Chapter 48

356 10 0
                                    

Mas lalo ako nainis noong pinagkalat ng mga kaibigan ko na malapit na ako ikasal. Kanino naman ako ikakasal? Ni wala nga akong boyfriend. Paano naman ako ikakasal? Mga takas kasi sa mental. At saka si Shawn ang pasimuno ng lahat na iyon.

Lahat nga kami ay nakatanggap ng wedding invitation galing kay ate Kath dahil ikakasal na siya sa boyfriend niya. Sa pagkaalala ko naging sila ng boyfriend niya ay nasa 2nd year high school pa lang kami ni Faye.

Speaking of Faye, nakita ko siya kasama si Dante. Hindi ko nga malapitan si Faye dahil daig pang bodyguard ang dating ni Dante, hindi boyfriend. Makabantay sa kaibigan ko parang may mang aaway sa kanya. Naging sila na 1 month ago. Gulat nga ako pagkabukas ko ng facebook ay yung status agad nila ang bumungad sa newsfeed ko.

Ngayon ay nandito na kami sa reception. Magkakasama kami magkakaibigan sa isang table. Sawakas makakausap ko na ulit si Faye after a year.

"Bes." Lumingon si Faye sa akin. "Musta ka na?"

"I'm fine. Busy nga lang ako sa trabaho kaya hindi na ako nakakatawag sa inyo." Sagot niya bago binaling ang tingin kay Nathalie. "Ang balit ko magkakaroon ka ulit ng meet and greet sa darating na anime event."

"Yup. Gusto mo ba? Nagbibigay ako ng free ticket. Bibigyan ko na rin sila Mich at Angel ng ticket."

Ang saya pala magkaroon ng kaibigan na celebrity. Makaka libre ka na sa ticket para sa meet and greet niya.

"We can take a picture with you anytime we want." Sagot ni Faye.

"Alam ko pero ang gusto ko rin makasama kayo sa autograph session ko. Balak ko kasi cosplay tayong apat." Sagot ni Nathalie sa kanya. Patago akong ngumiti. Cosplay? First time ko pa lang magcosplay pagkakataon. "Kung gusto mo pwede rin natin isama si Dante."

"A-Ako?" Sabay turo ni Dante sa sarili.

"Yes. Partner by partner sana."

Yung ngiti ko kanina ay biglang naglaho noong sinabi ni Nathalie na partner by partner. Sino naman ang magiging partner ko? Kung kakausapin ko si Jayden ay hindi ako sigurado kung gusto niyang sumama.

"Nath, ako ang walang partner. Alam mo naman iyon." Pagmumuktol ko. Para tuloy akong bata nito.

"Me. I can be your partner." Lahat kami napatingin sa gawi ni Louie.

"Weh? Pinapaasa mo na naman ako, Louie. Huwag na lang. Maghahanap na lang ako ng iba pwede ko maging partner."

Hindi porket may girlfriend na siya ay paasahin na naman niya ang puso kong sawi. Doon na nga siya sa girlfriend niya. Bwesit sila.

"Tsk. Hindi ko naman sinabi sayong umasa ka sa akin pero seryoso ako na maging partner mo sa darating na anime event."

"No thank you. Ayaw ko naman magdala ng yelo sa function room ng anime event."

"Tsk. Kung ayaw mo, huwag! Ikaw na nga itong tinutulungan para hindi ka kawawa." Sabay tayo ni Louie at umalis sa table namin. Napikon yata. Ako dapat ang maiinis sa kanya dahil wala siyang isang salita. After 3 months ay may girlfriend na agad. Anong kalokohan iyon?

"Nathalie, wala akong alam sa cosplaying. Wala nga ako masyadong alam sa anime. I mean konti lang ang alam ko sa anime." Rinig kong sambit ni Dante. Mahilig nga rin pala ito manood ng anime pero closet otaku nga lang.

"Tanungin natin si Faye. Sinong character ang gusto mong i-cosplay?"

"Hindi ko pa alam kung makakapunta ako."

"Punta ka na, Faye. Sayang makakapasok tayong libre para makikita natin si Nath kahit palagi naman natin siya nakakausap." Sabi ni Angel.

Tumingin si Faye kay Dante bago pa siya tumingin ulit kay Angel.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now