Chapter 31

362 11 0
                                    

Naupo na ako noong nakaramdam na ako ng pagod sa kakahanap sa dalawa. Saan naman kaya sumuot ang dalawang iyon? Lagot talaga sila sa akin lalo na si Dante. Tinakas niya si Faye na hindi ko alam.

"Pagod ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Ano sa tingin mo? Uupo ba ako rito kung hindi pa ako pagod?" Pagsusungit ko kay Louie.

"Ang sungit mo yata ngayon. Meron ka bang monthly period?"

Aba't bastos rin ng bibig nito ah. Siyempre hindi ko naman sasabihin sa kanya kung meron ba talaga ako o wala. Nakakahiya iyon.

Parang nakikita ko na ang pagdating nina Faye at Dante. Lagot talaga sila sa akin.

"Saan kayo galing na dalawa ah? Alam niyo ba muntik na kami magtawag ng security para tulungan kaming hanapin kayo." Sermon ko sa kanila at wala sa isip ko noon na humingi ng tulong sa security para hanapin sila. Ngayon ko lang naisip yun.

"Don't worry about us. Bumalik naman kaming buhay. Tara kain na tayo." Sabi ni Faye sabay upo sa harapan namin at katabi si Dante.

"Ano ang gusto mo? Ang sabi kasi sa akin ni Dante na sinisingil mo na daw ako sa utang kaya pinapasama niyo rin ako. Ililibre na rin kita, Faye."

Utang? Bakit nagkaroon ng utang si Louie kay Faye?

"Huwag na, Louie. Kaya ko lang naman iyon pinagawa kay Dante para sumama ka rin dito, sayang kasi yung ticket na binigay ng papa ni Dante."

"Double date, pre."

"Double date?" Takang tanong ni Louie.

"Kaya niyo ba kami niyaya sumama rin dito para sa tinatawag mong double date ah, Dante?" Tumango lang siya sa akin bilang kasagutan. "Kaloka. Kung alam ko lang ganito pala ang binabalak niyong dalawa, sana hindi na lang ako sumama. Nanood na lang sana ako ng anime sa bahay."

"Hindi ka ba nagenjoy kanina?" Tanong ni Louie.

Sus. Paano ko naman maeenjoy kung... una, nawawala ang kaibigan ko at hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Huli, may kasama akong walking encyclopedia wala sa oras sa tuwing may nakikitang sea creature. Sige, ikaw na may alam.

"Inaamin kong nagenjoy naman ako para ngang may walking encyclopedia akong kasama kanina dahil sa sobra dami mong alam sa mga nakikita nating kanina. Tinalo mo na nga ang google. Baka nga gusto mo na palitan ang google ngayon."

Hindi na sumagot sa akin si Louie. Tatanong ka pa ah. Ikaw pa tuloy ang tikom ang bibig. Siguro naiisip ni Louie na tama ang sinabi ko sa kanya. Mukha nga talaga siyang walking encyclopedia o baka tama rin ako may balak siyang palitan ang google.

"Ano ang gusto niyong kainin? Ako na ang bibili pero bigyan niyo ko ng pera pang bili ng makakain niyo."

"Gusto ko ng burger." Sabi ko sabay abot ng pera kay Dante.

"Ganoon din sa akin pero may fries na kasama ah." Binigyan ni Faye ng pera si Dante pero tinanggi naman niya.

"Keep it. Libre na kita." Nakangiting sabi niya kay Faye.

Galawang Dante Gonzales ba iyan? Sa tingin ba niya uubra niya kay Faye? Pero para sa akin oo. Hay naku, Faye. Ano na nangyari sa Faye na kilala ko at galit na galit kay Dante? Nawala na. Naiiyak na ako.

"Dude, unfair naman. Hindi mo man lang kami ililibre sa pagkain."

"Tumigil ka, Louie. Nilibre ko na nga kayo ni Mich sa entrance kahit pa sa pagkain ay ililibre ko rin kayo."

"Damot. Ano na lang sa akin... Burger na rin siguro pero double cheese ah."

Umalis na si Dante para bumili ng makakain naming apat. Kaso usog ng usog sa akin itong si Louie. Wala na nga ako mauupuan, oh!

"Louie, walang samaan ng loob ah. Curious lang talaga ako kasi naman wala kang interest sa mga babae, dahil ba lalaki ang gusto mo?" Naubo ako sa tanong ni Faye. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ng ganoon si Louie.

"Faye, kung lalaki ang hinahanap ko ay sana noon pa lang kalat na sa buong campus na bakla ako. Hindi lang ako handa makipagrelasyon na muna dahil mga bata pa naman tayo. If you are willing to wait until you're ready dadating rin naman diyan sa tamang panahon. Hindi naman ako nagmamadali magkaroon ng girlfriend o asawa. Bakit mo naman natanong kung lalaki ba talaga ang gusto ko?"

"Curiosity. Iyon kasi ang unang bagay na lumabas sa utak ko."

"Kakapanood mo ng anime kaya kung anu-ano na ang sinasabi mo."

"Hoy. Hindi naman ako si Mi--" Pinandilatan ko si Faye. Subukan lang niyang sabihin kay Louie na BL fans ako. Wala nga kasi pwedeng makaalam na mahilig ako doon.

"Mi?" Takang tanong ni Louie dahil hindi na nga tinuloy ni Faye ang sasabihin niya kanina.

"Ah, wala. Kalimutan mo na lang iyon."

Dumating na si Dante dala ang mga pagkain namin. Tahimik nga lang kami kumakain hanggang sa nagpasya na kami umuwi dahil na rin siguro sa pagod.

Nagpaalam na sa amin na mauuna na si Louie kaya hinatid na muna ako nila Faye. Kahit ba ayaw ko maging third wheel pero wala akong choice.

"Musta ang pagmamasyal niyo?" Nagulat ako dahil si papa ang sumalubong sa akin. Ang aga niya umuwi ngayon.

"Papa. Hindi ko po alam nandito na kayo." Kinakabahan ako. Sana hindi niya nakitang may lalaki rin akong kasama kanina maliban kay Faye. "Okay naman po at enjoy."

"Ang sabi ng mama mo sa akin kanina ay kasama rin si Louie at may isa pa kayo kasamang lalaki ni Faye."

"Yes po. Pero maniwala po kayo sa akin, papa wala po akong alam na kasama rin namin sila. Ang akala ko ay si Faye lang ang kasama ko pero yung isang lalaking kasama namin ay yung nagyaya talaga pumunta ng Ocean Park."

"Ayos lang. At least hindi lang siya ang kasama mo papunta doon."

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi nga rin pala papayag si papa na pumunta ako ng Ocean Park kung si Louie lang ang magyaya sa akin. As if naman yayain ako ni Louie pumunta sa ganoon at hindi rin ako papayag na sumama sa kanya.

Kailangan maging pakipot.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now