QOS: QUADRAGINTA TRES

Start from the beginning
                                    

"Ang sakit mo sa mata, Greed! I think I'll fucking die of sore eyes from all your sparkles before Death can kill me."

"Inggit ka lang. Lahat naman ng gusto ko inaagaw mo. Get a life, Envy!"

"Damn twins. Would you two just shut the fuck up before my eardrums explode?!"

Pero sabay lang nilang tinawanan ang naaasar nang si Wrath.

'Nasaan na si Death?' sa gilid ng kanyang mga mata, may nakitang paggalaw si Sloth. Sinubukan niyang matunton ang horseman, pero tila ba nagiging mailap ito. The prince of laziness can feel a chill run down his spine. Alam niyang may masamang plano ang horseman.

"Why isn't he attacking us?" Lust scanned the empty yard. Nagkibit naman ng balikat si Gluttony na panandaliang itinabi ang kinakain niyang tinapay, "Baka naman natatakot siya dahil nasa atin ang scythe niya? He's an unflavorful bastard and a coward!"

Napailing si Pride. Mukhang naghihinala na rin siya sa mga nangyayari. "I doubt that. Death is here to deliver the third warning.. with or without his weapon, he can still cause chaos and destruction."

'Pride is right. Pero bakit hindi pa rin siya umaatake?'

Mayamaya pa, biglang sumulpot ang isang gwardiyang inutusan ni Hades kanina. Tagaktak ang kanyang pawis at nanghihinang yumukod sa kamahalan. His metal armor had blood stains on the sleeves. Crimson marked the crest of Hades and the guard shook nervously.

"K-King Hades! Y-Yung mga kawal natin..."

Napasimangot si Hades. "What happened?"

Napalunok ang gwardiya at hirap na sumagot, "T- They're..."

"They're what?!"

"...dead! A-All of them."

Nanlaki ang mga mata nina Hades. Even the sins were taken aback by the news. Wala na siyang inaksayang oras at mabilis na tumakbo papuntang training grounds ng kastilyo. Past the dark halls and old lanterns, they ran at an inhuman pace.

'Pinatay niya ang mga kawal ni Hades?!' Mahinang napamura si Sloth. Mukhang hindi ang scythe ang puntirya ni Death ngayong gabi. The first warning created war during the Hollow Fest in Eastwood, the second warning spread famine and spoiled the food inside their mansion, while the third warning..

"...causes death to Hades' men."

King Hades and the Seven Deadly Sins stared at the scene before them. Nagkalat ang mga bangkay ng mga kawal ng hari. Walang-buhay na nakadilat ang mga mata at hawak ang kanilang mga dibdib na para bang may kung anong pwersang nakapagpatigil sa pagtibok ng kanilang mga puso. Swords and armors laid motionless on the grassy grounds as the corpses of a hundred soldiers---werewolves, cyclops, vampires, and other paranormal creatures---marked the third warning.

'Sinigurado ni Death na mahihirapan kaming lumaban ngayong patay na ang hukbo ni Hades.'

Sloth knew this is what Lucifer wanted. Sadyang tuso ang tunay na hari ng impyerno. Sinadya niyong ipadala si Death sa kanila, isang linggo bago ang Sinner's Moon.

'Checkmate.'

Sa kanyang tabi, malalim na nag-iisip ang kanilang panganay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan ni Sloth kung paano nagagawang maging kalmado ni Pride sa kabila ng mga ganitong pangyayari. The eldest sin sighed, "Ang hindi ko alam ay kung bakit hindi kinuha ni Death ang kanyang scythe."

Wrath cursed under his breath, "That asshole is probably confident that he can defeat us without his weapon! Iniinsulto niya tayo! Papatayin ko talaga ang isang 'yon at isasama sa koleksyon ko sa Torture Room!"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now