Chapter 41

369 13 0
                                    

Mich's POV

Naiinis na talaga ako. Nalaman ko na may kinalaman si Louie kung bakit hindi tinutuloy sa pang liligaw yung mga may gusto sa akin. Ang sarap niyang sapukin sa totoo lang.

Ang tungkol kay Gino, ayun hindi na niya tinuloy ang pang liligaw niya dahil tomboy daw ako. Bastos rin, no! Kung tomboy ako ay sana noon pa lang may pinopormahan na akong babae pero wala kahit isa at lalaki ang gusto ko. Hindi ang kapwa. Paniguradong si Louie rin ang may kagagawan noon para lumayo sa akin ang mga lalaki. Tapos sa iba ay pinagkakalat na mahilig ako sa boys love kaya ito ngayon ay hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pumasok sa school. Nakakahiya. Pakiramdam ko pagtatawanan ako ng mga estudyante na makakita sa akin.

Ngayon ang kasal nina kuya Peter at ms. Morales pero nilibot ko ang paningin ko sa loob ng simbihan. Wala pa si Faye. Dapat nandito na iyon lalo na kapatid siya ng groom.

Sa kalagitnaan ng kasal ay naiiyak ako dahil ang class adviser namin ay kasal na. Kaya siguro naging maganda ang aura ni ms. Morales dahil kay kuya Peter. Sila na ang may forever. Nakatanggap rin ako ng text galing kay Faye na mahuhuli daw siya ng dating at sa reception na lang siya hahabol. Kung hindi ko lang kilala itong si Faye ay iisipin ko ayos lang na mahuli siya pero kilala ko ito, eh. Simulang maliit pa lang kami ay magkasama na at alam ko rin kung gaano katakaw ito sa pagkain. Panigurado kaya sa reception na lang hahabol dahil gusto lang kumain.

Pagkatapos ng kasal ay dumeretso na kaming lahat sa reception. Sana nga lang nandito na si Faye pero wala pa rin.

"Bakit wala pa rin si Faye? Akala ko ba dadalo siya sa kasal." Tanong ni Angel.

"Nakatanggap ako ng text kanina galing kay Faye at ang sabi niya hahabol daw siya sa reception."

"Ano ba yan? Inaasahan ko pa naman makikita natin si Faye sa simbahan tapos sa reception pala makakadalo." Sambit ni Nathalie.

"Wala tayo magagawa."

Pumunta na kami sa table namin. Magkakasama kaming mga babae sa isang table. Kinausap kasi namin si ms. Morales na magkasama kaming mga babae sa isang table tapos sa ibang table naman ang mga lalaki. At kaming tatlo rin ang kinuhang bridesmaid ni ms. Morales maliban kay Faye dahil hindi namin alam kung makakadalo ba siya sa kasal. Ang plano dapat kaming apat ang kukunin pero ang problema si Faye. Ang hirap niyang tawagan. Kung natatawagan naman siya ay maaga siyang umaalis.

Dumating na rin sawakas ang hinihintay ng lahat. Walang iba kundi si Eugene Faye Silva.

"Bes, hindi ako makapaniwala kinasal na ang ating class adviser." Naiiyak na naman ako.

"Maniwala ka na." Nakangiting sagot ko. Napansin ko ang paglibot ni Faye sa buong reception. Siguro hinahanap niya si Dante. Pakipot pa kasi.

"Paano nangyari iyon? Kilala nating dalawa si ms. Morales."

"Nalala mo yung tungkol sa ID nakita ko sa kotse ni kuya?" Tumango naman ako at paano ko naman makakalikutan ang tungkol doon?

"Ano meron sa ID?" Tanong ni Angel.

"Kaya nga ito ang kwento. Noong makita ko yung ID ay laking gulat ko na lang malaman kung sino may ari noon. It was ate Rian's ID. Sinabihan ako ni kuya ibalik ko yung ID pero tumanggi ako dahil nakaisip ako ng ibang way para naman nagkaroon ng love life. Sinabi ko kay kuya siya na lang ang magbalik at binigay ko sa kanya ang number ni ate Rian. At doon siguro nagsimula ang love story nila na hindi ko man alam."

"Ikaw pala ang matchmaker sa love story nila, Faye. Ibang klase." Patango tango pa si Faye ng kanyang ulo. Halatang proud na proud siya sa nangyari.

"Ikaw, bes. Kailan mo balak magkaroon ng boyfriend?"

"Wala akong balak. Magmamadre na lang siguro ako balang araw." Binaling niya ang tingin kay Nathalie. "Musta naman kayo ni Eren?"

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now