Chapter 52

358 9 0
                                    

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Bahala na nga siya dahil inuubos niya ang oras ko. Marami pa akong kailangan gawin sa bahay paguwi ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may fiance ka na pala? Kung hindi lang sinabi sa akin ni Shawn kanina ay hindi ko malalaman." Huminto ako sa paglalakad noong marinig ko iyon sa kanya. Maka asta akala mo kung sino, eh.

"Hindi ba ang sabi mo sa akin noon ay mind your own business? Kaya wala kang pakialam kung meron akong fiance."

Loko talaga si Shawn. Tama daw bang ipagkalat na may fiance ako. Lagot sa akin ang lalaking iyon kapag nagkita kami. Bwesit siya. Pero naalala ko ang sinabi ni Shawn sa akin noon.

"Win-win pa rin. May fiance ka na."

Panindigan ko kaya ang fake fiance ko? Bahala na kahit hindi naman totoong may fiance ako. Boyfriend nga wala ako, fiance pa kaya.

"Who's that guy?" Bumalik ako sa katinuan noong nagsalita muli si Louie. Ngayo'y parang nandidilim ang paningin niya.

"Bakit ba gusto mong malaman ang pangalan ng fiance ko? Kahit sabihin ko sayo ay hindi mo naman siya ki–"

"Siya ba yung kasama mo noong sumali ka sa dance contest?" Tanong nito.

"Ano naman sayo kung siya nga?" Sagot ko. Patay. Napasok ko rito si Jayden. "Tumigil ka na maka asta na boyfriend ko. Hindi ko naman pinapakialam kung ano man ang status mo ngayon kaya huwag mo na rin–"

"Shit."

"Ano ba ang problema mo ah? Hindi mo ba kaya makuntento kay Judy at pati ako ay ginugulo mo? Please lang, Louie huwag na huwag ka na lumapit sa akin kahit kausapin ako."

"Fine! Kahit kailan ay huwag na huwag kang lalapit sa akin para humingi ng tulong."

"At kailan ako lumapit sayo para humingi ng tulong? Hoy! Impakto, kahit kailan ay hindi ako humingi ng tulong sayo. Ikaw lang mismo ang tumutulong sa akin!"

"Kung impakto ako, mas impakta ka! Bwesit!" At ako pa tuloy ang bwesit sa kanya. Pasalamat siya wala akong hawak na kahit ano. Baka hampasin ko lang sa kanya.

Gusto ko umiyak pero hindi pwede umiyak sa harapan niya. Nagmumukha tuloy akong mahina nito. Ano ba kasi ang nagawa kong mali para parusahan ng ganito?

Mahirap ba talaga akong mahalin? May lalaki pa bang kayang mahalin ang gaya ko? Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Mukhang tama ang sinabi ng iba na hindi talaga kami para sa isa't isa ni Louie dahil may mahal na siyang iba. Kainis naman kasi itong puso ko pipili na lang ng lalaking mamahalin yung kasing lamig pa ng yelo ang puso.

Pinunasan ko agad ang luha ko noong pumatak na iyon sa pisngi ko. Traydor rin itong luha, no!

"At anong iniiyakan mo diyan?" Kunot noo nitong tanong. Hindi pa pala siya umalis.

"Ano naman pakialam mo kung umiiyak ako?"

Paano kung sabihin ko sayo na na nasasaktan ako ngayon. Ikaw pa rin kasi ang lalaking mahal ko.

Kapag sinabi ko ba iyon sayo ay hihiwalayan mo ba si Judy at ako na ang pipiliin mo?

Pero asa naman. Gumising ka nga sa katotohanan, Mich. Kahit kailan ay hindi ka magagawang mahalin niyan.

"Umalis ka na nga. Ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo!" Sigaw ko at wala akong pakialam kung kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao.

Paguwi ko sa bahay ay paniguradong namumula na ang mga mata ko. Mabuti na nga lang ay si Milo lang ang tao rito sa bahay ngayon.

"Ate, ano nangyari sayo? Namumula ang mga mata mo. May sore eyes ka? Naku, huwag ka titingin sa akin." Baliw talaga itong kapatid ko.

"Wala akong sore eyes." May inabot akong isang supot kay Milo. "Alam kong mahilig ka sa chocolates pero huwag mong kainin ng isang araw kung ayaw mo dentist ang bagsak mo kapag sumakit iyang ngipin mo."

Takot kasi si Milo sa dentis. Noon ay sumakit ang ngipin kaya dinala namin sa dentis pero ayaw magpaawat sa kaiiyak. Simula noon ay ayaw na niya magpa dentist.

"Ano nangyari sayo, Michelle?" Tanong ni mama. Akala ko nasa ospital ngayon si mama para puntahan si papa.

"Wala lang po ito, ma. Papahinga lang muna ako." Pumanhik na ako patungo sa kwarto ko at nilock ko pa ang pinto.

Ayaw kong sabihin kay mama na heart broken ako ngayon. Palagi na lang ako sawi sa pag-ibig.

Pero sa ngayon ay focus na muna ako sa pagtulong sa pamilya ko at magaaral na muna ako para sa darating na board exam.

Speaking of board exam, ang sabi ay sa isang boarding house daw kami magaaral lahat na magte-take ng board exam. Kahit ba ayaw ko pumuntang boarding house lalo na wala naman akong kaibigan doon. Wala nga ako maging kaibigan noong college. Magisa lang ako. Sana nga hindi na lang umalis ng bansa noon si Faye.

Pagbukas ko ng facebook ay ang post niya agad ang bumungad sa akin sa newsfeed.

Ano ba dapat kong gawin para mapansin mo lang ang katotohanan?

Kumunot ang noo ko sa post niyang iyon. Dahil sa curiosity ko ay tiningnan ko na rin ang mga comments sa post na iyon. Ang unang nag-comment ay si Shawn.

Shawn Mendoza: Huy! Sino yan?

Louie Aguilar: Wala. Naiinis lang ako.

Shawn Mendoza: Sus, pre. Ha ha!

Nathalie Abuel: Haha! Parang kilala ko na kung sino ito ah.

Shawn Mendoza: Sino, Nath?

Nathalie Abuel: Secret. 😜

Shawn Mendoza: Ay, sus. PM mo sa akin dali.

Nathalie Abuel: Sige na nga.

Wala akong nakuhang sagot sa kanila. Pero sino ba ang tinutukoy ni Nathalie? May naging crush ba si Louie noon na hindi ko alam? Para tuloy gusto ko malaman kung sino ba ang tinutukoy ni Louie sa post niyang iyon. Hindi ba niya mahal ang girlfriend niya? Nag girlfriend pa siya kung hindi naman pala niya mahal. Psh

Magaayos na lang siguro ako ng mga gamit ko na dadalhin sa boarding house bukas. Sabay-sabay daw kaming lahat pumunta doon para walang mahuhuli ang dating at wala ring maliligaw papunta doon sa boarding house. Sa totoo lang first ko pa lang mapahiwalay sa pamilya ko pero ang sabi ng magbabantay sa amin ay pwede daw kami umuwi sa Friday tapos balik sa Sunday. Weekend lang namin makakasama ang pamilya namin at panigurado akong mamimiss ako ni Milo dahil matatagalan pa bago matapos itong board exam.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now