"Bakit?" Ang lungkot din ng boses nito, kaya naman naisipan kong dalhin sa isang lugar si Vienne.

"May pupuntahan tayo."

"Saan?" Nang maitanong niya iyon ay ngumiti ako at hinila na ito upang magbihis pero may nakakalimutan ata ako.

"Paano magbibihis, wala akong damit dito Yukki." Napansin ko rin na hindi na ito nagku-kuya sa akin. Siguro since obvious narin naman na kambal kami ni Yura.

"Walang problema."

_____________________________________

Nasa mall kami ngayon upang bumili ng damit para kay Vienne, hindi rin naman kasi siya pwedeng bumalik dahil ang awkward lang no'n sa kanilang dalawa.

"What do you think about this, Yukki?" May ipinakitang isang Cashmere Sweater ito sa akin na kulay itim along with black pants.

"Do you want any colour aside from black?" Dahil parang may lamay na kung naka-all-black ito, okay naman pero sa kalagayan niya, mas gusto kong magsuot ito ng light colour.

"This one?" I really want to face-palm my self because...."Really? Dark blue? Choose anything aside with a dark colour." 

Kita ko ang pagbaba ng balikat nito sa sinabi ko. He really look like a puppy right now.

"Eto Ki! Libre mo naman sa 'kin 'to!" Isa pa itong si Senon, makulit din, hindi nagpapatalo.

"Fine. Just that one, okay?" Tumango naman ito sa sinabi ko na may kasamang ngiti. Tumingin naman ako sa paligid at kita ko si Vienne na nakakunot ang noo at ang lalim ng iniisip kaya naman nilapitan ko ito upang tignan ang problema.

Nang makalapit naman ako dito ay natawa ako dahil pinoproblema lang naman pala nito kung ano magandang light colour.

"What about this Cream Colour? It looks so comfy, what do you think?" Sabay kuha sa Cream Cashmere Sweater at inabot sa kaniya.

"I think, this will do." Ngumiti ako dito at binalikan na si Senon na busy sa kakatingin sa ibang section ng damit, I told him na isa lang ang ililibre ko sa kaniya pero  mahigit sa isa ang kinuha nito kaya bahala na siya diyan ang magbayad.

Nang matapos na kaming mamili ay nagpalit na si Vienne at kita kong komportable siya sa nabili niya at bagay naman sa kaniya yung suot niya.

"You look refreshing." Puri ko dito na kinagulat niya at kita ko ang pagpula ng tenga nito kaya nagtaka ako.

"Are you sick? Namumula ka." Umiling naman ito at lumayo ng kaonti sa akin.

"You just caught me off Guard."

"Dahil lagi kang naka naka-business attire kaya naman you look refreshing on your casual clothes." Narinig ko namang may umubo sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

"May sakit ka?" Tanong ko rito kay Senon na pumeke ng ubo.

"Tara na Ki." Sa sinabing iyon ni Senon ay naalala kong may pupuntahan pa pala kami kaya naman lumakad na kami.

______________________________________

Habang nagmamaneho ako ay ito namang si Senon panay ang kanta, siguro para hindi masiyadong mabigat ang atmosphere sa loob ng kotse.

"Ingatan mo siya~ binalewala niya ako dahil sa'yo~" sa kinakantang ito ni Senon ay napapakunot ang noo ko, broken ba 'to? Parang dumaan sa matinding heartbreak--

"Senon, ibang kanta naman, nakakarindi." Nananadya ata 'tong si Senon, 'yong kanta niya nakakasakit ng damdamin, lalo na sa isa diyang nasa likod at nakayuko na.

"Maganda naman Ki ah!" Hinila ko ang tenga nito upang may maibulong.

"Alam mo namang galing lang sa break-up 'tong si Vienne 'yan ang kakantahin mo?"  Napataas naman ang dalawang kilay nito at inayos ang upo at kinlaro ang boses.

"Baby shark do do do do~ baby shark do do do do~ baby shark do do do do~" Mukhang naintindihan naman ni Senon pero yung kaniya niya ay mas lalong nakakairita.

Matapos ang 30 minutes na pagmamaneho't pakikinig sa mga nakakairitang kanta ni Senon ay nakarating narin kami sa lugar na matagal ko ng hindi napuntahan.

"Angel's Wings?" Rinig ko na banggit ni Vienne sa Orphanage na nasa harap namin ngayon at napangiti naman ako.

"Let's go inside." Pagbukas palang ng pintuan ay binati na kami ng mga taong nag-aalaga sa mga bata at ibinigay ko naman ang mga pasalubong ko sa mga ito. Matapos iyon ay ipinakilala ko naman si Vienne sa kanila.

"This is Vienne Jimsckon, a friend of mine, please treat him well." At nakipagkamay ang dalawa.

"Naghihintay na po ang mga bata sa inyo, hali napo kayo." Ginuide naman kami ni Suzy sa loob upang ma-meet ang mga bata at sinilip ko naman si Vienne na inililibot ang mata.

"Kuya Yukki! Kuya Senon!" Bungad sa amin ng mga bata habang tumatakbo papalapit sa amin at niyakap kami.

Yumuko naman ako upang magkasing height lang kami nito at ngumiti.

"Ito nga pala si Kuya Vienne niyo, simula ngayon isa narin siya sa mga bibisita sa inyo." Tinignan naman ng mga bata si Vienne at nilapitan ito.

"Hello po Kuya Vienne, ako nga po pala si Jack, nice to meet you po." Tinignan ko naman sila at inabot ni Jack ang kaniyang kamay upang makipag-shakehands.

"Hello Jack, Nice to meet you." Inabot ni Vienne ang kamay nito at nag-shakehands ang dalawa kaya napangiti ako sa nakita ko.

Matapos makipagkilala isa-isa ng mga bata ay nakipaglaro na ang mga ito at nakipagkuwentuhan, kita ko ring tumatawa na si Vienne kaya masasabi ko na hindi ako nagkamali na dinala ko siya dito.

"Mukhang nakatulog na si Jack sa bisig mo." Dahil mahimbing na natutulog sa bisig niya si Jack matapos makinig sa story telling ni Vienne.

"Oo nga eh." At nakangiti ito habang pinagmamasdan ang bata.

"Akala ko mararanasan ko na ito pero nagkamali pala ako." Nalungkot naman ako sa nasabi ni Vienne. Mukhang gusto na talaga nito magkaanak at nakita ko noon na nagagayak siya at proud na proud na magkaka-baby na sila noon.

"Vienne..." Wala na akong masabi pa kundi ang pangalan niya.

"Thank you for bringing me here Yukki, I'm now all fine."

"You're welcome." At niyakap ko ito kasama si Jack natutulog parin sa bisig niya. This place is really the best place to calm down.

PretendWhere stories live. Discover now