Day 25 : Not yet

13.6K 626 372
                                    

Not yet
-----

Dahil sabi ni Harry ay pabalik na siya sa office, nakatunganga na lang ako sa phone ko at sa oras. Nagka-countdown ako sa kanya sa chat. Na-off ko na ang computer. If I would be honest about it, inaantok na 'ko talaga. Pero ang tagal niya kasing bumalik sa lab. Hindi tuloy ako makatulog. Kung hindi totoo 'yung three minutes niya, I might as well sleep without seeing him.

For days now, hindi na rin ako nakakauwi sa bahay ko gaya niya. Kumukuha na lang ako ng damit at kung anuman ang kailangan ko. Sa sleeping quarters ako natutulog. Hindi na hassle sa biyahe at mas madali mag-long hours. 'Yung food ko, sagot ni Harry since lagi naman kaming sabay kumain—breakfast, lunch, dinner, and snacks in between.

Sort-of living in the lab is an advantage lalo na dahil nagsimula na kami sa cell seeding. We're trying various configurations for graft and valve engineering that might surpass what's available right now. Pero dahil nasa initial stage pa lang kami, puro monitoring pa lang. Hindi pa namin ma-test ang durability at integrity ng seeding.

Pasubsob akong nakaabang sa mesa ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Harry. Napatuwid ako ng upo.

He's late by a minute. I smiled at him as soon as our eyes locked.

"Welcome back, Lord Commander!" tukso ko sa kanya.

Nagbuga siya ng hangin at ngumiti pabalik.

I had to blink to stop myself from... weird things. I realized that Harry could trigger symptoms that might be a panic or anxiety attack, SVT's (supraventricular tachycardia), and the like. Crazy, irregular heartbeats, shortness of breath, and a little dizziness. I couldn't figure what exactly since nawawala rin naman agad 'yung sobrang bilis na heartbeat kapag huminga ako nang malalim o hindi na siya ngumiti. It doesn't feel like anything serious that would hinder my work so I brushed it off.

He strode towards me. "Let's go?"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at binitbit ang nakasampay na cardigan sa swivel chair.

"Are you going to go out like that?" he asked.

"Huh? Ano? Bakit?" Napa-check ako sa damit ko. Malinis naman ang blouse ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. He smoothed my hair.

"Ilang manok ba ang pwedeng mangitlog sa ulo mo?"

Tinampal ko ang palad niya habang natatawa. "That bad? Chicken agad? Hindi ba pwedeng pugo muna?"

Inalis ko ang ponytail ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Binago ko pati hati. Medyo mahaba na ang buhok ko. Hanggang braso.

"Okay na?" tanong ko sa kanya.

He clipped a portion of my hair with his fingers and flipped it to the left to even the line.

"Check with your phone," sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang front camera. Naniningkit ang mata ko sa malakas na ilaw.

"Okay na. The chickens and the quails will spare me."

Matipid siyang ngumiti. "Pa'no mo nasiguro?"

I looked at him in disbelief. "Because you're with me. Matatakot sila sa'yo, Mahal na Hari."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Ano? I-rebut mo. Tell me, I'm wrong," sabi ko sa kanya.

Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang phone sa kamay ko at kinalikot.

"What are you doing?"

"Adjusting your phone's brightness."

"Alam mo pass ko?"

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon