CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 1]

5K 250 85
                                    

NOTE: This is SWATSDS's Christmas special, entitled "Snow White and the Nutcracker Prince" [PART 1/2] Oo. Unfortunately, the story's too long to be condensed in one part, so the next part will be posted on SATURDAY (December 29, 2018) here on Wattpad.

The setting is in an ALTERNATE REALITY. Wala itong kinalaman sa regular flow ng istorya natin. Don't be surprised to see twisted facts along the way.

Enjoy reading and Merry Christmas, people.

---Kuya Nox

* * * * * * * * * *

[PART 1/2]

*
24th day of December.

Sa pagsapit ng dilim, umalingawngaw sa maliit na bayan ng Eastwood ang  boses ng mga batang nangangaroling. May dala-dala silang mga lata at ilang instrumento habang umaawit sa himig ng mga pamilyar na kantang kinagisnan na ng nakararami sa lugar na iyon. These children are wrapped in old coats and sweaters, some still shivered from the chilly December air. Sa kanilang pagbabahay-bahay, nakaagaw ng kanilang atensyon ang sari-saring palamuti at ilaw ng mga kabahayan. In the darkness, Eastwood looked like a humble village trapped in a snowglobe. The only thing that's missing is snow, of course.

"Ate, ba't hindi tayo mangaroling kina Mr. Boswell? Di ba mayaman naman siya?"

Inosenteng tanong ng isang batang wala pang sampung taong gulang. Hindi sila madalas mapadpad sa pinakadulo ng bayan, pero alam ng lahat ng tao ang reputasyon ng lalaking nakatira sa loob ng mansyong nadidisenyuhan ng mga orasan at kahoy. Nanlaki ang mga mata ng kanyang kapatid at mabilis na hinila papalayo ang paslit, "Hindi pwede. Gusto mo bang mamatay? Sabi nila ninong nangunguha ng bata yung halimaw na 'yon.." Nagpalinga-linga pa ito bago bumulong, "..sabi ng matatanda, hindi na nakalabas yung batang babaeng kinidnap niya noon."

Biglang nag-iba ang hitsura ng bata. Mula sa pagkamangha sa mansyong nasa kanilang harapan, mabilis na napalitan ng takot ang kanyang mukha. Dali-dali silang umalis doon na para bang isang masamang pangitain ang mapunta sa parte na ito ng bayan.

Snow White watched them vanish from sight. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga habang nakadungaw sa bintana ng kanyang silid. Napailing na lang siya sa iniisip ng iba. 'Akala nila kinidnap ako ni Mr. Boswell.. Ang totoo niyan, inampon niya lang naman ako.' Galit niyang naikuyom ang mga kamao at inis na binato ang katabing unan, "Bakit ba lagi na lang masama ang tingin nila kay Remi? Siya na nga yung nagmabuting loob para tulungan ako!" Snow sat down on the edge of her bed.

Kung sabagay, kahit anong buwan ng taon, walang pinipiling panahon ang panghuhusga ng tao. The society will judge you all the same. Napadako sa malaking kalendaryo ang mga mata ng dalaga, "And I thought it was suppose to be about giving and loving one another? Tsk.. What a lie!"

"Mukhang nagta-tantrums ka na naman. Are you hungry, my little Snow?"

Snow White turned and saw Mr. Jeremy Hans Boswell leaning on the doorframe. Nakalimutan pala niyang i-lock ang pinto kanina. Pagkakita sa binata, agad siyang napangiti. "The sweater looks good on you. Hindi ko alam na bagay mo pala si Spongebob." True enough, suot nito ngayon ang sweater na ginawa ni Snow. Ibinigay niya ito kay Remi bilang maagang Christmas gift.

"Really?"

"Oo naman. Gawa ko eh!"

Natawa ang lalaki at naglalakad papalapit sa kanya. He smiled warmly at her and ruffled her head, "Tama na ang lokohan. Baka lumamig pa ang niluto ko." At iginiya siya nito pababa ng hagdan. Remi slung an arm over her shoulder, at pakiramdam ng dalaga ay pulang-pula na ang kanyang mukha. Pinilit niyang alisin sa isipan ang pagiging malapit nila ni Remi at tumikhim.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon