Chapter 12

552 13 3
                                    

Ngayon araw ang anime event na. Kahit gusto kong sumama kay Faye ay marami pa ako gagawin lalo na may pinabibili sa akin si papa na kailangan lutuin para sa New Years eve. Taun-taon kasi kasama namin ang pamilya ni Faye.

"Alis na po ako." Paalam ko kay mama at sinuot ko na ang sapatos ko. Ngayon na ako pupunta sa grocery habang wala pa akong ginagawa.

"Magiingat ka, Michelle." Sabi ni mama sa akin.

Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako ng makita si Louie.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi ba ngayon ang anime event sa mall?"

"Yeah. Kung tatanungin mo kung bakit hindi ako sumama kay Faye. Ito ang sagot ko, marami akong ginagawa ngayon at saka inutusan pa ako ni papa bumili ng mga kailangan lutuin para sa New Years eve." Pinakita ko sa kanya ang listahan na kailangan kong bilihin.

"Ang dami. Kaya mo bang buhatin ang mga iyan pauwi mo?" Tumingin siya sa akin noong tinanong niya ako. "Sasama na ako sayo para tulungan ka sa pagbili at pagbuhat."

"S-Salamat."

Si Louie ba ito? Hindi kasi siya ganito sa ibang tao, eh. Hindi na siya yung cold prince na palaging sinasabi ng mga estudyante sa school namin.

"Ano pala yung pinagusapan niyo ni papa noong isang araw?"

"Tinanong lang ako ng papa mo kung nangliligaw ba ako sayo." Nagulat ako sa sinabi ni Louie para lumingon ako sa kanya. Naglalakad kami papuntang grocery dahil may malapit na grocery sa school namin. "Sinagot ko sa kanya na hindi ako nangliligaw sayo."

Ouch!

Sana sinabi na lang niyang nililigawan niya ako para maging masaya naman ako kahit sa hindi totoo. Hanggang panaginip lang ang lahat.

Tinulungan na ako ni Louie na kunin yung mga kailangan kaya kami nandito ngayon sa grocery. Ang dami nga sobra! Buti na lang push cart ang kinuha ko pagpasok.

Noong matapos na kami ay pumila na sa counter. Ang dami ring tao ngayon. Marami siguro silang pera.

"Ano pala ginagawa mo kanina sa labas ng bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Yayain sana kita lumabas ulit."

Whoa, whoa! Oh my gosh! Totoo ba ito? Gusto kong tumili dahil niyaya ako ni Louie lumabas kaming dalawa ngayon. Panaginip ba ito? Kung panaginip ay ayaw ko na magising pa.

"Bakit mo kinuror ang sarili mo?"

"Huh? W-Wala."

Totoo ito. Hindi ito isang panaginip dahil nasaktan ako noong kinurot ko ang sarili ko.

Nang mabayaran ko na ang lahat na pinamili ko ay tinulungan na ako ni Louie buhatin ang lahat.

"Mukhang busy ka ngayon kaya next time na lang."

Ano ba talaga nakain ni Louie kung bakit niya ako niyaya lumabas? Dahil ba wala si Dante ngayon? Sakit ah.

"Y-Yeah, tinutulungan ko kasi si mama sa bahay."

Noong nakauwi na kami sa bahay ay tinulungan niya ako ilagay sa kusina ang mga binili.

"Salamat sa pagtulong sa akin ah."

"Wala yun. At saka sa dami nga ng binili mo kanina ay hindi mo kayang buhatin ang lahat na iyan. Kailangan talaga may kasama ka para tumulong sayo."

"Actually, si Faye talaga ang palagi kong kasama kapag inuutusan ako bumili sa grocery."

"I see. Pero wala ngayon si Faye."

"Hindi rin. Bukas pa dapat ako bibili pero bakit hindi na lang ngayon lalo na wala akong ginagawa kanina. Para bukas tutulong na lang ako kay mama sa pagluluto."

Mister Ice Prince And Miss OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon