QUINQUAGINTA SEPTEM

3.1K 234 29
                                    

Nang makalabas sa hukay si Snow, ang tanging ginawa lang ng kanyang mga mata ay ang suriin ang babaeng tumulong sa kanya. In her years of being trapped inside that cage, Snow White had to admit that she rarely saw girls her age. Hindi na rin siya magugulat kung makalimutan na niya ang hitsura dapat ng isang babae. But now, as she stared at those deep blue eyes and soft brown hair, nakasisigurado si Snow na ang dalagang ito ang pinakamagandang nilalang sa mundo ng mga mortal. 'Kung may pakialam ako, malamang kanina pa ako na-insecure sa kanya..' Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Monique smiled at her. A radiant smile, amidst the emptiness and the lake of fire beside them.

"Alam kong hindi ko dapat tinatanong, but are you okay? Muntikan ka na doon!"

Lumipas pa ang ilang sandali bago nahanap ni Snow ang kanyang boses. Naaalala niyang bigla ang ilusyong ginawa ni Wrath noong napadpad siya sa dungeons ng mansyon. Snow finds it hard to believe that the woman she saw is now right in front of her. Pilit niyang itinago ang kanyang mga kamay na bahagya pa ring nanginginig at ngumiti. Though, Snow's smile isn't anywhere as graceful as Monique's.

"A-Ayos lang ako. Sana hindi mo na lang ako tinulungan.. You could've just let me die in there. It doesn't really matter."

Kumunot ang noo ni Monique. "Katulong ka sa mansyon ng Seven Deadly Sins. Of course, it matters. Ano na lang ang gagawin nila Pride kung mapahamak ka? Unless they already killed you----"

"Teka," umusog palayo si Snow, her eyes grew wide in shock, "p-paano mo naman nalaman na maid nila ako? And what makes you think that I'm not already dead?"

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Monique. Alam niyang dapat siyang kabahan man lang, ngunit wala siyang maramdamang pangamba sa ekspresyon ng babaeng ito. She seems genuine. Her smile seems genuine. Everything about Monique is perfection! Napasimangot si Snow nang biglang maalala naman ang paghalik sa kanya ni Sloth sa Observatory nito. Malamang ay ginamit lang siya para sandaling makalimutan ang magandang nilalang na ito. 'Bullshit. Why am I even thinking about this?!'

"Your clothes.. Ganyan rin ang damit ko noon. It's a bit irritating that those idiots can't think of another design for maid outfits," napapailing na lang nitong sabi, "at sa totoo lang, hindi ako sigurado kung buhay ka o patay dahil nang hawakan kita, you felt too solid enough to be a remnant of a soul."

Inilahad ni Monique ang kanyang kamay sa harapan ni Snow. Nanlata na lamang ang dalaga nang makitang bahagyang naglalaho ito. Monique's hand seems to be transparent for one moment, then solid the next.

"Isa pa, kung taga-rito ka nga, hindi ka sisigaw kahit lamunin ka pa ng hukay na 'yan. That hellfire lake is normal...because this is hell."

Nakita ni Snow ang panandaliang emosyon sa likod ng kulay asul niyang mga mata. Hindi na lang niya ito pinansin. "Kaya ba tinulungan mo ako? Look, even if I am alive, wala na rin 'yon silbi. I'll be living here for the rest of my eternity kaya pwede tayong maging roommates." Snow smiled as she attempted at humor, kahit pa alam niyang wala naman talagang mga kwarto sa lugar na 'to.

Pero napapailing na lang si Monique.

"Kung buhay ka pa nga, malamang hinahanap ka nila."

"I don't care."

"Stubborn girl. Paano ka ba napadpad sa lugar na 'to? Only Hades has access to this place. Aside from the sinners, of course."

Tumayo si Snow, "Hindi na mahalaga ang bagay na 'yon. Now, if you'll excuse me, I have to look for a quiet spot to dwell in for the next one thousand years or so." Alam niyang nagiging bastos siyang kausap, pero ayaw nang ilahad pa ni Snow ang mga nangyari. Mas gugustuhin na lang niyang manahimik para madaling makalimutan ang lahat. Ganoon naman talaga, 'di ba? If you don't talk about something, you won't remember it and if you don't remember it, it won't hurt you.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon