Chapter 60

510 11 0
                                    

Mich's POV

Nagising ako kaninang umaga sa sobrang sakit ng ulo dahil sa hangover at wala ako maalala kung ano ba ang nangyari. Kung nasaan na ba ako ngayon. Tumingin ako sa tabi ko at laking gulat ng makita ko si Louie. Nakaluhod ito habang ang himbing ng tulog. Pero teka, bakit siya nakahubad? Huwag mong sabihin... Agad kong tiningnan ang sarili kung may suot ba akong damit pero wala. Shocks! Naisuko ko ang sarili sa kanya. Ano na lang ang ihaharap ko kay Louie ngayon?

Agad kong pinulot ang mga damit ko nakakalat sa sahig para suotin kahit ang sakit ng buong katawan ko. Pahika-hika nga ako kung maglakad.

Pagkarating ko sa bahay ay inalam ko na muna kung may ingay. Lagot kasi ako dahil hindi ako nakauwi kahapon.

Tatlong oras ang lumipas ay nagising ako dahil natulog ulit ako pagkatapos ko maligo.

Mukhang may nilagay ang mga kasamahan ko sa trabaho sa inumin ko kaya nakaramdam ako ng init sa buong katawan. Pero paanong si Louie ang katabi kong matulog kagabi?

Ano na lang ba ang gagawin ko ngayon? Malaking problema itong pinasok ko.

Wala si papa dahil sigurado akong may duty siya ngayon. Si Milo naman ay may klase pa siya at mamayang hapon pa ang uwi niya. Si mama ay hindi ko alam kung saan pumunta.

Inabala ko ang sarili sa panonood ng anime. Tutal absent na rin ako sa trabaho. Paano ako makakapasok kung sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover?

"Ate, nandito po si kuya Louie." Rinig kong sambit ni Milo. Ang aga naman ang uwi ni Louie ngayon. At hindi pa ako handa humarap sa kanya pagkatapos nangyari kagabi sa amin.

"Milo, bumababa ka na muna o gawin mo na lang ang homework mo sa kwarto mo." Yumuko ako noong marinig ko ang boses niya.

"Okay po, kuya."

Umalog ang kama ko hudyat na umupo siya doon.

"We need to talk, Mich." Ang seryoso ng tono ng boses niya at halata ring galit siya sa akin. "Bakit mo ko iniwanan kanina?"

"Hindi ko alam kung ano ang ihaharap ko sayo pagkatapos nangyari kagabi sa atin. Pero wala ako maalala sa saktong pangyayari." Sabi ko habang nakayuko pa rin ako.

Sabi ko nga sa sarili ko na hindi ko na muna ibibigay ang sarili ko sa kanya hanggat hindi pa kami kasal pero naisuko ko kagabi. Laki kong tanga. Ano na lang ang gagawin ko kung magkaroon ng bunga ang nangyari kahapon? Ni hindi ko pa nga boyfriend si Louie. Kapag nalaman nila papa ang nangyari kagabi ay panigurado akong ipapakasal niya kami ni Louie. Pero nahihiya akong humarap sa kanya ngayon.

"Hindi mo alam kung ano ang ihaharap mo sa akin pagkatapos may mangyari sa atin? Inangkin mo lang naman ako, Mich. Lalaki ako kaya madaling matukso lalo na kung ang gumawa noon ay ang babaeng mahal ko."

Tumingin ako sa kanya at nawala na ang galit sa mukha nito.

"Sorry, Louie. Sorry talaga dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko kahapon."

Hinila niya ako at tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

"Kahit ano mangyari ay nandito lang ako, Mich. Kapag may naramdaman kang kakaiba ay sabihin mo sa akin agad." Sabi nito.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi naman siguro nakabuo agad, no? Pero kahit na first time lang ito na may nangyari sa amin.

"Hindi kita tatakbuhan kung may bunga ang nangyari kagabi. Handa pa akong tulungan ka."

"Ano ang naririnig kong bunga? Buntis ka ba, Michelle?" Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni papa habang nasa likuran nito si mama. Patay.

"Tito, tita, sorry po. Pero handa akong pakasalan ang anak niyo."

"Hindi pa nga kayo ng anak ko pero ginalaw ko na siya agad. Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon?" Sabi ni papa. Alam kong galit siya sa narinig niya kanina.

Lumapit si mama kay papa at hinawakan ang braso nito.

"Hayaan mo na kung ano ang maging desisyon ng panganay natin. Hindi na sila mga bata. Malaki na sila at tapos na rin sa pagaaral."

"Maghahanap ako ng trabaho para sa inyo ng magiging anak natin." Bulong ni Louie sa tenga ko.

Teka nga, wala pa ngang isang buwan. Paano kung wala pa lang bunga ang nangyari sa amin kagabi? Eh di, umasa lang si Louie sa wala. Bakit kasi masyadong advance kung magisip itong si Louie?

Pagkatapos ang pangyayari kanina ay naiwan kami ni Louie rito sa kwarto ko.

"Ano ang ginagawa mo nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko sa kanya. Sobrang miss ko na kasi siya.

"Nagaaral. Exam ko kasi ngayong linggo." Sagot nito at napakagat labi ako. Exam week niya pala tapos naisturbo ko siya.

"Exam week mo? Naisturbo pa tuloy kita ngayon. Sorry."

Imbes na sagutin niya ako ay sinunggaban ako ng halik ni Louie.

"Sorry kung nabigla ka sa pangyayari kanina. Kahit alam nating lahat na wala pang kasiguraduhan na may bunga ang nangyari sa atin kagabi."

Tama siya. Hindi naman agad malalaman ng isang araw. Kailangan maghintay ilang weeks o kung may maramdaman ba talaga akong kakaiba.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Tanong niya sa akin.

"Kailangan pa ba iyon? Kahit tinakta tayo magpakasal."

"Oo. Kahit pa paano ay dumating tayo sa boyfriend-girlfriend muna bago magpakasal. Kahit saglit lang. Kung walang bunga ay makakapag hintay pa naman ang pagpapakasal hanggat makapag tapos ako ng medisina."

"Oo. Sinasagot na kita." Sabi ko. Gusto ko rin makaranas na magkaroon ng boyfriend.

Si Louie ang first boyfriend ko at umaasa na siya ang last, siyempre.

"Talaga?" Tumango ako sa kanya. "Finally, girlfriend na rin kita para wala kahit sino ang pwedeng gumalaw sayo. Ako lang."

Masyado namang possessive ni Louie. Hindi naman ito ganito dati ah.

"Nga pala. Bago ko makalimutan kinausap ka ba ni Dante tungkol sa malapit na kasal nila Faye?"

"Yes, he called me last time at kinuha niya akong best man sa kasal nila. Hindi ko naman mahindian si Dante dahil marami na siya tinulong sa akin simulang mga bata pa lang kami at minsan lang siya humingi ng pabor sa akin."

Hindi talaga ako makapaniwalang mabait pala si Dante. Nagbago siguro dahil sa ex girlfriend niya. Kinuwento kasi sa akin dati ni Faye na may sinerseryoso dati si Dante na babae pero hiniwalayan rin siya nito pero sumeryoso ulit noong naging sila ni Faye. Maging mabuting ama si Dante kay Dale habang wala ang ina. Alam ko iyon dahil madalas ko makita ang mag-ama na palagi magkasama. Mukhang lumaking daddy's boy si Dale. Hindi mama's boy. Mas close pa sa ama nito kaysa sa ina. Kawawang Faye.

Mister Ice Prince And Miss OtakuWhere stories live. Discover now