Day 144 : Mistletoe

13.2K 599 227
                                    

Mistletoe
-----

Ingay ang nagpabilis ng kilos ko para lumabas ng kwarto. May matinis na boses na parang si—

"Ate!" bungad ni Helga pagbukas ko ng pinto. Kumabit siya sa braso ko at masamang tumingin kay Harry na nakatayo rin doon. "Bakit sa kwarto mo lumabas si Kuya? Ano'ng nangyari? May ginawa ba siyang maganda?"

"What?" I asked her, confused. Masama ang tingin niya sa kuya niya pero ang tinatanong niya ay kung—

"Yes, Ate. May nangyari bang maganda?" ulit ni Helga. Kunot pa rin ang noo.

"I told you, ginising ko lang si Jia."
"Ginising lang ako ng kuya mo."

Nagkatinginan kami ni Harry.

"Hala! 'Yung mga tinginan n'yo, ha?! May something!" aniya.

Inakbayan ni Harry si Helga at tinangay sa paglakad. "Ang malisyosa mo na ngayon, Aling Kulit. Hindi naman 'yan ang itinuro sa'yo ng kuya mo, ha? Sus ginoo..."

"Bakit mo 'ko pinipigilan kay Ate Jia, o? Wala kang ginawa? Dito na nga namin siya itinaboy para kiligin ka! Ano ba 'yan, Ku—"

Tinakpan ni Harry ang bibig ng kapatid.

"Ang cute-cute ng bunso ko! Ang tahi-tahimik!"

Pumapalag si Helga pero futile. Lumingon sa'kin si Harry.

"May pagkain na kanina pa. At may bitbit na dagdag si Aling Kulit," sabi niya.

Humuhugong si Helga habang tangay ni Harry sa dining. Nakasunod naman ako.

True enough, parang Noche Buena uli ang hain sa table. Wala na ang bakas ng mga lata ng beer na ininom ko.

Unang naupo si Helga sa isang bahagi ng hapag. May nakapatong na mga plastik, box at pati garapon sa mga katabi niyang upuan.

Naupo kami ni Harry sa magkatabing upuan sa kabilang bahagi.

"Christmas celebration natin 'to uli kasi malamang walang Christmas si Ate Jia kagabi," sabi ni Helga at pinaningkitan ng mata ang kapatid. "K.J. na kasi ngayon si Kuya."

"No, H. He actually prepared something," salo ko. "I'm just... a little out of it last night so, nagkulong ako sa kwarto."

Tumango-tango si Helga at nagsimulang mag-abot ng pagkain. Hinarang ni Harry.

"Soup, first," sabi niya. Patungkol yata sa'kin. "Para sa sikmura mo."

Narinig namin 'yung mahinang 'yieee' ng babaeng makulit.

"Ikaw na kasi mag-abot, Kuya! Para kelegs!" sabi ni H.

Hindi nagsalita si Harry. Kinuha ko naman ang mangkok at naglagay ng soup na naroon.

"Mainit 'yan," he reminded me again.

God Almighty! Hindi ako makakakain kung mukha siyang concern. Lasing pa rin ba 'ko at nagha-hallucinate?

"Yeah... I know," sabi ko na lang at hinipan ang soup bago humigop.

"Ano bang nangyari kasi, Ate? Bakit hindi ka nakauwi sa bahay mo kagabi?" tanong ni Helga.

Sumulyap ako sa kanilang dalawa. "Uh..."

"Don't ask her questions na hindi siya handang sagutin, Kulit," singit ni Harry.

"No. It's okay. Mahaba lang ikwento," sabi ko.

"Marami akong time, ate! Anong nangyari?"

I considered a shorter version of the story.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon