Epilogue

1.2K 26 2
                                    

During my labor with the twins, kung pwede nga lang huwag ko na ituloy dahil hirap na hirap na akong ilabas ang kambal. Wala kasing nagsabi sa akin ganoon pala kasakit ang manganak.

Para naman hindi mo iyan pinagaralan noong nagaaral ka pa.

Sabagay, pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila.

Sa pagaalaga sa kambal ay walang problema dahil kapag walang klase si Louie ay tinutulungan niya ako sa pagalaga sa mga anak namin. Kung may klase siya ay yung yaya ng kambal ang tumutulong sa akin.

Speaking of my husband, nagalit pa nga ako sa kanya noong sinabi niya sa akin na hindi na niya itutuloy ang pagaaral at maghahanap na lang daw siya ng trabaho para makatulong. At ayun ilang araw ko siya hindi kinakausap. Bwesit siya. Sayang ang dalawang taon niya tapos hihinto lang. Ngayon ay nasa 3rd year na siya. Medyo busy na nga dahil marami sila ginagawa kaya sinabi ko sa kanya na kaya ko alagaan ang kambal basta focus lang siya sa pagaaral.

"Hon..." Lumingon ako kay Louie dahil abala ako sa pagluluto kahit may maid kami at meron ring yaya ang kambal. Isa nga lang. Nainis kasi ako kay Louie na may balak pa maghire ng yaya para daw hindi ako mapagod. Sarap batukan. "Nasaan pala yung kambal?"

"Pumunta sila mama rito kanina at kinuha ang kambal para ipasyal daw." Sagot ko. Noong dumating ang kambal ay tuwang tuwa si mama dahil wala daw kasi makulit sa bahay kaya kapag wala siya ginagawa ay pumupunta rito sa bahay namin para hiramin ang kambal.

"That means..." Ngumiti siya ng nakapilyo at tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag ka ganyan, Mich."

"Ano ang binabalak mo, mister?" Tanong ko sa kanya bago humarap sa maid. "Ikaw na ang bahala sa niluto."

"You and me moment, honey." Sagot nito dahilan napasapo ako ng noo.

Sabi na nga ba iyon ang gusto niyang gawin. Gusto kasi ni Louie na wala sa bahay ang kambal para walang isturbo. Knowing my husband, isang taon ko na siya kasama sa isang bubong.

"Tigilan mo ko, Louie. Baby pa ang ka–"

"Mich!" Rinig ko ang boses ni Faye. Aba, bumisita ang best friend ko ngayon. Ano meron?

"Faye, hinaan mo naman ang boses mo at sa pagkaalam ko ay may doorbell naman sila. Hindi mo na kailangan sumigaw." Boses naman iyon ni Dante.

"Shut up! Ayaw kitang kausap."

Pupuntahan ko na sana sila sa labas pero naunahan ako ni Louie.

"Ano ang ginagawa niyo rito?"

"Basta ako binibisita ko si Mich. Ewan ko lang diyan sa kaibigan mo kung binibisita ka rin niya."

Nakita ko na ang pagpasok ni Faye. Kahit walang pahintulot na pwede pumasok ay papasok pa rin si Faye. Well, ganyan kaming dalawa noong mga bata pa kami. Wala kaming pakialam at magkaibigan rin naman ang pamilya namin.

"Ano nangyari? Nagaway ba kayo ni Dante?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pero naiinis ako sa kanya na hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang ako naiinis kay Dante."

"Hindi kaya buntis ka? Kasi hindi ka naman madaling mainis kay Dante kung walang ginawang kalokohan iyon. O baka meron ngang kalokohan na naman."

"Hoy! Nagbago na ako. Hindi na ako yung dating Dante na kilala niyo." Sabat ni Dante.

"Kung walang kalokohan si Dante. Isa na lang ang pwedeng posibilidad. Buntis ka, bes." Masayang sabi ko kay Faye. "Congrats."

"Congrats, bro. Congrats, Faye."

"Wala pang kasiguraduhan." Sagot ni Faye.

"Nandito na rin naman tayo..."

"Hindi ko specialist ang ganyan, Dante." Sabi ko.

"Hindi pa ako graduate at wala pa akong lisenya. Pero mas mabuti pa kung pumunta kayo mismo sa OB." Sabi naman ni Louie.

"Sabihan niyo na lang kami kung magkakaroon na ng kapatid si Dale ah."

"Mas excited pa ka pa kaysa sa amin, Mich." Sabi ni Dante.

"Bakit? Hindi ba kayo excited na madadagan ulit kayo?"

"Excited. Gusto ko rin bigyan ng kapatid si Dale pero itong si Faye ang hindi pa handa."

"Hindi naman sa hindi pa ako handa pero gusto ko pa bumawi sa mga taon na wala ako sa tabi ni Dale. Apat na taon na hindi niya ako kasama."

"Bes, sa loob ng apat na taon ay nakikita namin kung paano lumaki si Dale at isa lang ang hinihiling niya. Ang umuwi ka at maging kumpleto ang pamilya niya. Natupad na iyon dahil kasal na kayo ni Dante ngayon at sigurado ako hinihiling niya rin magkaroon ng kapatid para kay kalaro siya."

"Mamaya pupunta tayo ng OB." Sabi ni Faye sa asawa.

"Sure. Gusto ko rin malaman." Sagot ni Dante bago bumaling kay Louie. "Bro, kailan ka gagraduate?"

"Next year pero hindi pa ako basta-basta magiging doctor. Kailangan ko pa pumasa sa board exam."

"Sus, kaya mo iyan, Louie. Kayo nga ni Faye ang palagi naglalaban sa top 1 noong high school pa tayo. Sisiw lang sayo iyan at isipin mo ang pamilya mo. Nandiyan sila para suportahan ka."

Tumingin ako kay Louie. Tama ang sinabi ni Dante. Nandito kami ng kambal para suportahan siya sa pangarapan niya.

"Ano pala specialist ang kukunin mo, bro?"

"Sa tingin ko cardiologist."

"Faye, may balita ka ba kila Angel?" Tanong ko sa kaibigan.

"Wala. Bakit? Wala naman siguro nangyari sa kanila."

"Wala. Okay sila sa Japan."

"Anong balita iyon, hon?" Tanong ni Louie. Halatang hindi na siya nagbubukas ng account niya. Sabagay, busy siya sa pagaaral.

"Simulang dumating daw sa kanila ang anak nila na si Rem ay sunod-sunod daw ang swerte nangyari sa kanila. Una, naging successful businessman na si Shawn kahit alam nating lahat na wala masyadong alam si Shawn sa business. Pangalawa, naclose ni Shawn yung isang deal sa isang kilalang kumpanya sa Japan. And lastly, pinasa na kay Shawn ang CEO kaya siya na ang bagong CEO ng kumpanya ng pamilya ni Angel."

"I remember when he asked me for my help. I only gave a few advice lalo na kung paano makuha ang loob ng kliyente at yung mga malalaking kumpanya." Ani Dante.

"Sa tingin mo ginawa niya ang advice na binigay mo?" Tanong ni Louie.

"I don't know. Ginawa niya man o hindi ay magkaroon na siya ng ideya kung ano dapat gawin at hindi dapat."

Nagusap pa kaming apat bago pa nagpaalam ang magasawa na baka wala na sila maabutang OB kung hindi pa sila umalis at sakto ang balik nila mama. Ang dami nga kinukwento ni Milo sa amin na sobrang daldal daw ni Lilith, ang babae naming anak habang ang anak naming lalaki na si Bastion ay tahimik lamang.

Huwag niyo na alamin kung bakit ganyan ang pangalan ng lalaki namin ni Louie dahil si Milo ang nagpangalan sa kanya at mahilig ang kapatid ko sa Yu-Gi-Oh! Halos napanood na niya ang lahat na series noon.

Like big sister, like little brother.

I, Michelle Lopez-Aguilar and I am married with a man named Louie Aguilar, my mister Ice Prince and the father of my twins.

Dito na nagtatapos ang kwento.

_____THE END_____

~~~~

Fun Fact:

1. I'm not fan of yaoi/BL kaya wala ako nababanggit na anime about sa yaoi.

2. Almost 1 year na itong story ko hahaha! May time kasi na tinatamad ako mag-update at may time na marami akong ginagawa. 😂

Salamat sa mga sumabaysay ng story na ito simula sa simula hanggang sa huli. See 'ya. 😘

Copyright ©️skyepine
2019-2020

Mister Ice Prince And Miss OtakuDonde viven las historias. Descúbrelo ahora