Chapter 25

409 13 0
                                    

Today is Valentine's Day. Wala akong inaasahan na may bulaklak ang magbibigay sa akin dahil wala naman akong boyfriend. Marami nga ako nakikitang couple na pareho ang suot na damit.

Ang lalandi niyo. Maghihiwalay rin kayo!

Okay, ako na ang bitter ngayon.

Pagkarating ko sa school ay kumunot ang noo ko dahil narinig ko ang pangalan ni Faye. Bakit pinag tsitsimisan ang best friend ko? Ano meron?

"Mich." Lumingon ako noong tawagin ako ni Angel.

"Alam mo ba kung bakit nagbubulungan ang mga kababaihan ngayon? At ang iba sa kanila ay binabanggit ang pangalan ni Faye."

"Baka sa picture na pinost sa bulletin board." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Anong picture naman kaya yun?

"Anong picture yun?"

"Mas mabuti pang ikaw na lang ang tumingin. Nandoon si Nath ngayon dahil–"

"May kinalaman ba rito si Dante?" Tumango sa akin si Angel. Makakapatay talaga ako ng tao ngayon para mabawasan ang mga playboy.

Nagmamadali ako pumunta sa bulletin board at niisa isa kong tinitingnan ang mga pictures hanggang sa makita ko ang picture nina Dante at Faye na nakalapit ang mga mukha nila para bang hinalikan ni Dante si Faye.

Makakapatay talaga ako ng tao nito.

"Mich, relax lang. Pinaliwanag ni Dante kanina na isang aksidente ang nangyari noon. Hindi niya sinasadya ang ginawa niyang paghalik kay Faye." Sabi ni Nathalie.

"Sinadya man niya o hindi ay ninakaw niya ang first kiss ng kaibigan natin. Hindi pa naman siya mahal ni Faye tapos yun ang ginagawa niya? Ibang klase rin pala siya! Galawan niya hindi uubra kay Faye."

Umagang umaga kumukulo na ang dugo ko dahil kay Dante. Sa daming babaeng may gusto sa kanya. Bakit ang best friend ko pa? Tahimik na nga ang buhay ni Faye bago pa siya pumasok. Ayaw kasi ni Faye ng gulo.

"Bes!" Tawag ko kay Faye kaya huminto ang mga bulungan. Mas lalo naiinis dahil sa mga kababaihan.

"Good morning, girls." Bati niya sa amin.

"Faye, nakita mo na ba ang mga pictures sa bulletin board?" Tanong naman ni Nathalie sa kanya.

"Hindi pa. Nakalagay na ba doon yung mga pictures natin noong school festival?"

"Yes, girl pero may isang picture na sana huwag ka magbibigla ah." Sabi naman ni Angel.

"Anong picture naman iyon?" Kunot noo tanong ni Faye sa amin. Imbes na sagutin namin siya ay hinila na lang ng dalawa si Faye papunta sa bulletin board.

"Faye." Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Dante told us everything. Isang aksidente lang ang daw ang kaya niya nahalikan noong gabing iyon."

"Kahit isang aksidente nangyaring kissing scene nila ay iyon ang first kiss ng best friend ko." Inis na sambit ko. Gusto ko talaga pumatay ng tao kung pwede nga lang.

Rinig pa rin namin ang mga bulungan ng mga kababaihan kaya tiningnan ko sila ng masama para tumigil na sila sa bulungan nila tungkol kay Faye. Subukan lang nila saktan si Faye dahil ako pa mismo ang sasapok sa kanilang lahat. Wala akong pakialam kung mag-join force pa ang mga linta na ito.

"Wala ba talaga kayong relasyon?" Biglang tanong ni Nathalie.

"Wala kaming relasyon ni Dante pero may plano siyang ligawan ako pagkatapos ng school festival natin." Sagot ni Faye. Matagal ko ng alam ang tungkol sa plano ni Dante dahil sinabihan niya ako noon. Kaya nga siya na ang kasama ni Faye hindi ako. "Tara na nga. Baka mahuli pa tayo sa first class natin."

"Pumayag ka naman, bes?"

"Wala naman masama kung bigyan ko siya ng chance mangligaw sa akin. At sinabi na rin naman niya na huwag ko na muna siya sagutin dahil handa naman siyang maghintay."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nakikita mo naman siguro yung mga kababaihan kanina, kung magbubulungan sana yung hindi natin maririnig."

"Inggit lang sila, Mich. Hindi kasi nila tanggap na si Faye ang gusto ni Dante, hindi sila." Sabi naman ni Angel.

"Subukan lang nila saktan si Faye dahil hindi nila magugustuhan ang bangis ng isang Michelle Lopez." Galit kong sabi. Gusto kong bawasan ang mga malalandi sa mundo kung pwede nga lang.

Parang hindi ka malandi kapag nakita mo siya noon ah.

No... erase, erase.

Hindi ko na muna iisipin ang tungkol kay Louie.

Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ay sinalubong ni Dante si Faye.

"Hi, Faye. Good morning." Nakangiting bati niya kay Faye.

"Good morning rin sayo." Bati ni Faye sa kanya. Todo tili naman ang dalawang kaibigan namin para bang nakita ang idol nila. Paalala ko lang nililigawan pa lang ni Dante si Faye kaya pwede ring basterin siya ng kaibigan ko.

Ang bitter ko talaga.

Naging ganito lang ako simulang nireject ako ni Louie. Wala naman akong pakialam sa mga couple nakikita ko sa labas o sa loob ng campus dahil isa lang ang nasa isip ko. Si Louie. Kahit sa imagination ko lang na bibigyan niya ako ng flowers o chocolates.

"For you nga pala." Kumunot ang noo ko dahil may inabot siyang isang stem ng red rose kay Faye.

"Alam mo naman bawal pumitas ng bulaklak sa garden, diba?"

"Hindi ko iyan pinitas. Kung pinitas ko iyan ay sana nasa principal's office na ako ngayon at binili ko iyan kanina sa labas. Happy Valentine's day."

"Nagabala ka pa. Wala akong maibibigay sayo."

"Okay lang. Basta yung pinangako mong kakain tayo mamaya ah. Huwag mong kalimutan."

Nakita kong tumango si Faye sa kanya. Anong pangako kaya yun? Ang dami ko ng hindi alam kung ano nangyayari kay Faye simulang si Dante na ang kasama niya.

"After school pa naman iyon." Nakangiting sagot ni Faye na kinagulat ko.

Sana mali ang iniisip ko ngayon dahil hindi naman ngingiti si Faye sa taong ayaw niya.

"Okay. Kita na lang tayo mamaya." Bumalik na muli si Dante sa desk niya at kinausap na niya ngayon si Louie.

Shocks! Kung sino pa ang ayaw ko makita ngayong araw ay isa pa siya sa mga makikita ko. Sabagay, kaklase namin si Louie.

"Bes, umamin ka nga sa akin. Nagkakagusto ka na ba sa playboy na iyon?"

"Hindi pa. Sabi ko nga kanina wala naman masama kung bibigyan ng chance." Sagot nito habang nilalagay yung red rose na binigay ni Dante sa kanya.

"Hindi pa? May balak ka bang sagutin siya pagkatapos natin sa pagaaral? O baka naman magugulat na lang kaming lahat kayo na ah."

"Ewan ko sayo, Mich." Nauna na pumasok si Faye sa loob ng classroom namin.

Kahapon ko lang nalaman dahil narinig ko noong dumaan ako sa tapat ng faculty room at kahapon daw ang flight ni mr. Martinez papuntang Japan. Ewan ko lang kung alam ba ni Faye ang tungkol doon. Ayaw ko naman siya tanungin dahil ayaw kong masira ang araw ni Faye. At ngayon namin malalaman kung sino ang papalit kay mr. Martinez.

Sana nga hindi na lang siya umalis ng bansa.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now