Chapter 59

406 10 0
                                    

Louie's POV

Natanggap ko ang message ni Mich sa akin kagabi na may birthday siya pupuntahan. Hindi ko na siya nireplyan dahil busy ako sa pagaaral. Exam weeks kasi namin kaya kailangan magaral ng mabuti at nangako ako sa kanya na magiging doctor ako. Today's 4 days na hindi kami nagkikita and I miss her so much. Apat na araw pa lang ito. Ang apat na taon nga natiis namin walang communication, ang apat na araw pa kaya.

Pagkatapos ng exam namin ngayong araw ay umuwi na ako agad sa bahay para magaral sa subject naka schedule para bukas sa exam namin.

Pagkauwi ko sa bahay ay sobrang tahimik at hindi ako sanay na walang batang madaldal ang sasalubong sa akin paguwi. Ang unfair kasi ni Nash dahil iniwanan niya kami. Ang dami niyang pangarap na gusto niyang gawin paglaki niya. Gusto niyang maging engineer para magtatayo daw siya ng malaking bahay para kila mama at dad. At sinabi niya rin sa akin kapag naging ganap na engineer na siya ay gagawan niya rin ako ng bahay para sa amin ng magiging asawa ko. He's only 10 years old that pero ganoon na kung magsalita. Pero ngayon wala na siya. Ang hirap tanggapin.

Gabi na at tumingin ako sa phone ko dahil tumatawag ang papa ni Mich. Bakit naman kaya?

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Louie, alam mo ba kung saan pumunta si Mich ngayon? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya umuuwi." Bungad sa akin ni tito. Hindi ba magpaalam si Mich sa kanila na may pupuntahan siyang birthday ngayon?

"Nagtext po siya sa akin kahapon na may pupuntahan siyang birthday ng kasamahan niya sa trabaho."

"Nagpaalam rin siya sa amin kanina na may birthday siya pupuntahan pero ang sabi ko sa kanila na umuwi siya bago gumabi. Kaso gabi na at wala pa rin siya rito. Nagaalala na kami sa kanya at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag namin. Kahit sila Faye ay tinatawagan na rin namin."

Naalala ko may message nga pala sa akin si Mich kanina. Kaya hinanap ko agad sa inbox ko.

Bingo!

Sinabi rito sa message niya kung saan ang birthday ng kasamahan niya.

"Tito, pupuntahan ko po siya ngayon din."

"Salamat, Louie."

Makakatikim talaga ng sermon sa akin ang babaeng iyon. Uso kasi ang tumawag sa mga magulang niya dahil magaalala ito sa kanya. Tsk. Kapag ako talaga bumagsak sa pinagagawa niya ay lagot talaga siya sa akin.

Pagkarating ko sa lugar ay hindi ako pinapapasok ng dalawang bantay dahil wala akong invitation na inimbitahan ako. Wala akong choice kahit gumawa pa akong scene rito ay sinuntok ko sila. Kailangan kong hanapin si Mich at pauwiin sa kanila.

May mga babae ang napapatingin sa gawi ko pero wala akong pakialam sa kanila.

"Ang gwapo naman ni kuya." Sabi noong isang babae.

"Oo nga. Sino kaya siya? O baka nandito para sa girlfriend niya." Sabi naman ng kausap niya. Sana nga girlfriend ko na yung hinahanap ko rito.

Wala si Mich sa living room kahit sa kitchen. Nasaan ba ang babaeng iyon? Imposible namang umuwi na.

Huminto ako sa paglalakad na may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako. Tinaasan ko ang isang lalaki nasa likuran ko.

"Gate crasher ka, pare. Hindi ko maalala na inimbitahan kita." Sabi nito. Sa tingin ba niya na may pakialam ako kung gate crasher ang ginawa ko ngayon.

"I'm here for Mich Lopez and I'm her boyfriend. Where is she?"

"Boyfriend? Nagpapatawa ka ba? Wala pang boyfriend si–" Bigla ko siyang sinuntok sa mukha. Wala akong oras sa kanya.

"Hindi lang suntok ko ang matitikim mo sa akin kung nasaan si Mich ngayon." Galit kong sabi sa kanya. Pinalilibutan na rin ako ng ibang kalalakihan rito.

Inaamin ko simulang nagtrabaho ako sa Paris ay marami na rin ang nagbago sa akin dahil gusto kong protektahan ang babaeng mahal ko. May nakilala nga ako sa Paris na nagturo sa akin mag-martial arts kaya pursigi rin ako matuto. Pinupuntahan ko siya kapag wala akong pasok.

Tinumba ko na ang mga kalalakihan rito sa party. Inuubos talaga nila ang oras ko. Bwesit. Kung ayaw nilang sabihin ay ako na lang ang maghahanap. Hanggang may nakita akong liwanag galing sa isang kwarto kaya sumilip ako sa loob. Gusto ko magmura sa nakikita ko. Si Mich at may isang lalaki nakadagan rito. Agad kong sinuntok yung lalaki dahilan nahulog ito sa lapag. Wala siyang karapatang hawakan ang babaeng mahal ko. Dadaan na muna sila sa kamao ko.

"Shit. Who the hell are you?!" Galit noong lalaki.

"Boyfriend niya ako. May problema ka ba doon? At naparito ako para i-uwi na ang girlfriend ko." Kahit hindi pa ako sinasagot ni Mich pero sinasabi ko sa kanilang lahat na boyfriend niya para alam ng lahat ay may nagmamay ari na sa kanya.

Binuhat ko na si Mich sa likuran ko at halatang lasing na lasing. Alam kong hindi umiinom si Mich kahit sino sa mga kaibigan namin ay walang hilig uminom ng alak. Hindi ko pwedeng i-uwi si Mich na ganito ang itsura niya. Panigurado akong pagagalitan siya ng mga magulang niya kapag malaman nilang lasing si Mich ngayon.

Noong may taxi na huminto sa harapan ko ay sinabi ko sa driver na sa malapit na hotel. Hindi ko rin kasi pwede sa bahay dalhin si Mich dahil magtataka sila mama kung bakit ganito ang itsura niya ngayon at baka sabihin pa sa mga magulang niya. Bukas ko na lang sasabihin sa kanila kung bakit hindi nakauwi ngayong gabi si Mich kapag maayos na ang kalagayan niya kahit ba may hangover siya bukas.

Kinabukasan ay napabalikwas ako ng bangon noong maalala ko may exam nga pala ako ngayon. Hindi ako napag aral dahil kay Mich.

Speaking of Mich, tumingin ako sa tabi ko pero wala siya doon. Saan na naman kaya pumunta iyon ngayon? Pagkatapos niya ako akitin kagabi tapos iiwanan niya lang ako rito. Madali ako matukso kung siya ang nang aakit sa akin. Ilang buwan na ako nagtitiis na huwag siyang galawin hanggat hindi pa kami kinakasal pero matigas ang ulo niya kagabi. Pero hindi ako nagsisi dahil ako ang naka una sa kanya. Hindi yung lalaki na iyon.

Mamaya ko na lang kakausapin si Mich pagkatapos ng exam ko dahil baka mahuli pa ako at hindi payagan makapag exam kapag late ako ng dating.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon