Chapter 14

466 15 0
                                    

Kinabukasan ay ang ganda ng gising ko ngayon. Hindi kasi ako makapaniwalang yayain ulit ako ni Louie pumunta sa Anime Cafe. Para tuloy ito ang date naming dalawa. Kahit ako lang ang nagiisip na date iyon.

"Mich!" Lumingon ako noong may yumakap sa akin mula sa likod. "Happy new year."

"Masyado ka namang excited. Bukas pa ang new year, bes." Natatawang sabi ko kay Faye.

"Alam mo naman magiging busy ako mamaya sa pagtulong kay mama at ate."

"Mamaya pala pupunta kami sa inyo."

Taun-taon kasi magkasama sa bagong taon ang Silva-Lopez. Magkaibigan na kasi ang pamilya namin ni Faye kahit hindi pa kami pinapanganak na dalawa. Kaya siguro naging close rin kami, hindi dahil pareho kami ng hilig.

"Alam ko naman iyan. Taun-taon nating ginagawa ang media noche na magkasama."

Nagpaalam na si Faye sa akin kaya pumasok na ako sa loob at tumingin sa oras. Hala! Malapit na dumating si Louie. Kailangan ko na magasikaso.

Pagkatapos ko magasikaso ay bumaba na ako pero napatingin sa akin si papa habang kunot noo.

"Saan ang punta mo?"

Sasagot na sana ako kay papa noong marinig ko ang boses ni Louie. Nandito na siya.

"Tao ho."

"Mukhang may lakad kayong dalawa ah." Sabi ni papa at lumabas siya ng bahay para papasukin si Louie.

"Hello po, tito."

"Saan ang lakad niyong dalawa ng anak ko?"

Bago pa sumagot si Louie ay lumabas na ako at humarap kay papa.

"Si papa talaga. Pupunta lang po kami ni Louie sa coffee shop tapos uuwi rin kami agad. Promise po uuwi ako agad para tulungan kayo para sa noche media."

"Sige, iuwi mo agad ang anak ko ah." Napailing ako kay papa. Para naman ang layo ng pupuntahan namin ni Louie.

"Opo, tito."

Pagkarating namin sa coffee shop at inorder ko ulit yung inorder ko noong unang beses ako dinala ni Louie rito. Ang sarap kasi noon at saka mura.

"Busy ka pala mamaya." Panimula ni Louie pagkaupo namin sa bakanteng table.

"Yep. Tuwing bagong taon ay kasama namin ang pamilya ni Faye sa media noche."

"May sinabi sa akin si Dante kagabi na may balak siyang umamin kay Faye mamayang gabi."

"Seryoso?" Tumango si Louie sa akin. "Siguro alam naman niyang wala pang balak pumasok sa isang relasyon si Faye. Study first ang priority niya dahil iyon ang pinangako ni Faye kay tito."

"Bahala na si Dante kung ano ang binabalak niya. Problema na niya yun."

Ibang klase talaga itong si Louie. Unang una, ang layo ng ugali niya kay Dante kaya paano sila maging magkaibigan. Pangalawa, hindi niya sinusuportahan ang kaibigan niya sa kahit anong bagay na gustong gawin. At ang huli, walang pakialam sa mundo itong si Louie.

Pagkatapos namin uminom ni Louie ay hinatid na niya ako sa amin dahil kailangan pa niya umuwi sa kanila. Hindi pa daw siya umuuwi sa kanila.

Habang naghahanda si mama sa mga dadalhin namin para mamaya at ako naman ay nagaalaga kay Milo. Si papa kasi tulog na. Pinatulog ni mama dahil galing siya sa trabaho. Buti nga mamaya ay walang duty si papa kaya kumpleto ang pamilyang Lopez.

Kinagabigan ay pumunta na kami sa bahay nila Faye pero nasa labas kami ni Faye kumakain. Palagi kasi kami dito kumakain sa labas para makita agad ni Faye si mr. Martinez. Ewan ko lang ngayon.

"Hindi ko yata nakita si mr. Martinez na bumisita ngayon?" Tanong ko kay Faye.

"Mich naman. Nang aasar ka ba sa akin?"

"Hindi naman." May pang aasar ba sa boses ko noong tanungin ko siya kanina? Wala naman ah. "Pero nakakapagtataka lang kasi palagi siya nandito tuwing new year's eve para batiin tayong lahat."

"Baka busy lang ang tao. Hindi ba nga aalis na siya ng bansa?" Nakakahalata na ako. Simulang narinig ni Faye na aalis ng bansa si mr. Martinez ay iniiwasan na niya ito at noong umamin siya rito. Nakakaramdam ako ng awkward moment kay Faye. Mukhang nahihiya siyang harapin na si mr. Martinez.

"Bes, look!" May nakita akong firework kaya tinuro ko kung saan banda. "Ang aga naman nila magpaputok. Wala pang 12:00 AM."

"Excited lang siguro sila para sa bagong taon. Mamaya pala pagkatapos natin kumain ay maglaro tayo habang hinihintay ang bagong taon."

"Sure, anong laro ang lalaruin natin?"

Pagkatapos namin kumain ni Faye ay umuwi na muna ako sa bahay para kunin yung chess board. Saan ko nga ba tinago yun?

Pagbalik ko ay dala ko na yung chess board. Ito ang lalaruin namin habang hinihintay ang bagong taon at dito lang ako nanalo kay Faye.

"Chess?"

"Yep, maglalaro tayo ng chess at dapat matatalo mo na ako."

"Ang daya naman."

Siguradong hindi ako matatalo ni Faye sa chess. Hindi lang kasi sa pagsasayaw ang hilig ko kahit paglalaro ng chess. Noong bata kasi ako ay naglalaro kami palagi ni papa ng chess pero hindi ko siya matalo talo.

"Anong consequence ko?"

"Maya na natin pagusapan ang consequence na ibibigay ko sayo sa bawat talo mo. Kailangan mong manalo na sa akin."

May naisip na nga akong consequece kay Faye. Isa lang siya, actually.

9-0

Ano ba yan. Niisang beses ay hindi manalo sa akin si Faye.

"Checkmate ulit! Paano ba iyan, Faye?"

"Tsk. Ang daya naman kasi. Alam mo namang wala akong laban sa chess."

"Isa lang ang ibibigay kong consequence sayo." Sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko. I'm so evil. Joke.

"Ano ang consequence ko?"

"Ang consequence mo ay ang kausapin si mr. Martinez." Napansin ko ang biglang pagtingin ni Faye sa akin.

"Seryoso ka ba? Iniiwasan ko nga yung tao, eh."

Confirm! Iniiwasan nga niya si mr. Martinez at alam ko na ang dahilan kung bakit niya iniiwasan.

"I'm serious, bes. Kailangan mong kausapin yung tao at baka nagsisi ka na hindi mo siyang nakausap habang nandito pa siya."

"Fine!" Padabog na tumayo si Faye. Dahil nga sa tabi lang ang bahay ni mr. Martinez ay sinamahan ko pa rin si Faye baka kasi umurong ang kaibigan ko.

Pero ilang pindot na si Faye sa doorbell walang sumasagot. Nakakapagtataka naman.

"Mukhang umalis kasi wala namang sumasagot eh." Sabi niya sa akin.

"Weird. Hindi man lang natin napansing umalis siya kanina."

"Baka naman kaninang hapon pa siyang uma--" Pareho kami napatingin ni Faye noong may nagbukas ng gate. Nandito pala si mr. Martinez.

"Maiwan ko na kayong dalawa." Tumalikod na ako sa kanila para bumalik sa bahay nila Faye.

Good luck, Faye!

~~~~

Next update will be on Oct. 5 or so on... 🤷‍♀️

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now