"

Soon enough, Greed kicked Envy and the two kids stumbled and wrestled. Napabuntong hininga na lang si Snow. Mukhang gumaganti si Envy sa pambu-bully sa kanya ng kakambal niya kahapon. "Hay. Kung childish sila noong matatanda sila, mas childish sila ngayon.." Pinanod niyang magpagulung-gulong ang kambal habang nagbabangayan at nag-aaway. Hindi na siya nagtaka nang lumusot na sila sa ilalim ng kama niya. Ang kulit!

Tatayo na sana siya nang mapansin ang breadcrumbs sa kama. Snow frowned, "Sinong nagkalat dito?!" Inis niyang binalingan ang iba pang magkakapatid na paikot-ikot sa silid na parang mga trumpo. Natigil silang lahat, pati ang kambal----sabay turo kay Gluttony na tahimik na ngumangata ng toasted bread.

"SIYA!"

Gluttony smiled nervously at mabilis na tinago ang kinakain sa kanyang likod. Snow still wasn't convinced, seeing breadcrumbs all over his face. "Oops." Inosenteng bulong ni Gluttony, obviously guilty. 'Akala ba talaga niya hindi siya hahalata?'

Huminga nang malalim si Snow. Well, she honestly can't blame him. Eating is Gluttony's hobby. 'Wag lang sana itong aakyat ulit sa chandelier. Tumayo na si Snow at dumiretso ng banyo. Ngunit, hindi pa man siya nakakapasok sa loob, binungad na agad siya ni Lust na may dala-dalang... "Oh, no---"

"LAKI BAND-AID!"

Maligayang sigaw nito habang iwinawagaygay ang isang napkin. Mukhang nakalkal nito ang mahiwagang kabinet! Lust grinned like a pervert and started running arround with the thing yelling, "BWOTHERS, LOOK! LAKI BAND-AID! BWAHAHA!"

Napanganga si Snow nang tumalon-talon pa ito sa kama, dahilan para magising ang kawawang si Sloth. Little Sloth barely opened his eyes and glared at Lust. "Damn it! Akin na 'yan, Lust!" Sinubukang habulin ni Snow si Lust pero sadyang mas maliksi ang paslit. Hindi nakakatulong ang malakas na tawanan ng kambal. Nabaling na lang ang atensyon niya nang makitang kinakalkal naman ng mga ito ang mga damit niya.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon