Chapter 50

395 9 0
                                    

Ngayong araw na ang hinihintay naming lahat. Ang anime event at meet and greet ni Nathalie.

Gaya nga ng plano namin kung sinong character ang gagayahin. Sina Faye at Dante ay sina Red Blood Cell at White Blood Cell ng Hataraku no Saibou, sina Angel at Shawn naman ay sina CC at Lelouch Lamperouge ng Code Geass, sina Nathalie at Eren ay sina Sakura Kinomoto at Li Syaoran ng Cardcaptor Sakura at kami naman ni Louie ay sina Lucy Heartifilia at Natsu Dragneel na dapat sina Gray Fullbuster at Juvia Lockser na lang. Pero kapag tumitingin ako kay Louie ay gusto kong matawa. Drawing lang kasi ang abs nito. Bakit kasi walang ka-abs abs ang lalaking ito? Pero pinalad naman siya dahil gwapo niya kaso nakakabad trip siyang kausap. Ang gulo na niyang kausap simulang naging girlfriend niya si Judy.

At iniwanan na kami nila Faye pagkatapos namin magpalit ng costume. Si Nathalie kasi ay busy sa function room at mamaya pa kami papasok. Explore na muna sa loob ng event hall at baka may makita akong gwapo– este, magandang anime figures. Or yaoi collections.

Ang dami nga kumukuha ng pictures sa amin. Halos lahat ay teenagers. Matagal na rin ang huling punta ko sa ganito at hindi ko inaasahan sa muling punta ko sa ganitong anime event ay magcocosplay ako.

"Guys." Lumingon ako noong tinawag kami ni Angel. "It's already 12. Hindi pa ba kayo nagugutom?"

"Nagugutom na rin ako." Sagot ko.

"Bago pa tayo pumunta sa food court ay hanapin na muna natin sila Faye." Sabi nito.

"Ang mabuti pa kung may isa sa atin ang maghahanap sa kanila at ang iba ay pumunta na sa food court para maghanap ng mauupuan. Baka wala na tayo mauupuan pagdating doon." Sabi naman ni Eren.

"Sige, ako na lang ang maghahanap sa kanila." Sambit ko.

"Sasama na ako sayo." Nilingon ko naman si Louie.

"Kung nahanap niyo na ang dalawa ay pumunta na kayo sa food court." Tumango na lamang ako kay Angel bago pa sila umalis papuntang food court.

Walang kibuan sa amin ni Louie habang hinahanap namin sila Faye. Hindi gaya ng dati na tanong dito, tanong doon. Siya pa nga nagsabi na mind your own business kaya mas pipiliin ko na lang tikom ang bibig ko kaysa masaktan ako sa mga salita na binibitawan niya sa akin.

"Nandito lang pala kayong dalawa." Sabi ko noong makita ko silang dalawa sa hotdog stall at abalang kumakain ng hotdog. Buti pa sila kumakain na pero kami hindi pa dahil hinahanap namin sila. "Kung saan-saan na nga kami naghahanap para hanapin kayong dalawa."

"Bakit niyo naman kami hinahanap?" Tanong ni Dante.

"Kasi hinihintay na tayo nila Angel sa food court para doon kumain."

Nagugutom na rin kasi ako. Hindi pa ako masyadong nakakain kaninang agahan dahil ang dami kong ginagawa sa bahay. Tinuturuan ko pa ang kapatid ko sa homework niya.

"Pero kumakain na kami." Sabi ni Faye sa amin.

"Faye, alam namin hindi ka mabubusog sa kinakain niyong hotdog. Kailangan mo rin kumain ng marami." Sabi naman ni Louie. Mas concern pa ang mokong sa kaibigan ko. Sabagay, kahit rin naman ako ay concern kay Faye lalo na buntis siya.

Pagkatapos kumain ng dalawa ay umalis na kaming apat sa event hall para pumunta na sa food court.

Nang makarating kami sa food court ang daming cosplayers dito at ang dami ding pares ng mga mata ang nakatingin sa amin ngayon. Hindi ako sanay na nakukuha ko ang atensyon ng ibang tao lalo na yung mga namamasyal lang sa mall.

"Ayun sila!" Turo ko kung nasaan ang mga kaibigan namin. Pinuntahan na namin sila at mukhang napansin naman kami ni Eren.

"Tsk. Ang tagal niyong dumating. Nagmumukha na akong kawawa sa dalawang ito." Inis na tugon ni Eren sa amin. Pakiramdam siguro nito third wheel siya sa dalawa niyang kasama. Busy na siguro si Nathalie sa ganitong oras.

Ang ginaya naman ni Eren ay si Syaoran at siyempre ang partner niya si Sakura ang ginaya naman ni Nathalie.

"Alam mo naman buntis ang girlfriend ko kaya hindi kailangan magmadali sa paglalakad." Sabi ni Dante kay Eren.

"Sorry, nakalimutan ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Faye."

Tahimik lang ako umupo sa tabi ni Angel at sa kabilang side niya ay si Shawn. Ayaw pa kasi sagutib si Shawn. Ako na ang sasagot kay Shawn para sa kanya.

"What?"

"May gusto ka bang kainin ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Espasol."

"Faye." May pagbabanta ang boses ni Dante.

Tumingin ako sa kanila noong banggitin ni Faye ang espasol. Bigla tuloy ako nakaisip ng kalokohan ngayon.

"Ano meron sa espasol?" Tanong ni Angel.

"Mukha daw espasol si Dante dahil whole white siya ngayon." Natatawang sabi ko. Para nga talagang espasol itong si Dante sa sobrang puti.

"Tumigil ka, Mich. Naglilihi itong kaibigan mo at gusto kumain ng espasol kaso hindi ko alam kung saan makakabili. Wala naman tayo sa Laguna."

"Habang papunta kami ni Angel kanina dito ay may nakita akong store. Sa tingin ko meron silang espasol. Gusto mo bang samahan kita mamaya?" Tanong ni Shawn.

"Sige. Para naman tumigil na si Faye sa pangungulit sa akin ng espasol." Sagot niya kay Shawn.

"Gusto ko na lang kumain ng tempura habang wala pang espasol. Iyon na lang." Tumango lamang si Dante sa kanya bago pa ito tumayo.

Sumama na rin ang dalawang lalaki maliban kay Eren. Hindi ko alam kung bakit hindi siya sumama doon.

"Dadating ba mamaya si Nath?" Tanong ni Faye kay Eren.

"Nagsimula na kanina ang meet and greet ni Nath. Kaya sa tingin ko malabo siya makapunta ngayon."

"Ang akala ko ba pupuntahan natin siya doon." Tumingin naman ako kay Angel.

"Later. Nasa akin naman yung mga ticket para makapasok tayo sa loob."

"Inaasahan mo bang magkakaroon ka ng girlfriend na isang celebrity katulad ni Nath?" Out of nowhere kong tanong.

"Hindi. Sino ba naman ang magkakagusto sa katulad ko na isang black sheep at basagulero? Hindi ko rin nga inaasahan magkakagusto ako kay Nath."

"How did you find out that you have a crush on her?" Tanong ni Angel. Hotseat ngayon si Eren sa amin. Siyempre kaibigan namin iyong girlfriend niya tapos ngayon lang namin nakausap si Eren.

"Ewan ko. Bigla na lang umamin ako sa kanya noong bonfire dance party natin na may gusto ako sa kanya. Niligawan ko siya at pinakilala ko rin si Nath sa pamilya ko. Tinanggap naman nila si Nath at sinagot na rin naman niya ako."

"Basta ba huwag mong papaiyakin ang kaibigan namin ah. Kahit buntis ako aawayin kita."

Aba, hindi lang si Faye ang makakaaway ni Eren kapag makita kong umiyak si Nathalie. Kaibigan ko rin siya. Wala pwedeng magpaiyak kahit sino sa mga kaibigan ko.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now