Chapter 28

396 13 0
                                    

Inaalok kong pumasok si Louie sa loob pero tumatanggi siya. Narinig ko na rin ang pagiyak ni Milo kaya nagmamali na akong puntahan sa nursery room ang kapatid ko.

"Tulungan na kita sa pagalaga sa kapatid mo." Sabi niya. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin.

"Marunong ka?"

"Oo. Kahit hindi ako tunay na anak ay tinutulungan ko pa rin sila sa pagalaga sa mga kapatid ko."

"Okay. Hindi naman makulit si Milo." Sabi ko pagkapasok sa loob ng nursery room para kunin si Milo sa crib.

"Mukhang nagugutom na siya. Saan yung gatas niya?"

Tinuro ko kung saan nakalagay yung gatas at milk bottle ni Milo. Lumapit na doon si Louie para kunin ang milk bottle ni Milo.

"Here." Inabot na niya sa akin ang milk bottle ni Milo.

"Thank you."

Pinainom ko na si Milo ng gatas niya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?" Tanong ko dahil nakakaramdam na ako ng awkward feeling kasi kaming dalawa lang ang nandito.

"Gabi na rin. Siguro doon na muna ako sa condo ni Dante tutuloy."

Tumango ako sa kanya.

Pagkatapos uminom ni Milo ay pinag dighay ko na muna siya bago pinalitan ang diaper niya.

"Mukhang sanay na sanay ka na sa pagalaga sa kapatid mo."

"Yup. Matagal ko ng hinihiling na magkaroon ng kapatid kaya noong sinabi sa akin na magkakaroon na ako ng kapatid ay nangako ako kay mama at papa na tutulungan ko sila sa kapatid ko. Kaya nga hindi na ako sumasabay sa paguwi kay Faye dahil kailangan ko rin umuwi ng maaga."

Kung hindi lang ako nagmamadaling umuwi ay hindi ako papayag na kasama ni Dante si Faye para ihatid ang kaibigan ko.

"Punta na ako sa condo ni Dante. Baka mahirapan pa ako sumakay."

"Hatid na kita sa labas." Nilagay ko na ulit si Milo sa crib niya at sabay na kami ni Louie bumaba ng hagdanan. "Sorry sa lahat."

"Bakit? Wala ka naman ginawang mali para humingi ng tawad sa akin. Ako ang may kasalanan sayo."

"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo. Sige na. Baka mahirapan ka pa sumakay niyan. Ingat ka." Kumaway na ako kay Louie noong lumayo na siya sa bahay.

Naiinis talaga ako dahil nandito pa rin ang feelings ko para sa kanya. Gusto ko ng kalimutan ang lahat. Alam ko naman hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Louie.

Pagkatalikod ko ay may narinig akong busina ng kotse. Nakauwi na pala ang mga magulang ko galing sa date nila.

"Si Louie ba yun?" Tanong ni papa.

"Yes po. Bumisita lang siya kanina pero umuwi na rin agad."

"Nagpapasok ka ng lalaki na walang tao?"

"Ano tingin mo sa akin, pa? Hindi ba ako tao?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wala kami ng mama mo kanina."

Wala naman akong maisip na maling ginawa para magalit sa akin si papa ng ganito.

"Wala naman po akong ginawang mali. Nagusap lang kami ni Louie at tinulungan na rin niya ako sa pagalaga kay Milo bago pa siya umalis kanina." Sabi ko kay papa.

"Sa susunod bawal ka magpapasok ng lalaki kapag wala kami ng mama mo."

"Sorry po."

"Pagpasensyahan mo na ang papa mo, Mich. Kilala mo naman yun dahil overprotective lang siya sayo."

"Ayos lang po yun, ma. Naiintindihan ko naman si papa."

"Noong isang araw kasi may pumuntang teacher at sinabi sa akin ang lahat kung bakit hindi ka pumasok. Narinig iyon ng papa mo." Tumingin ako kay mama gulat na gulat. "Kaya galit ang papa mo sa ginawa mo noon pero mas galit siya sa ginawa ni Louie."

"Pero wala naman pong ginawa si Louie sa akin? Kasalanan ko naman po iyon kaya ako umuwi ng maaga."

Kung hindi siguro ako nagdesisyon na umamin kay Louie noon ay sana hindi ganito ang mangyayari.

"Hindi ba malapit na ang exams niyo?" Tumango ako kay mama. Next month na nga pala ang final exams namin. "Kaya matulog ka na dahil bawal ka mahuli sa unang klase niyo bukas."

Ngumuso ako dahil boring na ang first subject namin. Isang matandang babae ang pumalit kay mr. Martinez at palagi pang galit. Baka nasa menopausal stage na yun kaya mainitin ang ulo.

Kinabukasan ay maaga ako bumangon para magasikaso na sa pagpasok ko.

"Good morning, mama." Bati ko kay mama at kumuha na ng isang pancake. "Maaga po ba pumasok si papa?"

"May emergency sa ospital kaninang madaling araw kaya pumasok na ang papa mo." Tumango ako kay mama. Isa kasing magaling na doctor si papa kaya siya ang madalas na tinatawagan kapag may emergency.

Kahit nasa leave siya ay baliwala rin kapag may tumawag na emergency galing ospital. Ganoon talaga kapag doctor ka. Kailangan mong pumunta sa kahit anong oras.

Pagkapasok ko sa classroom namin ay si Louie pa lang ang nakita ko habang abala ito sa binabasa niyang libro.

"Good morning, Louie." Bati ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Bumalik na naman ang ugali niya kapag nasa school kami. Ibang iba talaga siya kapag sa labas at loob ng school. "Hindi mo yata kasama si Dante ngayon."

"Hindi mo ba siya nakita? Nagpaalam siya sa akin kanina na pupuntahan pa daw niya si Faye sa kanila."

"Hindi, eh."

Baka pinapasok si Dante sa bahay nila. Since kilala na rin siya ng pamilya ni Faye. Sana nga lang may alam na si tito na may balak mangligaw si Dante kay Faye.

"Nandito na rin sila maya-maya." Tiningnan pa niya ang relos na suot niya. "In 3, 2..."

Napalingon ako noong bumukas ang pinto ng classroom namin at niluwa noon sina Dante at Faye. Ang galing naman ni Louie. Alam na alam niyang parating na sila.

"Ano meron?" Takang tanong ni Dante.

"Alam ni Louie na malapit na kayo pumunta." Sagot ko sa kanya.

"Oh. Sinabihan ko iyan kanina si Louie na sa loob ng 20 minutes ay makakarating kami ni Faye."

Ay. Akala ko pa naman alam na niya kung malapit na sila dumating. Iyon pala ay sinabihan siya ni Dante kanina.

"Ayos ka lang ba, Faye? Ang tahimik mo kasi." Tanong ko kay Faye.

"Naparami lang siguro ang kain ko kanina kaya sumakit ang tyan ko."

"May gamot ako. Baka gusto mo." Tumingin ako kay Louie noong nagsalita siya.

"Salamat na lang. Baka mamaya ay magiging okay na ako." Tumingin sa akin si Faye and mouthed; I have period.

Kaya naman pala.

Nilagay ko na muna ang bag ko sa upuan at lumapit kay Faye.

"Gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?" Tanong ko sa kanya.

"Talaga bang masakit na masakit? Inumin mo na yung gamot na dala ni Louie." Bakas sa boses ni Dante ang pagaalala.

"Huwag kang OA, Dante. Normal lang iyon kapag... you know." Sabi ko at halatang naguguluhan si Dante.

"I see. Sige, dalhin mo na si Faye sa infirmary at kami na magsasabi sa teacher natin." Sabi ni Louie.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu