Chapter 5

784 23 1
                                    

Ilang buwan na ang lumipas dahil ang bilis ng panahon. Malapit na ang exams namin. Parang kailan lang ay 1st day of school pa lang tapos ngayon malapit na ang exams.

Pagkatapos ng klase namin ay sumama ako kay Faye pumunta sa library kahit hindi ko naman hilig pumunta sa ganitong lugar. Hindi kasi ako katulad ni Faye na mahilig magbasa ng libro. Kaya siguro hindi ako pinapansin ni Louie dahil iba kami ng hilig. Panonood ng anime at pagsasayaw lang kasi ang hilig kong gawin. This year, hindi sumali sa dance group. Ewan ko ba kung bakit. Wala ako sa mood sumali ngayon.

Nagsimula na magturo si Faye kay Dante kaya naghanap na ako ng libro na pwede kong basahin para may magawa naman ako. Hindi bored habang naghihintay matapos sila.

Hindi naman malayo ang table ko sa table nila Faye kaya kitanf kita ko ang ginagawa nila sa kabilang table. Para nga akong bodyguard ni Faye sa ginagawa ko. Nakita kong umalis na si Dante sa table nila. Tapos na siguro ang pagtutor ni Faye sa kanya kaya nagpasya na akong lumapit.

"Nasaan ang estudyante mo?" Binaling ni Faye ang tingin sa akin.

"Iniwanan ako."

"Bakit ka naman iniwanan ni Dante?" Tanong ko ng maupo na ako sa silya kung saan nakaupo kanina si Dante.

"Hindi ko alam sa lalaking iyon. May mood swing yata."

"Huwag mo na isipin iyon. Bahala na siya sa buhay niya kung bumagsak siya sa darating na exam natin."

Hindi na umimik pang muli si Faye dahil inaayos na niya ang mga gamit niya at ako naman ay binalik ko sa shelf yung kinuha kong libro na hindi ko naman masyado binabasa.

Habang naglalakad kami ay himala yata hindi ko nakita si Louie. Baka naman nauna na siyang umuwi kay Dante. Bago pa turuan ni Faye si Dante ay palagi sila magkasama kaya nga palagi sinasabi ni Faye pagbubuntot lang kay Dante ang alam ni Louie maliban sa pagbabasa ng mga libro.

"Faye, hindi yata kasama ni Dante si Louie ngayon. Sayang nga hindi ko siya nakita bago tayo umalis sa school." Nalulungkot kong sabi pero pinapasigla ko ang sarili. "Pero may bukas pa naman at magkikita pa kami noon. Kailangan ko rin ng inspiration sa darating na exams natin."

Tumingin ako kay Faye na tahimik lang habang naglalakad. Hindi ko tuloy alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi.

"Faye. Huy, Eugene Faye Silva." Mukhang bumalik sa katinuan ang kaibigan ko at hindi nga siya nakikinig sa akin kanina.

"Bakit?"

"Hay naku... kanina pa akong salita ng salita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Ano ba gumugulo sayo ngayon? Si Dante ba?"

"Hindi ah. Bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon?"

"Ewan ko sayo." Kibit balikat niyang sagot sa akin.

Noong nasa tapat na kami ng bahay nila Faye ay nagpaalam na ako sa kanya. Kailangan ko na rin kasi ang umuwi.

Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si mama nakaupo sa sofa at mukhang napansin na niya ang presensya ko.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Sorry po. Sinamahan ko po si Faye kanina."

"Sa susunod sabihan mo ko o ang papa mo kung gagabihhin ka ng uwi. Hindi alam ng papa mo kung papasok ba siya ngayon o hindi dahil hindi pa umuuwi."

"Sorry po talaga."

Nawala sa isipan ko na kailangan ko nga pala umuwi ng maaga dahil after school ay doon rin pumapasok sa trabaho si papa. Kawawa nga si papa dahil pagkatapos ng trabaho niya ay kailangan pa niya alagaan si mama. Siyempre, pagod din sa trabaho si papa at wala pa siyang tulog.

"Sige na. Magpalit ka na at kakain na tayo." Tumango ako kay mama bago pumanhik papunta sa kwarto ko.

Pagtapos ko magpalit ng damit ay bumaba na ako para tulungan si mama. Lagot ako kay papa kapag hindi ko tinulungan si mama at ayaw naman ni mama na wala siyang ginagawa sa bahay. Pumayag naman si papa basta bawal sa kanya ang magtrabaho ng makakasama sa kanila ni baby Milo.

Kinaumagahan ay maaga ako nagising at nakita ko si papa nagaasikaso ng makakain.

"Ako na po diyan, pa. Magpahinga na kayo."

"Sigurado ka? Baka mahuli ka pa sa klase mo." Sabi ni papa sa akin.

"Maaga pa naman po at may oras pa ako magasikaso dito."

"Sige. Ikaw na ang bahala dito para pag-gising ng mama mo ay may makain na siya."

Palagi ganito ang ginagawa ni papa araw-araw pagkauwi niya galing ospital. Nagluluto na muna siya ng makakain ni mama bago magpahinga. Kaya naawa na rin ako kay papa at gusto ko na rin matapos sa pagaaral para makatulong ako sa kanila. Ako na rin ang magpapaaral sa kapatid ko.

Excited na nga ako sa pagdating ni Milo.

Nang matapos na ako magluto ng makakain ni mama ay nagasikaso na ako para sa pagpasok ko sa school. Hindi ko nga namalayan ang oras at mahuhuli na nga ako sa 1st class ko.

Nagmamadali na nga ako bumaba ng hagdanan namin pero nakita kong lumabas si papa.

"Ano po nangyari?" Nagaalala ako sa kung ano nangyari. Baka kay mama o Milo.

"Manganganak na ang mama mo kaya dadalhin ko na siya sa ospital."

What? Ang aga naman lumabas ni Milo. Hindi naman siya excited.

"Hindi na po muna ako papasok sa morning class ko. Sasama po ako sa inyo."

"Sige. Mabuti pa nga dahil kailangan ko rin ang tulong mo." Bumalik na si papa sa loob ng kwarto nila para buhatin si mama. "Michelle, ikaw na magdala ng gamit ng mama at kapatid mo."

Nauna na si papa bumaba dahil kinuha ko pa ang gamit na dadalhin sa ospital. Hindi ko alam kung ayos lang ba si papa magmaneho dahil wala pa siyang tulog. Wala naman siguro mangyayaring masama at alam ni papa ang gagawin niya.

Pagdating namin sa ospital ay dinala na agad si mama sa delivery room. Ilang oras kami naghihintay ni papa dito sa labas. Pareho kami excited sa pagdating ni Milo.

God, hindi ko pala nasabihan si Faye na hindi papasok kaninang umaga. Siguro mamaya ko na lang sasabihin sa kanya pagpasok ko. During lunch break ay papasok na ako at kakausapin ko na lang yung mga teachers ko sa pang umaga kung bakit hindi ako pumasok kanina. Maiintindihan naman siguro nila ang nangyari kanina sa bahay. Emergency ito.

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon