QOS: DUO

2.9K 195 7
                                    

"...or we kill a sin."

Literal na yatang nanigas sa kanyang kinauupuan ang dalaga. Tama ba siya ng dinig? Maybe this is just one of Pride's illusions. Yeah, that might be it. Pinili na lang ni Snow na itikom ang kanyang bibig. She listened intently as the brothers discussed among themselves.

"Then we need to decide who to kill. I volunteer Chandresh!" Pagsabat naman ni Lust sabay pukol ng masamang tingin sa kapatid. Isang mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi.

"WHAT?! Bakit naman ako?!" Chandresh blurted out.

"Tsk! Might I remind you, ikaw ang nakapagpagulo ng balanse. Everything was going smoothly until you came along," kumento naman ni Gluttony na ngayon ay isinantabi na muna ang kinakaing roasted chicken leg. 'Malamang galing na naman sa Dessert Room niya,' isip-isip ni Snow.

Violet eyes sparked with hatred. Chandresh cursed under his breath and slammed his palms on the wooden table, "Baka nakakalimutan niyo, matagal na dapat akong naging deadly sin!"

"Ngayon mo lang tinanggap ang pagiging kasalanan mo." Greed commented.

"Tsk! That's not the point. Isa na akong sin mula pa noon---"

"Oh, but you just have run away and play the role of a normal human prince? Ni hindi mo man lang naalalang kinailangan naming gawin ang tungkuling nakabigkis na sa'min habambuhay... Selfishness is a better name for you, brother." Pang-aasar pa ni Envy na halatang may poot pa rin sa bunsong kapatid.

Chandresh's eyes flashed dangerously. "Shut up, Envy."

Envy glared back, "Tanggapin mo na lang na matagal ka nang nawalan ng karapatang maging kapatid namin."

The tension inside the Conference Room only grew with every passing second. Tila ba anumang oras ay maaari nang sumiklab ang isang gulo sa pagitan ng mga kasalanan.

"Lucifer will end us all."

"Kaya nga't magdesisyon na tayo!"

"Magkaroon na lang tayo ng botohan kung sinong papatayin." Sloth yawned, becoming uninterested.

Sumang-ayon naman ang ibang mga kasalanan. Meanwhile, Snow tried to digest what's happening.

'Imposibleng mangyari 'to... baka nga isa lang itong ilusyon? Baka nga kulang lang ako sa tulog,' pagpapakalma ni Snow sa sarili kaya't pagak siyang natawa. Agad namang napalingon sa kanya ang walong magkakapatid na para bang nasisiraan na siya ng bait.

Considering the madness inside this mansion, maybe she is already crazy. Maybe not.

"Hahahaha!" Snow's laughter died down as a smile graced her lips.

"Mademoiselle?"

"Chione?"

Wrath frowned at her, "What the bloody hell are you laughing at, woman?"

"This!" Snow gestured to the table before continuing, "Hindi naman April Fools, kaya mukhang advance kayo. This is crazy! You can't possibly tell me that the king of the Underworld himself is gonna kill us all unless we kill one of your brothers... Imposible rin namang isakripisyo niyo ang isang kasalanan para lang bumalik ang balanse ng Underworld, 'di ba?" Ngunit nang mapansin ng dalaga ang hindi pagbabago ng kanilang ekspresyon, bumalik ang kabang namamayani sa dibdib niya.

When they avoided eye contact, Snow's horrified state only solidified. Agad siyang napalunok, "Y-You can't do that... C-Can you?"

Isang malungkot na ngiti ang bumakas sa seryosong mukha ni Pride. "Hindi natin kayang kalabanin si Lucifer at ang horsemen niya. A war against the King of Hell is as good as suicide. Ang tanging magagawa na lang namin ay magsakripisyo ng kadugo para bumalik sa ayos ang lahat." The eldest sin took in a deep breath and sighed, "Lucifer is leaving us with no other choice, princess."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now