QOS: DUODEVIGINTI

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo kailangang matakot na mawala ang lahat sa'yo, mahal. You might lose everything, but you will always have me. We will win this war together."

She intertwined their fingers. It made him feel a lot better. Kalaunan, kumalma na rin si Hades at marahang hinalikan ang reyna. Ngunit hindi pa rin nito maalis ang pangamba sa kanyang puso. Now that Lucifer and his Horsemen knows about the rebellion, they might try to harm Persephone in order to "tame" him.

Love is really a shitty weakness.

Deep down, the message is clear. Hades is more afraid of losing his queen.

*

'Bakit ba ngayon ko lang naisipang ibalik 'to?'

Kahit na ilang buwan na siyang namamalagi dito sa mansyon ng Seven Deadly Sins, hindi pa rin maiwasang kabahan ni Snow White sa presensiya ng panganay. Nonetheless, Pride always has this way of intimidating people---just like what's he's doing right now. Kung sinasadya man nito o hindi, ayaw na itong alamin ng dalaga.

Pride sat at the head of the table inside the dining hall. Tahimik niyang pinagmasdan ang bagay na inaabot sa kanya ni Snow. His eyes bore into hers. A serious and stern look.

"Care to tell me why you have the keys to every room inside my mansion, princess?"

Napalunok si Snow at marahang inilapag sa mesa ang mga susi. A hundred keys all bundled up in a single metal loop. She almost forgot she still has this.

Isandaang susi para sa isandaang mga silid sa mansyong ito. Of course, the sins have a duplicate copy of keys for their bedrooms and special rooms, but this is the complete set of keys to unlock every door of the Seven Deadly Sins' mansion. Dahil si Pride ang panganay, ilang siglo nang nasa pangangalaga niya ang key set na ito.

'Yup. I'm dead.'

Napalunok ang dalaga. Kung hindi pa siya nagising sa malakas (at galit) na boses ni Pride kaninang umaga habang hinahanap niya ito, baka tuluyan na niyang nakalimutang nasa kanya pa pala ito. And so, here she is---standing in front of an angry sin.

Snow White mustered up all the bravery to meet his eyes. She's not afraid of him! No, not one bit...

Err.. maybe a little.

Napabuntong-hininga ang dalaga. Kung hindi lang mahirap paniwalaan ang sasabihin niya, malamang hindi siya kakabahan ng ganito. 'Tsk! Damn this situation.'

"Noong gabing sumakit ang ngipin ni Gluttony, naka-lock ang mga pinto ng dining hall. I was about to wreck it down when I spotted this set of keys on the floor. Naisip kong mas magagalit ka kapag sinira ko ang mga pinto kaya't ginamit ko na lang 'yong susi."

Pride was still frowning at her.

"At paano naman mapupunta sa hallway ang mga susi ng mansyon?"

"I-I have no idea.."

Patay.

"Princess, a set of one hundred keys to this damn mansion can't just pop out of nowhere."

Umirap si Snow. "Baka naman nahulog mo 'yan doon sa hallway?"

Kumalansing ang mga susi nang iangat ito ni Pride. His bored expression told her that that scenario is impossible. "I keep this inside my room. Under my pillow. Last month ko pa huling ginamit ito. Paano naman ito mapupunta sa hallway?" He challenged her. Mukhang bad mood nga ngayon ang kasalanan.

'Minsan, ang sarap talaga niyang ihagis sa Tartarus! Tsk.'

Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao at akmang sasagot na sana nang biglang sumingit sa pagitan nila si Llyria. The new maid was smiling while she poured tea inside a cup. Ni hindi ito lumingon sa kanila nang mahina siyang magsalita, "Maybe she stole it? Hindi malayong natunugan ng dati niyong katulong kung saan nakatago ang mga susi.."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now