*Kabanata 22
----------
Pagtapos ng announcement kanya kanyang alis ang mga estudyante. Ako naman eto kasama pa rin si Rafael at Kylie sa tabi ng sasakyan ko. Dito kitang kita kung pano tyansingan ni Nick yung babaeng pula ang buhok. Makahawak naman sa pwet si Nick akala mi nasa motel noh? Napaka manyak talaga. Yung babae naman parang wala lang pakielam. Napatingin tuloy ako bigla kay Kylie ng maalala ko. May crush nga pala to kay Nick. Nakatalikod siya sa direksyon nila Nick at nakikinig sa usapan nila Kevin, Drew at Rafael. Haay. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Nick.
Me:
Pwede ba Nick kitang kita ko kayo dito. Wag ka nga sa public makipaglandian.
_____
Tinext ko na baka mapatingin pa si Kylie don eh. Tatahimik nanaman bigla to. Ang hirap ng ganito! Ano ba kasi nakita nitong si Kylie sa lalaking yon? Oo nga aminin na natin gwapo si Nick, maganda ang katawan, matangkad at maporma pero sa panlabas lang ba dapat ang tinitignan? Sa itsura lang ba dapat ang batayan?
Nick the Demon:
Why babe? Are you jealous? ;)
_____
Aba?! Ako? Nagseselos? Hindi ahh nakakainis kasi yun mga ganun tsaka andito si Kylie oh may gusto sakaniya ang bestfriend ko ayoko naman masaktan siya. Tsaka hindi ba siya nahihiya na sa public pa talaga siya nakikipaglandian?
Me:
aba? Ako pa magseselos sayo? Wag nalang. Im not jealous. Ayoko lang ng ganyang view. Ang sakit niyo sa mata! >:|
_____
Never kong sasabihin sakaniya na may gusto si Kylie sakaniya. Baka samantalahin niya pa ang feelings ng bestfriend ko. Eh halata naman na type niya rin si Kylie. Foreign beauty pa naman tong si Kylie. Mukang amerikana. Sexy pa. Nako, hindi ko pwede hayaan na mapaglaruan niya si Kylie. Paglaruan na niya lahat ng babae sa campus wag lang si Kylie.
"Captain, sorry pala sa phone mo ah. Promise pare nasa bag mo talaga yon nung binigay namin kay Olivia yon" Sabi pa ni Kevin. I wasnt paying attention kaya nawawala ako sa pinaguusapan nila. Simple kong siniko si Kylie.
"Ano ba pinaguusapan nila?" Bulong ko sakaniya.
"Kahapon pa kasi nawawala yung cellphone ni kuya. Nawala daw yon kahapon after nung pangtitrip sakaniya nila Kevin kaya ayan." Paliwanag niya sakin. Ahh kaya pala hindi nagtetext at sumasagot sa fb si Rafael. Now i understand. Tumunog nanaman ang phone ko sinyales na may nagtext. Si halimaw nanaman to. Napatingin si Kylie sakin at sa phone ko.
"Napapansin ko kanina ka pa text ng text ah. Ikaw ahh" Pang aasar pa niya. Ang bilis talaga makapansin nito ni Kylie.
"Si Mommy lang to noh. Tinext ko kasi sinabi ko yung nangyari sa campus" I lied. Grrr. Simula dumating si Nick sa buhay ko nagawa ko na magsinungaling sa bestfriend ko. Ginagawa niya kong makasalanan!
"Ahh ok. Tara? Mall daw tayo pagtapos nila magusap usap" Tumango naman ako. May tumawag sa phone ni Kylie kaya pumunta muna siya sa sasakyan niya para mas tahimik. Ako naman chance ko na to pata tignan ang reply ng halimaw na yon.
Nick the Demon:
Denial ;)
_____
PSH! Denial pa ko? Hindi ko na nga nireplyan baliw siya. Ako pa nag dedeny? Wala naman akong gusto sakaniya tsaka ako magseselos? Hay nako kay Rafael ko lang naintindihan meaning ng selos. Pagkabalik ni Kylir sakto naman pagalis ng grupo ni Nick who knows san punta ng mga yon. Tuwang tuwa naman sila kasi walang pasok psh.
"Gusto ko sumama sa party mamaya." sabi naman ni Kylie habang nakatingin sa kotse ni Nick na unti unting nawawala sa paningin namin.
"Saang party?" Tanong ko naman. Party goer rin kasi tong si Kylie parang pinsan niya. Pero hindi naman siya tulad ng ibang party goers na halos naghuhubad na at nagsasasayaw. Ive seen her in a party before dahil sinama niya ko noon. Pumaparty siya umiinom siya sumasayaw siya but she knows her limits.
"Niyayaya kasi ako ni Nick mamaya. Gigimik daw sila mamaya. Bar hopping ganun." Wtf?! Si Nick pala yung tumawag sakaniya? What the hell Nick? Pano niya nakuha number ni Kylie?? Oh no this is bad.
"Wag! Wag ka pupunta don Kylie. Wag na wag ka sasama sa Nick na yon." Nagulat pa si Kylie sa pagkakasabi ko.
"Why? Bakit ayaw na ayaw mo? Pero sa ibang lalaki ikaw pa nagtutulak sakin" Sabi pa niya habang tinitignan ako na parang may gusto siyang malaman sakin. oh no.
"kasi hindi siya mapagkakatiwalaan. Diba nga yung mga kinukwento ko sayo. Basta Kylie wag. " Pakiusap ko sakaniya. Tinignan niya ko ng may pagtataka pero bandang huli tumango nalang siya at nakinig sa sinabi ko. Phew.
Ano ba kasing plano ng Nick na yon? Ano bang trip niya? Ilang minuto ang lumipas biglang dumating ang isang wicked witch. I mean si Olivia dumating. Nakipagbeso beso pa siya kay Kevin at Drew. Makikipag beso beso rin sana siya kay Rafael pero pasimpleng umiwas si Rafael. Boom! Nakita ko yon! Pahiya ka teh? Haha!
"So let's go na?" Sabi pa ni Olivia. Sumangayon naman sila Drew at Kevin. Si Rafael naman tumango lang at nilapitan ako.
"Sakin sasabay si Olivia ah. Si Kevin kasi kasabay niya si Drew. Ok lang ba?" Paalam niya sakin. Yiee ang sweet di pa kami pero nagpapaalam na siya sakin. So pag sinabi kong hindi ok hindi niya rin isasabay si Olivia?
"Ok lang. Hindi mo namab kaylangan ipaalam pa sakin" I smiled at him. Dapat nagseselos ako kasi gusto ko ako yung kasabay niya pero nangingibabaw kasi talaga yung kilig ko! Ano ba yan baby!
"Gusto ko lang ipaalam. Nagreready na ko para pag sinagot mo ko sanay na ko magsabi sayo" Malambing niyang sabi sakin at kumindat pa. Ang gwapo niya! Ang sweet pa! Why do you gotta be so perfect?!
"Excited? Tara na nga baka mapasagot ako sayo agad niyan eh" Nagtawanan kami. As always he kissed my forehead again bago sumakay sa sasakyan niya.
Ang sweet! Ang sarap lang magsuka ng rainbow ngayon. Nagtititili ako pagkapasok ko sa sasakyan ko. Bumusina naman si Kylie at hinagayway ang kamay niya. Senyales na umalis na kami at tama na ang pag hihysterical ko haha!
YOU ARE READING
I'm with the Devil [COMPLETE]
RomanceSi Megan Montereal ay isang normal lang na dalaga. college student, mayaman, maganda, matalino at syempre friendly. May crush siya kay Rafael Dela Cruz at habang tumatagal ang pag aayos niya at pag papakita ng motibo ay gumaganda ng gumaganda ang re...
![I'm with the Devil [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/24212745-64-k745403.jpg)