Pagkatapos ng exams namin ay siyempre bakasyon na. Kahit bakasyon na namin ay busy pa rin ako. Tutulungan ko kasi si mama sa pagalaga kay Milo.
"Michelle, ako na muna sa kapatid mo para makakain ka na."
"Okay po." Binigay ko na kay mama si Milo. Ang cute talaga ng kapatid ko at hindi mahirap alagaan. Ngayon pa lang ako kumarga ng baby.
Pagtapos ko kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nakita ko si mama na bumaba ng hagdan. Mukhang pinatulog na niya si Milo.
"Magpahinga ka na rin. Dapat habang bakasyon ka ay ineenjoy mo. Hindi ba tuwing katapusan ng buwan ay pumupunta kayo ni Faye sa mall?"
"Yes po. Kaso nangako po ako sa inyo na tutulungan ko kayo sa pagalaga kay Milo."
"Pupunta ba si Faye ngayong taon?"
"Yes po."
"Bakit hindi ka sumama sa kanya?"
Alam ko naman papayagan ako ni mama na sumama kay Faye pero ako lang ang ayaw. Maiintindihan naman ni Faye kapag sinabi ko sa kanya ang dahilan ko.
"Ayaw ko po muna ngayong taon. Magiipon na muna ako ng pera para next year." Pagdadahilan ko. Wala na kasi ako maisip na pwedeng idahilan kay mama. Kapag pumayag kasi siya na sumama ako kay Faye ay siya na ang bahala kay Milo. Yun naman ang ayaw kong mangyari kaya nga tutulungan ko sila habang bakasyon ako. Kahit 2 weeks lang ang bakasyon namin.
Kinabukasan ay ang aga aga bumalabog ni Faye sa bahay. Parang ako lang dati. Ano kaya ang problema ng bruhang ito?
"Sorry kung pumunta ako na hindi sinabi sayo."
"Ayos lang. May problema ba, bes?"
"Kailangan ko lang ng kausap at ikaw lang ang pwede kong kausapin sa problema ko."
"Handa ako makinig sayo. Ano ba iyon?"
"Kagabi kasi... Narinig kong naguusap sina kuya Peter at kuya Paul sa bahay. Ang sabi pa naman ni kuya Paul ay sinubukan niyang mag-apply sa Japan at tinanggap siya doon."
"Ano?! Seryoso?" Tumango si Faye sa akin. "Hanggang kailan na lang si sir Martinez"
"Ayon sa narinig ko ay hanggang 2nd week of February. Pero Japan iyon, Mich. Hindi ko na siya makikita, makakasama, maririnig ang boses niya." Halatang nalulungkot si Faye sa pagalis ni sir Martinez. Sabagay, siya kasi ang childhood crush ni Faye. Sa gwapo pa naman ni sir Martinez. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Lahat siguro maliban sa akin dahil may Louie na ako.
"Ganoon rin naman ang mangyayari kapag pumunta ka ng states. Hindi mo rin siya makakasama, makikita at maririnig ang boses niya."
Sabihin niyong mali ako dahil pagkagraduate namin ay susunod na si Faye sa papa niya sa states. Doon kasi gusto ng kaibigan ko magaral at limang taon siya doon. Kakalungkot nga lang dahil magkakahiwalay kami ng matagal ni Faye. Simulang pre-school kami ay pareho na kami ng pinapasukan hanggang ngayong high school.
"Baka itigil ko na ang nararamdaman ko kay kuya Paul."
"Seryoso? Nagising ka na rin sa katotohanan, Faye." Hindi naman sa hindi ko sinusuportahan si Faye sa pagkakaroon niya ng crush kay sir Martinez. Number 1 fan kaya ako ng love team nila pero natatakot lang ako sa pwedeng mangyari kapag may makaalam. Hindi ko na nga rin iniisip masyado kung malaman ng ibang estudyante na kapit bahay lang ni Faye si sir Martinez dahil pwedeng isipin na pagkakataon lang yun.
"Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Wala naman nakaalam ang tungkol sa pagkaroon ko ng crush kay kuya Paul maliban sayo."
Sayang. Mawawala na ang Faye x Paul love team ko. Eh, sa kinikilig pa naman ako kahit simpleng pagtingin lang ni sir Martinez kay Faye sa tuwing nagklaklase kami sa kanya. Napapansin ko yun, no!
"Kailangan ko ng umuwi dahil manonood pa ako ng anime. Malapit na ako matapos."
"May alam ka bang yaoi?" Bigla kong tanong sa kanya.
"Ew. Maling tao ang tinanong mo, bes. Alam mo namang hindi ako mahilig sa boys love." Natawa ako sa reaksyon niya. Halatang ayaw talaga ni Faye sa ganoong genre. Kahit magkaiba kami ng hilig sa anime ay magkasundo pa rin kami sa ibang bagay.
"Nagbabakasakali lang ako na may alam kang yaoi."
Nagpaalam na si Faye kay mama bago pa siya lumabas ng bahay.
"Ang aga naman pumunta ni Faye dito."
"May importante lang pong sinabi sa akin." Hay naku, kahit kay mama ay nagsisinungaling na rin ako.
Pagtapos kong kumain ay sinubukan kong tawagan si Angel.
"Angel!"
"Oh. Napatawag ka ngayon, Mich. Ano meron?"
"May alam ka bang magandang panoorin na anime? Alam kong pareho tayo ng hilig sa anime."
"Hmm... Wala, eh. Hindi na kasi ako masyadong updated sa bagong anime ngayon."
"Ganoon ba? Sige, maghahanap na lang ako sa internet na magandang panoorin. Saan nga pala ang punta niyo ngayon?"
"Hindi ko pa alam kung saan balak ng mga magulang ko. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakapag desisyon kung saan pupunta."
"Sige, ingat na lang kayo."
"Salamat."
Pagtapos kong kausapin si Angel ay pumunta na ako sa kwarto ko para maghanap ng anime sa internet. Tulog pa kasi si Milo pagkatapos niya uminom ng gatas.
Bago pa ako maghanap ng magandang anime ay binuksan ko na muna ang facebook ko. May unread message ako. Sino naman kaya? Pagbukas ko ng inbox ay laking gulat ko ng makita si Louie ang nagmessage sa akin. Friend na kami niyan dito sa facebook kaya palagi akong updated sa kanya. Stalker kaya ako ni Louie. Joke lang. Hindi masyado active si Louie sa mga soicial media account niya. Boring kaya ng buhay niya. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya maliban sa pagiging gwapo at matalino niya.
Louie: Psst.
Mich: Bakit po?
Louie: May gagawin ka ba bukas?
Teka, si Louie ba itong kausap ko? Kung siya ito ay hindi siya magtatanong sa akin kung may gagawin ba ako bukas. Wala yun pakialam sa ibang tao. Cold kaya niyang tao. Pinaglihi siguro siya sa antarctica kaya ganyan siya ka cold.
Mich: Wait. Louie ikaw ba talaga yan? Baka poser ito ah.
Louie: Ako ito. Bakit?
Mich: Ano kasi... Hindi ka magtatanong sa akin kung may gagawin ba ako bukas. Sa tagal pa naman natin magkaklase kaya kilala na rin kita.
Louie: May nakita kasi akong bagong bukas na coffee shop. Baka magustuhan mo pumunta. Nakita ko kasing anime ang design sa coffee shop na yun.
Mich: Really?
Parang kumikinang na ang mga mata ko. May coffee shop pa lang bagong bukas hindi ko alam at hindi lang yun tungkol sa anime yun. Sabihan ko nga kay Faye ang tungkol doon pero titingnan ko na muna.
Mich: I'm free!
Louie: Okay. I'll pick you up around 10 am.
I can't wait. Parang first date na rin namin ito ni Louie kahit hindi ko pa siya boyfriend.
YOU ARE READING
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...