Chapter 35

351 12 0
                                    

Lunch break na kaya pumunta na kaming lahat sa canteen except kay Nathalie dahil kailangan niyang samahan si Eren. Hindi kasi sumasabay sa amin si Eren kumain sa canteen at ngayon pa lang magpapahiwalay sa amin si Nathalie dahil sa boyfriend niya.

Napansin kong may binulong si Dante kay Faye at itong kaibigan ko ay umalis na siya sa pila para puntahan kung saan si Louie.

"Ano ang sinabi mo kay Faye?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Sinabi ko lang sa kanya na ako na lang ang bibili ng makakain niya at puntahan na niya si Louie doon."

May something, eh. Parang may tinatago sa akin si Faye ngayon. Kailangan kong malaman kung ano iyon. Nangako kami sa isa't isa ng no secrets.

"Dante, si Shawn nga pala. Shawn, si Dante." Pagpakilala ni Angel sa kanila.

"Hi, bro. Nice to meet you." Nilahad ni Shawn ang kamay kay Dante at tinanggap naman niya iyon.

"Nice to meet you too, bro." Sabi ni Dante at tumingin siya sa amin. "Hindi niyo yata kasama si Nath ngayon."

"Kasama niya si Eren." Sagot ni Angel.

"Matagal ng tapos ang school festival natin ah. Bakit pa sila magkasama?"

"Actually, boyfriend na ni Nath si Eren ngayon kaya mapapadalas talaga na magkasama ang dalawa." Sagot ko sa kanya.

"Ah, malas naman ni Nath dahil siya pa ang naging boyfriend."

"Inaamin kong ayaw ko kay Eren dahil masama ang ugali niya pero noong nakilala niya si Nath ay ang laki na ng pinagbago niya. Nakikita ko talagang nagbago siya para kay Nath. Mahal niya ang kaibigan namin. Ganoon ka rin naman, eh. Nagbago ka para kay Faye."

"Siyempre, mahal ko si Faye at seryoso ako sa kanya."

Sana nga seryoso ka talaga kay Faye dahil ayaw ko makitang umiyak ang kaibigan ko. Si Dante pa lang ang unang lalaki ang magpapaiyak kay Faye sa pagkakataon. Kung maging sila ba talaga sa huli.

Pagkakuha ng order namin ay pinuntahan na namin sina Faye at Louie. Nakita ko ngang naguusap ang dalawa ngayon. Ano kaya ang pinagusapan nila?

"Shawn, ito nga pala si Dante at Louie." Pakilala ni Faye kay Shawn ang dalawang lalaki.

"Yes, pinakilala sa akin ni Angel kanina si Dante habang bumibili kami ng makakain." Tumingin naman si Shawn sa gawi ni Louie. "Nice to meet you, bro."

"Likewise." Sagot naman ni Louie sabay subo sa isang shanghai roll.

Nakita kong naglalakad sa direskyon namin si Nathalie kasama si Eren. Mukhang may hindi magandang mangyayari ngayon dahil kila Dante at Eren. Hindi kasi magkasundo ang dalawa.

"Dante, alam kong hindi maganda ang samahan niyo ni Eren." Sabi ni Nathalie.

"No, it's okay. Sinabi na rin sa akin nila Mich na boyfriend mo na si Eren ngayon at matagal na nangyari noong huling beses ko siyang sinuntok. Sana kalimutan na lang niya iyon."

"Eren, sabay na tayo sa kanila." Alok ni Nathalie sa kanyang boyfriend.

Umupo naman si Eren sa tabi ni Nathalie. Mabuti na lang walang kaganapan nangyayari ngayon pero yung ibang estudyante ay napapatingin sa table namin. Halatang nagulat sila dahil magkasama sa isang table sina Dante at Eren.

"Hi." Pagbasag ni Shawn sa awkward moment dito sa table namin. "Ako nga pala si Shawn."

"Eren. Eren Gonzaga."

Pagkatapos namin kumain ay wala naman naging problema pero wala namang imikan sina Dante at Eren para bang hindi sila exist sa mundong ibabaw sa isa't isa. Okay na rin siguro yun kaysa naman magbangayan ang dalawang iyon.

Wala rin kaming klase sa hapon dahil balak ng ibang teacher namin next week na sila magsisimula magturo. Ang English teacher lang talaga namin ang excited magturo sa amin ng lesson.

Kaya ito tinour na namin si Shawn sa campus. Ang unang pinuntahan namin ay ang gym at nanood kami saglit sa naglalaro ng basketball. Napansin kong ang biglang pagtahimik ni Faye. Siguro iniisip niya wala si Dante sa gym. Hindi kasi siya member ng basketball club kahit magalit pa siya sa basketball. Ang sunod namin pinuntahan ay ang music room, computer laboratory, infirmary, science laborary, art room at ang huli ay ang garden.

"Ang ganda pala dito sa garden. Ang daming magagandang bulaklak."

"Mahilig ka ba sa mga bulaklak?" Biglang tanong ni Angel.

"Hindi naman pero nahawa na rin siguro ako sa hilig ni mama sa mga bulaklak. May tanim kasi siyang orchid at daisies sa bahay."

"Ano pala ang hilig mo, Shawn?" Hindi ko na kasi maiwasan hindi tanungin siya.

Siyempre hindi makakaligtas sa amin ang mga transferee. Kailangan may interview sila para makilala namin ng lubusan.

"I can dance, sing and drawing. Pero hindi ako masyadong magaling sa drawing hindi katulad ni Miss Official Otaku." Ngumiti ako dahil kilala ko kung sino ang binabanggit ni Shawn na Miss Official Otaku.

"Sino iyon?" Tanong ni Angel. Tinuro ko si Faye kaya napalingon silang dalawa sa kanya.

"Ikaw si Miss Official Otaku?" Tumango si Faye kay Shawn. "Nice, hindi ko inaasahan makikita kita sa personal. Isa ako sa mga fan ko."

"Naks, bes. May fan ka na. Ibang klase rin kasi ang iyong masterpiece."

"Hindi naman ako ganoon kagaling sa drawing. Inspired lang ako."

"Kanino? Kay Dante?" Pang aasar sa akin ni Angel.

"Tumigil ka, Angel. Hindi ah!" Napataas ang boses ni Faye pero hindi naman ganoon kalakas at namumula pa nga siya. May something nga sa kanila ni Dante.

"You're blushing."

"May labnat ka rin, bes katulad ni Nath?" Sumali na rin ako sa pang aasar ni Angel sa kanya. Nakikita ko namang seryoso talaga si Dante at hindi ko na siya nakikitang may kasamang babae maliban kay Faye.

"May crush ka kay Dante, Faye?" Tanong naman ni Shawn sa kanya.

"Wala. Huwag ka maniwala sa dalawang iyan. Kaibigan ko lang si Dante pero nangliligaw naman siya sa akin." Tumingin sa gawi ko si Faye. "Ikaw nga Mich may gusto ka pa rin kay Louie. Hindi mo iyon matatago sa akin."

"Ay, aba! Gumaganti sa akin. Inaamin ko naman hanggang ngayon may gusto pa ako kay Louie pero hindi katulad noon na umaasa akong magiging kami balang araw. Alam ko naman tatanggihan niya ulit ako katulad noon kaya ayos na rin friends muna kami. Maghihintay na rin siguro ako kung kailan siya maging handa."

"Paano kung wala pa lang balak pumasok sa isang relasyon si Louie? Maghihintay ka pa rin sa kanya?" Tanong ni Angel.

"Ano siya siopao? Kailangan maging special. Maghahanap na ako ng iba na pwedeng magmahal rin sa akin. May pabulaklak pa kasi nalalaman noong Valentines."

"At least kinilig ka naman sa ginawa niya."

"Okay na sana yung ginawa niya noong Valentines pero bigla niyang sinabi ayaw kong paasahin ka kaya itong bulaklak is the sign of our friendship. Sino ba ang hindi maiinis doon? Grrr..."

Kaso bigla ko naalalam yung araw na ninakawan niya ang first kiss ko. Yung panahon na hindi pa kami okay pero iyon ang ginawa niya sa akin. At hindi lang iyon kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay mas lalo ko pa siya nakilala. Pinakilala pa niya ako sa pamilya niya.

Pero hindi na ako umaasa na magiging kami sa huli. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Masakit ang ma friendzoned pero tatanggapin ko na lang.

~~~~

Hi! Belated Christmas gift ko na itong new update sa inyo kahit sinabi ko noon na hindi na muna ako makakapag update ng new chapters.

See you on Jan. 2, 2020.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now