Chapter 33

319 12 0
                                    

Kinakabahan akong tingnan ang grades ko. Nakaramdam ako ng kaba ngayon.

Hindi naman sa lagot ako sa mga magulang ko. Hindi sila strict sa akin basta walang makakasira sa pagaaral ko at makapag tapos ako sa pagaaral. Iyon lang ang kahilingan nila.

"Anong grades mo?" Tumingin ako kay Louie at naiilang ngumiti sa kanya.

"Hindi ko pa tinitingnan dahil kinakabahan akong tingnan ang grades ko."

"Amin na." Nilahad niya ang kanyang kamay kaya binigay ko na sa kanya. "Oh. Wala ka namang bagsak na subject."

Agad kong tiningnan ang grades ko. Halos line of 9 ang grades ko maliban sa Math dahil line of 8 yun. Ano pa nga aasahan ko sa subject na iyon? Mahina ako doon. Tiningnan ko na rin ang grades ni Louie. Naiiyak ako dahil lahat na subject ay line of 9. Kakaiba ang talino nito.

"Kailan malalaman yung top?" Tanong niya sa akin.

"Ewan ko. Wala pang anunsyo kung kailan ang ilalagay ang top sa bulletin board."

"Panigurado akong si Dante ang top 1 ngayon at ang top 2 kung hindi ako, baka si Faye."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang matalino rin pala si Dante. Akala ko pa naman dakilang tamad magaral iyon.

"Ano na pala balak mo ngayon? Baka may lakad ka." Tanong ko sa kanya.

"Bibili pa ako ng regalo para sa kapatid ko kasi birthday niya ngayon. Wala nga ako maisip kung ano magandang regalo."

"Lalaki ba? O babae?"

"Babae."

"Ilan taon na siya ngayon?"

"She's 7."

"Bata pa pala. Kung ayos lang ba sayo na ibigay na lang natin yung mga laruan ko noong maliit pa ako sa kanya? Wala rin kasi ako pagbigyan ng mga laruan ko at sayang kung nakatago lang ang mga iyon."

"Nakakahiya naman."

"It's okay." Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti pang ibigay ko na lang sa ibang bata ang mga laruan ko at para hindi ka na gumastos sa regalo."

"Sige. Kung mapilit ka talaga."

Bumalik na kami ni Louie sa bahay para hanapin ko pa yung mga laruan ko. Pumunta pa ako sa attic para hanapin kung saan nakatago ang mga laruan ko. Bumaba na ulit ako na may dalang isang box kung saan ko nilagay ang mga laruan ko.

"Heto yung mga laruan ko noong maliit pa ako." Nilagay ko sa center table yung box. "Ano ba ang gusto niyang laruan?"

"Kapag namamasyal kami ay palagi niya kami kinukulit na gusto niya ng stuff toy. Kaso mahal ang stuff toy kaya hindi namin mabili ang gusto niya."

"Stuff toy ba?"

Habang naghahanap kami ni Louie na magandang stuff toy ay may umagaw ng atensyon ko. May isang small size na teddy bear. Favorite ko itong stuff toy kaya napangiti na lang ako.

"Heto na lang ang ibigay mo sa kanya." Inabot ko na sa kanya yung teddy bear.

"Sigurado ka? Sa nakikita ko ay may magandang memories sayo iyang teddy bear."

Napansin pala ni Louie yun? Akala ko pa naman manhid ang taong ito. Walang pakialam sa mundo.

"Yep. Binigay sa akin ni Faye ito."

"Special pala sayo ang teddy bear na ito. Hindi ko ito matatanggap, Mich."

"Ayos lang. Maiintindihan naman ni Faye kung bakit ko ibibigay ang teddy bear na ito. Sabi ko nga hindi ko na rin malalaro ang mga ito."

Wala na rin magagawa si Louie kaya kinuha na niya yung teddy bear para ibigay sa kapatid niya na may birthday ngayon.

"Gusto mo bang sumama sa akin? Gusto ko kasi magpasalamat sayo ang kapatid ko sa personal, Mich."

"Huwag na. Nakakahiya. Lalo na wala akong kilala sa pamilya mo at ano pa ang isipin nila." Pag tanggi ko. Nakakahiya naman kasi, eh.

"Kanina mo pa ako pinipilit kaya ako naman. Please?"

Bumuntong hinga ako. Makulit rin pala siyang tao, no? Wala ako magawa kaya pumayag na ako. Nagpaalam ako kay mama na may birthday kami pupuntahan.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay nila Louie ay laking gulat ko dahil maliit lang ito.

"Sorry kung maliit lang ang bahay namin kumpara sa bahay niyo at ni Faye."

"No. Ayos lang."

Pagpasok namin ay may limang bata akong nakita. Sila na siguro ang mga kapatid ni Louie.

Ngayon ko lang naalala hindi pala namin nabalot yung stuff toy na dapat ipang regalo namin sa kapatid niya.

"Hindi pala natin naibalot yung regalo sa kapatid mo." Mahinang tugon ko na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Ayos lang. Hindi na importante kung hindi natin naibalot ang regalo."

"Kuya!" May isang batang babae ang lumalapit kay Louie.

"May regalo kami para sayo, Lei." Inabot na ni Louie ang regalo sa kapatid niya. Ngumiti ako sa kapatid niya noong tumingin sa akin.

"Kuya, sino po siya? Girlfriend niyo?" Paniguradong namula na ako sa tanong ng bata sa kanya. Ano ba alam ng isang 7 years old na bata ang tungkol sa girlfriend-boyfriend?

"No, Lei. Kaibigan lang siya ni kuya at kaya siya nandito dahil siya ang nagbigay sayo ng stuff toy."

"Ate, ano po pangalan niyo?"

"Mich." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Salamat po sa stuff toy." Masayang sabi niya sa akin.

Masaya na rin ako makitang gusto ng kapatid ni Louie ang teddy bear na binigay ko.

"You're welcome."

Pinakilala na rin ako ni Louie sa pamilya niya. Sa totoo lang ay nahihiya talaga ako noong inimbitahan ako ng mama ni Louie sa birthday party ni Lei. Pero nandito na rin naman ako kaya pumayag na ako.

Ngayon naiintindihan ko na kung palagi sinasabi ni Louie kay Dante na magulo na sa bahay nila kaya huwag na siya dumagdag. Sobrang gulo nga rito lalo na lima ang kababatang kapatid ni Louie at pansin ko agad wala sa kanila ang kamukha niya lalo na ang mga magulang nila.

"Sorry kung sobrang gulo ng mga kapatid ko kanina ah. Bihira lang kasi magkaroon ng bisita sa bahay. Kung magkaroon man ay si Dante lang yun."

"Ayos lang." Nakangiti ako sa kanya. "Madalas ba si Dante bumisita sa inyo?"

"Noong elementery pa lang kami ay madalas siya dito pero noong 5th grade kami ay dumating si Lester sa amin. Kaya simula noon sinabi ko sa kanya na huwag na siya madalas pumunta sa bahay dahil masyado ng magulo at huwag na siya dumagdag."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon