NOVEM

5.5K 343 27
                                    

"You're a stubborn girl, you know that?"

Tipid siyang ngumiti kay Chandresh. Kasalukuyan siyang nakaupo sa tapat ng salamin, at puro panenermon agad ang ibinungad sa kanya ng binatang nakakulong sa loob nito. She wasn't even sure if he was alive or not. Ayaw sabihin ni Chandresh kung anong nangyari sa kanya. "Paano mo ba nalaman na sumama ako kay Gluttony kagabi?"

Chandresh crossed his arms and rolled his violet eyes. Ngayon lang napansin ni Snow na walang bahid ng mantsa ang suot nitong white long sleeves. Is that even possible?

"Do not underestimate me, Snow. Kung akala mong nakakulong lamang ako sa salamin, nagkakamali ka. I'm more than a mere mirror on your wall."

"What are you talking about?"

Pero umiling lamang ang binata at napabuntong-hininga. Alam niyang wala rin patutunguhan ang usapan nilang ito. "Bumaba ka na bago ka pa hanapin ng mga halimaw na 'yon. Believe me, they're pure evil kaya 'wag kang magkakamaling gumawa ng mga bagay na ikagagalit nila." Seryoso nitong sabi. Lalong naguluhan si Snow sa mga sinabi niya. 'Bakit ba parang ang laki ng galit niya sa seven sins?'

"I already figured that out. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa'kin. See you later, Chandresh."

"Farewell, your majesty." At yumukod ang binata bago tuluyang naglaho sa kadiliman ng salamin, Snow White's own reflection appeared. Para bang bumalik ito sa pagiging normal na salamin at hindi isang bagay na mukhang ginamitan ng kung anong mahika.

Napapailing na lang siya sa itinawag sa kanya ni Chandresh. 'Your majesty?' Well, atleast he's in character. He's treating her like royalty when in fact, she's a million lightyears far from it. Sinilip niyang muli ang tahimik na silid bago tuluyang lumabas ng pinto.

*
Akala niya isang mapayapang pasilyo ang dadatnan niya sa labas ng kanyang silid, kung saan malayo siya kay Chandresh---pero hindi pa rin pala.

"Wrath,"

Nagtama ang paningin nila ng prinsipeng kalalabas lang din ng kanyang kwarto. Ngayon na lang ulit naalala ng dalaga na magkatapat nga pala ang silid nilang dalawa samantalang ang silid ng iba pang magkakapatid ay nasa right wing pa ng second floor. Sa pagsiklab ng apoy sa mga mata ng lalaking 'to, mukhang alam na ni Snow kung bakit bumukod siya sa kanyang mga kapatid.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Asik nito.

'Well, it looks like he's in a bad mood today,' huminga nang malalim si Snow at pinilit na ngumiti.

"Pasensya na po. I was just on my way downstairs. Would you like to have breakfast first before you..." Her eyes trailed down to the butcher's knife in Wrath's hand, napalunok muna siya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, "...b-before you do something completely immoral?"

Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa mga labi ni Wrath. He stepped closer, his eyes a blazing pool of black embers.

"Immoral, you say? I like the sound of that. Pero alam mo ba kung anong tunog ang mas gusto kong pakinggan sa mga sandaling ito?"

"What?"

He chuckled, "I want to hear the sound of agony and despair! The music of sweet torture and violence! Iyon bang nailalabas ko ang galit ko sa mga inosenteng mortal na walang alam sa lupit ng mundo! They don't deserve to live; those fuckers don't deserve to even breathe! So, my precious Snow, would you volunteer?"

At marahas siya nitong itinulak sa pader. Napangiwi ang dalaga sa sakit na dala ng pagtama ng kanyang likod.

'Shit! Ginalit ko ba siya? Wala naman akong ginagawa!' Reklamo ng isip ni Snow White habang pilit na binabalewala ang kabang nararamdaman. His presence alone is enough to make her terrified. Nanindig ang kanyang mga balahibo nang ipinasadahan ni Wrath ng patalim ang kanyang leeg. Isang maling galaw at maaari siya nitong gilitan na parang isang manok na iaalay.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon