"Drinking Day: An Untold Story"

2.6K 156 11
                                    

A SWATSDS fanfiction,
written by: dreadfulsinner

---

Snow White 's POV

It's been a year since I became their slave. We all came back to normal after what happened, at pawang kinalimutan nadin nung iba ito.

As usual, ako ang naglinis ng buong mansyon at sa ngayon tinapos  ko ito ng maaga dahil ngayon ang Drinking Day nilang magkakapatid.

Dahil wala nang may gustong maulit ang nangyari last year, ikinulong ako ni Pride kanina sa kwarto ko para di ko daw ulit magawa ang 'kasalanan' kong iyon. Pero eto ako ngayon nasa harapan ng dining table na may mga nakakalat na mga bote at mga prinsipe ng kasalanan na may kanya-kanyang mundo.

"Akala ko ba ayaw nyo akong palabasin ng kwarto? Bakit pinatawag nyo ko?"  Pagtatanong ko kay Pride, madalian ko silang sinulyapan isa-isa.

Si Gluttony na may hawak na bote ng alak sa parehas na kamay na inaagaw pa ang hawak na alak ng kanyang magagaliting kapatid. Ang kambal naman ay nagkakantahan sa isang sulok na magkaakbay habang may sinusunog na kurtina. Si Lust naman ay naliligo sa alak ng literal at si Sloth ay kinukulit ulit ang panganay sa pamamagitan ng bubbly at cheerful nitong ugali kapag nalalasing. Inayos ni Pride ang salamin nya at tumitig sakin ng deretcho, not minding his brother who've been poking his arms. Medyo napangiti ako, naalala ko noong naging mga bata sila, ganyan din si Sloth sa kuya nya. I like them better when they're kids.

"I want you to refill our bottle of wine again princess"   Sabi nya sakin at tinuro ang bote na nasa harapan nya kaya lumapit ako at kinuha iyon

"Refill this bottle, nothing more, nothing less. Ayusin mo ang trabaho mo princess, alam kong parehas nating ayaw na mangyari ang katulad ng dati"

I mentally rolled my eyes. "Kung ayaw nyong mangyare ang katulad ng dati bakit ako parin ang pinapasalinan mo ng alak?"

"Because you are available. I can't leave them while they're drunk"

Anito sabay turo sa iba pa nyang kapatid na nagkakagulo na. Napabuntong hininga nalang ako at tumango sa kanya. Kinuha ko ang bote ng wine at pumunta na sa Kusina para lagyan ulit ito ng laman.

"Don't you dare to make us kids again stupid mortal"

Napaigik ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa may leeg ko. Marahas akong napalingon kay Wrath at tinulak sya papalayo na ikinasimangot naman nya.

Medyo pagewang-gewang na syang maglakad at namumula nadin ang pisngi nya dala narin sa kalasingan. Di ko nalang sya pinansin at itinuloy ang pagsasalin ko nang marinig ko syang magsalita

"Ignoring me you little pest?" 

"Bakit ba?"  Ani ko pagkaharap ko sa kanya hawak ang may laman nang bote. Nagkatitigan lang kame, wala syang sinabi. Medyo nakakailang kaya nagpalinga linga ako.  "Dalhin mo na yan doon"

Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya na nakatalikod na pabalik kaya sinundan ko nalang sya papabalik sa Dining table. Ano problema nitong demonyong to? Nung nakita kami nung iba pang kasalanan ay umupo na sila, anticipating the drink in my hand.

Makahulugang ngiti ang iginawad sakin ng kambal   "Bakit magkasama kayo ni Wrath?"
Tanong ni Envy na may nakakairitang ngiti sa muka nya na sinegundahan naman ni Greed ng isa pang tanong   "Bakit ang tagal nyong dalawa?"

"Anong merooooon?"

Sabay nilang sabi at nagtawanan sila, napatingin ako kay Wrath na nakaupo na at nakita kong nakatitig sakin ang mga mata nya, napaiwas ako ng tingin at tinaasan ng kilay ang kambal habang inilalapag ang Bote sa tapat ni Pride.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon