QOS: QUATTOURDECIM

1.6K 133 12
                                    

"I'm Pestilence. Nice to meet you again, my queen."

Natulala si Snow sa binata. Sa unang tingin, mukha siyang normal na kabalyero. He had a bleached white armor with a golden crown ontop of his blonde hair. Ang tanging indikasyon lang ng pagiging imortal ni Pestilence ay ang kulay ng kanyang mga mata. An ash gray color that reminded her of dark skies before a thunderstorm. There's something eerie about his eyes that confirmed her fear---nasa harapan ngayon ni Snow White ang isa sa Four Horsemen of the Apocalypse.

'Ang isa sa mga nakatakdang tumalo sa Deadly Sins.'

The enemy.

Napalunok si Snow at marahang tumango. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang abutin ang bote ng lemon tea kay Pestilence. "S-Salamat." Tumango siya rito at mabilis nang tumalikod para umalis.

Pero agad ring napahinto si Snow nang mapagtanto ang sinabi niya.

She immediately turned to him and narrowed her eyes. "Wait! Anong sinabi mo? Meet me 'again'?" Pinasadahan ng tingin ng dalaga ang horseman. Pinilit niyang alalahanin kung nakita na ba niya ito noon, pero wala talaga. Hindi siya pamilyar. Lalong napasimangot si Snow, "Hindi ko natatandaang nagkita na tayo noon. I don't remember you."

Ngumisi si Pestilence. "I'm not surprised. Time does that to humans, my queen."

My queen.

Why does that sound too familiar?

'What the fuck, Snow? Why are you having a casual talk with the enemy?!' Marahan siyang umiling at sinamaan ng tingin si Pestilence. Enemy be damned, wala siyang oras para makipaglokohan dito. "Stop calling me that. Baka napagkamalan mo lang akong ibang babae. As far as I'm concerned, I'm not the queen of anything.."

Napabuntong-hininga si Snow at pormal na yumukod bilang pagbibigay-galang. Ipinaalala niya ulit sa sarili na mas matagal pang nabubuhay ang Horsemen kaysa sa Sins, at na kayang-kaya siya nitong patayin nang walang pag-aalinlangan.

"Salamat sa tulong, Sir Pestilence. I need to go---"

"Wait!"

Nagulat na lang si Snow nang biglang hawakan ni Pestilence ang kanyang braso. The horseman cleared his throat and composed himself. "I was wondering if you can accompany me, my queen---err, Snow."

Lalong kinabahan ang dalaga. "Paano mo ba nalaman ang pangalan ko?"

The smirk he gave her caught her off guard. A mischievous smirk that can rival that of a sin's. "I'm Pestilence, I tend to know everything. Tara na?" At sa isang kumpas ng kanyang kamay, biglang lumitaw sa kawalan ang kanyang puting kabayo. The magical creature bowed its head to Pestilence. Mula sa kinaroroonan niya, napansin ni Snow ang hitsura ng kabayo. It looked ghostly pale and it's black eyes stared at nothing. Maging ang mga paa nito'y parang naglalaho sa hangin---a translucent phase. The white horse had a silver glow and an unspoken elegance to it.

'A fairytale white horse? You gotta be kidding me. Hindi ako prinsesa sa kahit anong kwento! Tsk.'

Humigpit ang hawak ni Snow sa bote nang iabot muli ni Pestilence ang kanyang kamay sa kanya.

"Hindi pa ako pumapayag."

"Too bad, my queen.. because I don't take 'no' for an answer."

Kumindat ito sa kanya at mabilis siyang hinapit sa baywang. Napasigaw sa gulat si Snow nang mabilis siyang isinakay ni Pestilence sa kabayo.

"Let's go, Stallio!"

Before she could even complain, the horse sped towards the other side of Tartarus. 'Shit! Baka hinahanap na ako ng sins!' Sisigaw na sana si Snow para humingi ng tulong nang biglang itinapat ni Pestilence ang isang patalim sa kanyang leeg.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon