QOS: TRIGINTA UNUM

1.7K 111 8
                                    

Famine versus Gluttony.

Lihim na napangiti ang horseman. Mula noon, marami na siyang naririnig patungkol sa kasalanang ito. He's the sin of being obsessive for food. Sa nabasang mga aklat ni Famine, walang limitasyon ang gutom ni Gluttony kaya't ganoon na lamang siya kung kumain. 'It still surprises me that he's not fat' Bahagya pa rin siyang nagtataka sa katotohanang ito. Hindi ba dapat kung ikaw ang kasalanan ng katakawan, natural kang magiging mataba?

Tsk.

'Baka may ginagamit siyang mahika.'

Still, Famine hates him. It disgusts him to think that this stupid sin eats like a pig. Tumalim ang mga mata ng horseman sa kasalanan. Hawak pa rin niya ang latigong yari sa metal. Nararamdaman niya ang pagbigat ng tensyon sa mansyong ito at ang panganib na hatid ni Gluttony.

He doesn't look too happy about Famine spoiling his disgusting food.

"I do apologize for spoiling your food, sin.. pero mukhang mabilis talagang naaapektuhan ng presensiya ko ang anumang pagkain sa malapit. Tell me, ilang refrigerator ng pagkain ang nasayang?" Ngumisi si Famine.

His black horse (Umbra) stood beside him. Famine noticed the way Umbra reacted to the sin. The shadowed figure became restless. 'Mukhang nararamdaman rin niya ang kapangyarihang nananalaytay sa katawan ni Gluttony.'

The sin's eyes dimmed. Pagak na natawa ang kasalanan na ikinasimangot ni Famine. Nang humupa ang tawa ni Gluttony, his wild eyes glared at him.

"My fucking Dessert Room is dying, you unflavorful horseman."

"Dessert Room?"

"Kapag namatay ako sa gutom, sisiguraduhin kong hahatakin kita papuntang impyerno."

Mukhang naghihibang na ito. It's understandable. Tuwing tatanggalan niya ng pagkain ang mga mortal, nasasaksihan mismo ni Famine ang pagiging "baliw" nila dahil sa gutom. It's entertaining for Famine to witness how human behavior changes once food is taken away---mas nagiging agresibo sila't unti-unting nawawala sa katinuan hanggang sa tuluyan silang mamatay sa gutom. Famine had watched that scene over and over again. Nakakasawa na.

Huminga nang malalim si Famine. "Aish! Mabuti nga sa'yo. Nah, you won't die instantly. Magiging buto't balat ka muna at ubod ng panget. Kaya't panahon na talaga para mag-diet ka, Gluttony. Hahahaha!"

Sumiklab lalo ang galit sa ekspresyon ng kasalanan nang banggitin niya ang salitang "diet". He didn't know that it's a taboo for the sin---isang salitang hindi dapat binabanggit sa loob ng mansyong ito. Kahit kailan.

"I'll kill you for that."

At sa isang iglap, lalong nilamon ng mga apoy ang mansyon. Napapitlag si Famine nang sumigaw si Gluttony. A blood-curling scream erupted from his lips as the sin vanished amidst the flames. Napaatras si Umbra nang mahulog ang malaking chandelier mula sa mataas na kisame. It crashed down in front of them, sending shards of glass in the air.

"Shit."

Bumaon ang ilang bubog sa balat ni Famine. Agad namang naghilom ang mga sugat na natamo niya mula rito. Being an immortal always has its advantages. Nang mag-angat siya ng mga mata, natunghayan niya ang pagbabagong-anyo ng kasalanan. Famine's eyes narrowed at the monster in front of him. 'Mukhang galit talaga siya dahil sa nangyari sa pagkain niya.' The horseman smirked.

"This should be an interesting fight.."

A ten-feet tall food monster stood in front of the horseman. Gawa sa iba't ibang klase ng pagkain ang katawan ng halimaw. Kumislap sa nagbabagang apoy ang mga pangil nitong yari sa matatalim na tsokolate. Foodzilla's sharp claws resembled that of ice cream cones while his tail had popsicle spikes. Nakatuon lang kay Famine ang kulay pula nitong mga mata.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon