Day 370: Home

8.8K 404 231
                                    

***

I was a little sore from curling up on the couch when I heard Harry's car on the driveway. I was sleepy but the happy feeling of knowing he came home to me woke me up. Pagtapat ko sa pinto ng bahay, saktong pagkatok naman niya. I opened the door for him. He's still in the clothes he wore when he went to the lab this morning. He still looks so good... kahit halatado nang pagod. May bitbit siyang plastik ng pagkain gaya ng sabi niya. Nangiti ako.

"You're home," I said softly.

Napatanga siya sandali, for reasons only known to him. Pagngiti niya, hindi ko napigilang lumapit pa at yumakap. I breathe his scent in. Nagbuntonghininga naman siya nang ikulong ako sa braso niya.

He must be more tired than expected. It's already three in the morning.

"Yeah. I am home," he said in a weak voice.

"Pagod ka na yata masyado. Kakain pa ba tayo o gusto mo nang matulog?"

Iginala ko ang mga mata ko sa mukha niya. Namumungay na ang mata niya sa pagod at puyat, but there was also something else in there.

"Harry babe?" untag ko. Tumititig na naman kasi siya kaysa sumagot. Gosh. He shouldn't melt me at three in the morning. "Ano'ng iniisip mo?"

"You... by the door... and..."

Nakaabang ako sa sasabihin niya pa.

Tumikhim siya kaysa magpatuloy at iniangat ang bitbit niya. "Kain tayo. Dito ka naghintay sa living room?"

"Hey. What about me and the door?" ani ko.

"Kumatok lang ako para i-check kung gising ka pa."

I wasn't sure that's the thought after the 'you by the door' but... "Why? Pa'no kung tulog ako?"

"Mag-aakyat-bahay ako," aniya.

Mahina akong natawa. "No, you won't. In case I was asleep, I gave you a spare key so you can just get in like a normal person. But I fought all urge of sleeping to wait for you because you said you'd be home."

Mahina ring natatawa si Harry habang lumalakad kami pa-kusina. "'De. Kumatok lang talaga 'ko para kung gising ka, mapagbubuksan mo 'ko. Para kelegs. Kung tulog ka naman, puwede naman akong pumasok nang tahimik."

"At kelegs pa rin 'yon?" usisa ko.

"Aba'y siyempre, Binibini. Hahalikan kita pagdating ko, eh."

Damn. If that's his plan, it was regretful that I was too fast to open the door.

"Nakatulog ka sa couch?" Magaan niyang hinaplos ang buhol na naman sa buhok ko.

"Yes."

"Sa susunod na makatulog ka sa couch sa paghihintay sa 'kin, kahit magising ka 'pag dumating ako, 'wag kang babangon."

I'm already noting it mentally without him telling me. I wanted soft kisses while sleeping.

Kumuha ako ng bowls at kubyertos namin. Inalis naman niya sa plastik ang take-out bowls.

"Noted. Hindi ako babangon para sa kiss," I said playfully.

"Very good. At para mabuhat kita habang tulog ka. Pangarap ko 'yon. Tuparin mo ang pangarap ko."

"Noted, Dr. Lastimosa. I'd do that. Kahit magising ako next time, magtutulog-tulugan ako."

Mahina kaming tumawa.

Kumalat ang amoy ng ramen sa kusina nang isalin iyon ni Harry sa mga bowls namin. It's from the ramen house we used to frequent near the lab. May dala rin siyang dumplings. Gising na gising na 'ko para kumain nang maupo kami nang magkatabi sa dining table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon