Ngayon nga pala ang kuhanan ng grades pero tinatamad ako pumunta ng school. Manonood na nga lang ako ng anime ngayon.
"Whoa. May bago pala ako papanoorin." Para tuloy kumikinang na ang mga mata ko. Pero bakit ngayon ko lang nalaman ang anime na ito?
Abala ako manood ng anime pero napatingin ako sa phone dahil may message ako. Kaya pinause ko na muna ang pinapanood ko para basahin ang message.
From Angel;
Nakuha mo na ba ang grades mo ngayon?
To Angel;
Tinatamad ako pumunta ngayon sa school. Baka sa pasukan ko na lang aalamin ang grades ko.
Iyon kasi ang palagi kong ginagawa kapag kuhanan na ng grades. Sa pasukan ko na lang inaalam ang grades ko.
Napalingon ako sa pinto noong may kamatok kaya tumayo na ako para buksan ang pinto.
"Bakit po, ma?"
"May bisita ka." Sagot ni mama na kinunot ng noo ko.
"Sino po?"
"Si Louie."
Nagulat ako nandito si Louie sa bahay namin. Ano ang ginagawa niya rito? Tatanungin rin ba niya ko kung nakuha ko na ang grades ko?
"Sige po. Magpapalit lang ako ng damit ko." Sabi ko. Nakakahiya naman kung ganito ang itsura ko.
Bumaba na ako pagkapalit ko ng damit. Malaking gulo ito kapag nandito si papa kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong galit pa rin siya sa ginawa ni Louie noon. Hindi kasi uso ang salitang move on kay papa. Ako nga naka move on na sa nangyari at tanggap ko na kung ano ba talaga kami.
"Nandito ka ba para tanungin ako kung nakuha ko na ba yung grades?" Inunahan ko na siya. Baka iyon ang pinunta niya rito. "Ito lang ang sasabihin ko sayo, Louie sa pasukan ko na aalamin ang grades ko."
"Hindi iyon ang pinunta ko rito." Kumunot ang noo ako. "Sinabi sa akin ni Dante kanina na natalo daw niya si Faye sa final grades."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Si Dante? Matatalo si Faye sa final grades? Eh, sa tatlong taon namin sa high school ay hindi pa niya natatalo si Faye sa grades. Sina Faye at Louie ang madalas naglalaban doon.
"Paano nangyari yun?"
"Matalino talaga si Dante kung magseseryoso talaga siya sa pagaaral. Kaya niya akong talunin. Si Faye pa kaya? Tamad nga lang magaral ang kaibigan ko."
Hindi talaga ako makapaniwalang matatalo ng isang tamad si Faye.
"Ang laki na talaga ng binago ni Dante simulang nain love siya kay Faye." Sabi niya.
"Subukan mo lang sabihin ito kay Dante ay hindi na kita kakausapin pang muli." Sabi ko sa kanya. "Kahit na inamin niya may nararamdaman siya kay Faye ay hindi pa buo ang loob ng papa ni Faye sa kanya kahit rin ako. Kaya huwag na muna siya maging kampante."
"Sa tingin ko alam na ni Dante iyan." Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Louie. "Ano pala ang ginagawa mo habang bakasyon?"
"Huh?" Humarap ako sa kanya. "Um, nanonood ng anime. Subukan mo kaya manood rin."
"Nanonood rin ako kung nahuhuli ko si Dante nanonood ng anime sa tuwing pumupunta ako sa condo niya."
Nawala sa isip ko isa nga pa lang closet otaku si Dante. Ayaw niya may makaalam na nanonood rin siya ng anime. Dapat nga maging proud pa siya.
"Ano pala ang pinapanood mo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Huh?! Random." Hindi pa ako handa sabihin sa kanya na nanonood ako ng yaoi.
"Like what?"
"Hindi mo magugustuhan kung ano ang pinapanood ko." Nahihinayang akong tumawa. "Subukan mo na lang yung That Time I Got Reicarnated as a Slime at Kimetsu no Yaiba. Sigurado akong mas magugustahan mo pa mga iyan."
Hindi ko pa napapanood ang nirecommend ko kay Louie pero sa nabasa kong feedback sa mga nakapanood na ay maganda daw. At hindi lang yaoi ang pinapanood ko. Kung may magandang new release na anime ay pinapanood ko rin.
"Sabihin ko kay Dante na panoorin namin iyang nirecommend mo."
"Bakit kailangan pa kasama si Dante kung manonood ka? Nakakahalata na ako, Louie."
"Na ano?"
"Baka tama ang sinabi ni Faye na bakla ka."
"Baka gusto mong halikan kita para patunayan sayo na hindi ako bakla." Bulong niya sa akin at tikom ako. Bwesit. Gusto ko na nga makalimutan ang pagnakaw niya sa first kiss ko pero pinaalala na naman sa akin ni Louie.
"Huwag na. Binibiro lang naman kita. Masyado mo sineryoso ang biro ko. Hindi mo na rin kai–"
"Kaya ko palagi kasama si Dante manood ng anime dahil wala akong sariling computer o laptop. Kahit nga cellphone wala rin ako. Baka kasi magaway away ang mga kapatid ko kapag magkaroon ako niyan. Kaya nanghihiram na lang ako kay Dante."
"Pero may account ka sa facebook."
"Yeah, pero hindi ko masyado binubuksan ang account ko."
"Paano kung merong announcement sa school? Hindi mo malalaman agad."
"Pumupunta si Dante sa bahay para sabihin sa akin. Ang totoo niyan ay gusto niya ibigay sa akin ang isa niyang phonr pero ako ang tumatanggi. Sinabi ko sa kanya ang pwede maging sitwasyon."
Bakit ganoon? Ibang iba talaga si Louie kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Iba rin siya sa school. Ano nga ba talaga ang ugali ni Louie? Ang nasa harapan ko ngayon o kapag nasa school kami?
"Sige, kailangan ko ng umalis kasi pupunta pa ako sa school para kunin ang grades." Sabi niya at tumayo na siya.
"Kalahating minuto ka na rito sa bahay tapos hindi mo pa pala nakukuha ang grades mo."
"Galing na ako kanina sa school pero wala si ms. Morales sa classroom natin. Ang sabi ng ibang teacher sa faculty ay umalis saglit. Since nasa school na rin ako kaya naisipan kong puntahan na lang kita para sabihin sayo kung ano ang sinabi ni Dante sa akin kanina."
Bumuntong hininga ako. Kinuha na pala ni Faye ang grades niya ngayon.
"Sasama na ako sayo."
"Akala ko ba..."
"Nagbago na ang isip ko. Gusto ko ngayon ko na kukunin ang grades ko."
Pagkarating namin sa classroom ay hindi ako nakakaramdam na kahit anong excitement. Alam ko rin kasing 30% chance lang makapasok ulit ako sa top 10 lalo na pasok si Dante. At 70% bagsak ako sa ibang subject. Hindi kasi ako masyado nakapag aral dahil inaalagaan ko rin si Milo lalo na sa Math. Mahina pa naman ako sa Math.
YOU ARE READING
Mister Ice Prince And Miss Otaku
ChickLitSi Louie Aguilar ay matalik na kaibigan ni Dante at puro libro lang ang alam niya. Tinalo pa niya ang Antarctica sa sobrang lamig nito kaya walang babae ang magkakagusto sa katulad niya, maliban na lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan...