QOS: SEPTEM

2.2K 147 2
                                    

'Ang Four Horsemen of The Apocalypse ang makakalaban ng Deadly Sins kung sakaling hindi nila maibalik ang balanse ng Underworld.'

The thought still worried her. Hindi siya nag-aalinlangan sa kapangyarihan ng mga kasalanan, pero hindi niya maiwasang mabahala sa nalaman. "Hamak na mas malakas ang posibleng kapangyarihan ng Horsemen.." considering they are the harbingers of an apocalypse before the prophesized "Final Judgement" of God, Snow could only imagine the tremendous power they have.

Then again, baka naman pwede siyang makiusap sa mga ito? Kung tama ang sinabi Wrath, walang pinapanigan ang Horsemen, kahit pa si Lucifer. Maybe they can talk to the horsemen and start a rebellion against the king of hell?

Napailing si Snow. "Nababaliw ka na rin. Going against Lucifer himself is as good as a one-way ticket to death." Pero kailan pa nga ba pinahalagahan ni Snow ang buhay niya? Nagtangka na nga siyang magpakamatay noon---for lesser reasons, of course.

'Depression is a bitch.'

Tick-tock.. tick-tock...

Sinilip niya ang pocket watch sa kanyang bulsa. Napasimangot na lang ang dalaga nang mapansing nagloloko na ito. Its elegant black hands ticked to a stop. Napabuntong-hininga si Snow White at ipinagpatuloy ang pagpapakinab sa sahig. Kailangan niya itong bilisan at baka maging kontrabida ulit si Cerberus at lawayin ito. "That damn dog is just like his owner. So annoying! Tsk."

Nang makarinig siya ng mga yabag ng paa, agad na napalingon si Snow. Akala niya ba nasa trabaho ang deadly sins ngayon? Ang alam ni Snow ay abala silang lahat sa pagse-segregate ng mga kaluluwa ng mga makasalanan.

Pero kumunot ang noo ni Snow nang makilala ang binata.

"Chandresh?"

Hindi siya nito pinansin.

Snow White immediately stood up and chased after him. "Chandresh!" Pagtawag niya rito nang akmang liliko na ito sa kaliwang pasilyo. Para bang natauhan ang kasalanan at mabilis na bumaling sa kanya. He blinked at her and faked a smile, "Oh, Your Majesty.. I-I didn't see you there!" Yumukod pa ito sa kanyang harapan na para bang isang prinsipe.

Of course, Snow White isn't buying it. Pinaningkitan niya ito ng mata. Nang sipatin niya ang suot ng binata, saka lang napagtanto ni Snow ang dumi sa damit nito. A few dried leaves were stuck on his obsidian black pants. 'Galing ba siya sa gubat?' Napasimangot ang dalaga. "Bakit hindi mo kasama ang iba?"

"Nasa trabaho sila."

"At bakit ikaw, hindi?"

Mula nang tanggapin ni Chandresh ang pagiging kasalanan niya, inako na rin niya ang responsibilidad na mag-segregate ng mga mortal na kasalanang may kinalaman sa "paghanga". Some people die of loving themselves too much, some die of worshipping false gods and idols. 'Ang anumang sobra sa tao ay nakakasama sa kanya, kahit pa ang pag-ibig,' Snow White thought and frowned at the sin who was clearly avoiding eye contact.

"Chandresh."

He sighed. "Snow, para saan pa ba? It's not like I'm staying.. bukas ng madaling-araw, paniguradong ako ang patatalsikin nila. My brothers are going to kill me, and we can't do anything about it." Pagak na natawa ang binata at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang kamay, "Besides, it's my fault.. I let myself be consumed by my sin without considering the consequences."

Snow's heart sank with his words. Bakit ba parang tanggap na nito na maglalaho na lang siyang bigla?

"At ano naman ang gagawin ko kapag naglaho ka na lang na parang bula?" Panghahamon ng dalaga.

Chandresh shrugged, "Just pretend I never existed. My demon brothers like to do that all the time. Mas mainam na ring mawala na ako sa buhay nila nang wala nang makasagabal sa trabaho nila."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon