Chapter 66

502 10 0
                                    

I already miss Louie. Ang sabi niya kasi sa akin noong huling pagkikita namin ay malapit na ang exam niya kaya kailangan niya magaral ng mabuti.

Kung dati ay nakakaya namin ang hindi magkita pero ngayon parang iba na. Gusto ko lagi kasama si Louie. Nasanay na siguro ako na nandiyan lagi ang presensya niya.

Naging busy ako sa trabaho ko ngayong araw. Kailangan ko magrounds sa mga pasyente ko pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Pagod? Siguro dahil bihira na lang ako umuwi sa bahay dahil sobrang busy ko.

Huminto ako sa paglalakad noong makaramsam na naman ako ng pagkahilo at sumandal ako sa pader.

"Doc, ayos lang kayo?" Tanong ng isang nurse pagkakita niya sa akin.

"Okay lang ako. Bumalik ka na sa trabaho mo." Sabi ko sa kanya. Umupo na muna ako rito sa waiting area.

Kausapin ko kaya si papa na umuwi na ako ng maaga ngayon. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.

"Mich." Tiningnan ko ang tumatawag sa akin kahit medyo umiikot pa ang paningin. "Okay ka lang ba? Sinabi ng isang nurse na namumulta ka. Gusto mo bang magpacheck up?"

"Okay lang po ako, pa. Pagod lang siguro ito."

"Gusto mo bang umuwi na? Tapos na rin ang duty ko ngayon."

Hindi si papa ang may ari nitong ospital pero isa siya sa pinagkakatiwalaan ng director. Sobrang tagal na rin ni papa nagtatrabaho rito bago pa niya nakilala si mama.

"No, pa. Marami pa po ako kailangan tapusin ngayon. Mawawala siguro itong hilo ko maya-maya."

Noong maayos-ayos na ang pakiramdam ko ay balik na ulit ako sa trabaho. Ang huling pinuntahan ko ay ang kwarto ni Gwen, ang babaeng binabantayan ni Lance simulang comatose ito.

Speaking of Lance, hindi ko na nakikita ang lalaking iyon since yesterday. Baka bumalik na sa US.

"Doc, ayos lang po ba kayo? Parang namumutla kayo." Bakas sa boses ni Gwen ang pagaalala. Sa dami kong pasyente na pinuntahan kanina ay si Gwen lang nakakapansin na namumutla ako.

Pero namumutla nga ba talaga ako?

"Ayos lang ako." Ngumiti ako sa kanya. "Kamusta ka na?"

"Okay na po ako ngayon. Medyo nagagalaw ko na yung mga paa ko."

"That's good. Bumalik na ba si Lance sa US?"

Tumango siya sa akin. So, bumalik na nga si Lance sa US.

"Tapos na kasi ang bakasyon niya kaya kailangan na niya bumalik. Babalik ulit siya rito kapag pinayagan siya ng boss niya na magbakasyon."

May sariling kumpanya sila pero sa ibang kumpanya siya nagtatrabaho. Sabagay, iba ang profession niya.

"Okay babalik na lang ako bukas para sa susunod mong check up." Tumalikod na ako sa kanya para lumabas na sa kwarto.

"Ay, doc." Huminto ako sa paghakbang palabas ng kwarto noong tawagin ako ni Gwen. Lumingon ako sa kanya. "Gusto ko lang malaman kung kailan ako pwede madischarge. Ang laki na siguro ng hospital bill ko rito."

"Huwag mo na isipin ang hospital bills ko. Sa tingin ko ay binayaran na ni Lance ang lahat na gastusin mo. At tungkol sa discharge mo ay susunod na bukas ka pa makakalabas."

"Dami ko na yatang utang ko kay Lance ngayon." Mahinang turan nito at sakto lang para marinig ko.

Ang swerte niya dahil isang mayaman, mabait at gwapong nilalang ang tumutulong sa kanya.

Nang nakaupo na ako sa swivel chair ko ay bumalik na naman ang hilo ko. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Kailangan ko na yatang umuwi sa bahay since tapos na rin naman ang duty ko ngayong araw. Hanapin ko na muna si papa at magpapaalam sa kanya na uuwi na ako.

Kinuha ko na ang gamit ko bago ko simulang hanapin si papa. Tinanong ko na rin ang ibang staff kung nakita ba nila si papa tutal kilala naman nilang lahat kung sino ang ama ko. May nagturo sa akin nasa ward si papa dahil may pasyente siya doon.

Naglalakad na ako papuntang ward na may naramdaman akong vibration. Kinuha ko ang phone ko at may text message ako galing kay Louie.

From Louie;

Miss na kita. Busy ka ba ngayon? Kung hindi kita tayo mamaya pagkatapos ng shift mo. Tapos na rin lahat na exams ko.

Hindi ko alam kung ano ang irereply kay Louie. Gusto ko na umuwi sa bahay para magpanhinga pero gusto ko ring makita siya dahil sobrang miss ko na rin siya.

Hindi ko na sinagot si Louie at binalik ko ang phone sa bag ko. Tumuloy na ulit ako sa paglalakad ng makasalubong ko si papa.

"Tapos na ba ang shift mo ngayon?" Tanong ni papa sa akin.

"Yes po. Magpapaalam na sana ako na uuwi."

"Sige, magiingat ka."

"Bakit hindi kayo sumabay sa akin pauwi? Hindi po ba last mong pasyente na iyan?"

"Nagkaroon kasi ng emergency kanina kaya hindi pa ako makakauwi kaagad. Pakisabi sa mama mo na baka bukas pa ako makakauwi."

"Sige po. Huwag niyo pababayaan ang sarili niyo ah."

Palabas na sana ako ng ospital na biglang dumilim ang paningin ko.

Nagising ako nasa isang hospital room na ako. Ang pagkaalala ko ay dumilim kanina ang paningin ko at nahimatay. Ano ba nangyari sa akin?

"Hon..." Lumingon ako sa bagong pasok. Masaya ako na makita ko ulit siya.

"Tinawagan ka ba ni papa?"

"Hindi. Hindi mo ba natanggap ang text ko sayo kanina na magkita tayo ngayon?" Sagot nito. Nawala sa isip ko ang tungkol sa text niya sa akin kanina na hindi ko nareplyan. "Hindi ka nga rin nagreply sa akin."

"Sorry. Gusto ko na kasi umuwi sa bahay kanina."

"Kinausap ako ng security guard kanina na hinimatay ko daw kaya kaagad kita pinuntahan rito."

Kilala na kasi si Louie ng mga staffs ng ospital bilang boyfriend ko. Wala pang nakaalam sa kanila na fiance ko na si Louie and my soon-to-be husband.

Tumahimik ako. Ayaw ko magaalala sa akin si Louie kung ano man ang cause ng pagkahilo ko kanina.

"Pagod lang siguro ako kaya nahimatay kanina."

"Wala pa bang doctor para alamin kung ano ang nangyari sayo kanina?"

"Hindi ko alam. Wala pang isang minuto nagising ako noong dumating ka."

"Wait mo lang ako dito. Hahanapin ko si tito baka may kausap siyang doctor na tumingin sayo kanina." Tumalikod na ito pero hinawakan ko ang braso nito.

"Dito ka lang, please. Busy rin kasi si papa ngayon."

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now