Chapter 54

372 12 0
                                    

Mich's POV

Naging busy ako ng ilang araw dahil sa parating na board exam pero katatapos ko lang magtake at hinihintay ko na lamang ang resulta ng exam. Medyo kinakabahan dahil gusto ko rin pumasa para maging registered nurse na ako. Mas lalo ako magiging busy kapag pasado ako sa board exam.

Pagbukas ko ng facebook ko ay meron akong natanggap na message kaya clinick ko iyon at galing kay Shawn. Bakit naman kaya magmemessage sa akin ito?

Shawn Mendoza: Hey! Alam mo na ba ang balita?

Kumunot ang noo ko sa message nito. Anong balita naman iyon?

Michelle Lopez: Anong balita? 🤨

Shawn Mendoza: Aalis ng bansa si Louie papuntang France.

Michelle Lopez: What?! Huwag ka magbiro ng ganyan, Shawn.

Shawn Mendoza: No joke this time. Sinabi niya sa amin noong isang araw na magtatrabaho daw siya sa France.

Michelle Lopez: Kailan ang flight niya?

Shawn Mendoza: Mamayang 5pm ang flight ni Louie. Pupunta kami lahat sa airport para magpaalam sa kanya. Sumunod ka kung gusto pumunta.

Tiningnan ko yung oras and it's already 4:20pm. Makakahabol pa ba ako nito bago umalis si Louie? Masyado pa namang traffic papuntang airport ngayon. Bahala na nga. Kailangan kong puntahan si Louie sa airport bago pa siya umalis ng bansa.

Nagmamadali akong magpalit ng damit bumaba na para makaalis agad sa bahay.

"Hep! Saan ka pupunta?" Tanong ni papa sa akin.

"Sa airport po, pa. Aalis na si Louie ngayon."

"Hatid na kita."

Mabuti pa nga para wala akong gastos na pamasahe papuntang airport. Day off ni papa ngayon kaya siyang shift. Mabuti na rin iyon para may oras pa siya kay Milo. Ilang taon wala ni Milo si papa kaya bumabawi siya ngayong day off.

"Michelle, umamin ka nga sa akin. Mahal mo na ba si Louie? Hindi ka nagkaka ganyan ngayon kung hindi." Tanong ni papa sa akin habang ang tingin ay sa daanan.

"Papa naman. Pero opo, mahal ko na siya noon pa kaso pinipigilan ako kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya dahil naiinis ako sa nerd na iyon."

"Naalala ko pa yung sinabi sa akin ni Louie noong unang beses pa lang niya pumunta sa bahay." Tumingin ako kay papa. Ano kaya ang pinagusapan nila? At kailan nangyari iyon? Wala kasing binanggit si Louie sa akin noon. "Ayaw niyang maging sagabal sa pagaaral mo kaya nagawa niyang saktan ka noon."

"Sinabi niya po iyon? Pero bakit?"

"Hindi mo ba napapansin? Handa siyang protektahan ka dahil mahal ka niya, Mich."

Nagulat ako sa sinabi ni papa. Mahal ako ni Louie? Pero ayaw ko naman umasa kung hindi sa kanya mismo mang galing ang salitang iyon.

"Boto ako sa batang iyon dahil mas iniisip niya ang magiging future niyong dalawa pero ang ayaw ko lang sa ugali ni Louie ay kung paano ka niya saktan."

"Pa, pinanganak po kasi sa antarctica si Louie dahil kasing lamig niya yung lugar at may sariling mundo iyon kapag libro na ang kaharap niya. Para bang wala na siyang pakialam sa paligid niya."

"At least tinunaw mo ang yelo niyang puso." Natatawang sabi ni papa na kinailing ko.

Pagkarating namin sa airport ay tinakbo papasok. Hindi ko pa naman alam kung saan banda ba sila Louie ngayon. Tiningnan ko ang oras but it's already 5:01pm. Naiiyak ako dahil hindi ako nakahabol bago pa ako umalis si Louie.

"Mich?" Inangat ko ang tingin noong may tumawag sa pangalan mo. Tumakbo ako papalapit sa kanya sabay yakap.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ba 5pm ang flight mo? Lagpas na ah."

"Delay ng 10 minutes ang flight ko."

Mabuti na lang ay delay yung flight niya para makausap ko siya bago pa siya umalis.

"Nandito ka ba para magpaalam rin sa akin?"

Mabilis akong umiling. Parang ayaw ko kasi magpaalam sa kanya dahil alam kong magkikita pa kami.

"Hindi ako naparito para magpaalam sayo. Naparito ako dahil may gusto akong sabihin sayo."

"Pwede bang ako na muna?" Tumango ako sa kanya. "Sorry kung nasaktan kita noon. Sorry talaga, Mich. Hindi ko intensyon gawin iyon sayo. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang katotohanan kaya pinaparamdam ko na lang sayo pero mukhang hindi mo naman napapansin."

"Ang alin? Na mahal mo ko?"

"Yes, I love you so much. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo kung ano ang nararamdaman ko dahil natatakot ako lalo na galit ka sa akin."

Napangiti ako dahil umamin na rin si Louie. Late nga lang pero ayos lang. It's better late than never ika nga.

"Ayaw ko na may ibang lalaki ang lumalapit sayo dahil nagseslos ako at handa ako makipag away sa kanila."

May nagsalita na lumanding na yung eroplano papuntang Paris kaya kailangan na ni Louie.

"Wala naman akong ibang lalaki na kasama maliban sa sa inyong apat."

"Good, but I have to go. At saka pagbalik ko ay liligawan kita kahit hindi ako marunong mang ligaw."

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ko ngayon.

"Hanggang kailan ka sa France?"

"4 years lang ako doon. Promise babalik ako agad para sayo."

4 years... Matagal tagal rin iyon lalo na long distance kami ni Louie pero may tiwala naman ako sa kanya. Kahit ba maraming magaganda at sexy'ng babae sa France.

May narinig akong tumikhim kaya napalingon ako. Nandito pa rin yung iba. Huwag niyong sabihin ay nakita nila ang pangyayari kanina. Nakakahiya.

"Nice, Mich. Mukhang tinunaw mo na talaga ng tuluyan ang yelong puso ng kaibigan ko." Sabi ni Dante habang karga niya ang anak nila ni Faye na si Dale Gabriel. Ang cute ng anak nila kaso kamukha ng ama. Wala niisa nakuha sa ina.

3 months old pa lang si Dale noong umalis si Faye dahil magmamasteral pa siya sa US. Kaya ito si Dante ang nagbabantay sa anak nila. Ngayon ay 5 months old na si Dale.

"Tumingil ka, Dante." Irap ko sa kanya.

"Congrats, girl. Mukhang magkakaroon ka rin ng love life na." Sabi ni Angel.

"Kaya naman pala sinisiraan si Mich noon sa mga lalaki na nagbabalak na mang ligaw, iyon pala ay mahal na pala si Mich." Ani Nathalie.

"Torpe kasi ni Louie. Kung hindi iyon torpe ay sana noon pa lang sinabi na niya kay Mich. Hindi sana aabot sa ganito." Sabi naman ni Dante.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now