Day 152 : 2 AM

15.8K 804 401
                                    

2 AM
-----

Nakapikit ako pero kung anu-anong scientific formula ang nire-recall ko para lang masigurong hindi ako makakatulog. It was hard, especially dahil drowsy yung painkillers na iniinom ko para sa ribs at sa tuhod ko.

Ang bagal din ng patak ng oras. Naniniwala ako sa mga sinabi ni JT pero iba pa rin kapag nakita ko na talagang totoong nasa kwarto ko si Harry.

But I fell asleep. Naalimpungatan na lang ako nang marinig kong umingit ang pinto at may lumakad papasok.

He has light steps. Hindi mamamalayan ng kahit na sino maliban kung naghihintay at nangingilala na gaya ko.

Bumibigat na agad 'yung puso ko, ramdam ko pa lang na lumalapit siya. Hindi ako makalunok kahit na ang sikip na ng lalamunan ko sa sakit.

I missed him. Knowing that he was the one who pulled me out from the car made me missed him more. Imagining how he must have felt when he saw me crashed broke my heart.

Naramdaman kong naupo siya sa bakanteng upuan sa tagiliran ko. I felt his body heat. I smelled his perfume.

Hinaplos niya ang buhok ko. Naramdaman ko ang pagkakabalot ng kamay niya. Then, he took one of my hands and kissed the back of my palm.

"Rest well," he whispered.

Hindi ko na kayang pumikit lang. Kaya nang pakiramdam ko, bibitawan niya ako, ako naman ang kumapit sa kamay niya.

I opened my eyes and met his.

Walang makapagsalita sa'min.

He looked so melancholic in his black coat. Mukha na naman siyang hindi natutulog. May benda sa kamay niya at maging sa braso hanggang siko.

Gaano ba karami ang sugat niya?

"Matulog ka na, Jianna," malumanay na sabi niya.

I bit my lower lip. Ang simple ng sinabi niya pero ang bigat ng tono. His voice almost cracked.

" 'Yan lang ba sasabihin mo sa'kin?" bulong ko sa kanya. "Come closer."

Lumapit siya.

"Why are you here?" I asked.

"I'm..."-lumunok siya-"checking on you."

"What happened to your hand?"

Naglapat nang matiim ang mga labi niya. "It's nothing."

"Are you sure?"

Kumunot ang noo niya. Nagusot ang mukha. He's like that when he's weighing a lie.

"Don't ask," he said gently. Ngumiti siya pero hindi naningkit 'yung mata. "Let go of my hand, Jianna."

"Ayoko," sabi ko sa kanya. "Why should I? Why would I? Why can't I hold it when I want to?"

He gritted his teeth. "Because that hand is a hand that will hurt you."

"This hand is the hand that saved me," sabi ko sa kanya. "This hand is the hand that bled for me. I know, Harry."

Lumunok siya. Nangintab ang mata sa pinipigilang luha.

"It's better if you didn't know about it."

"Why?" I asked him. "Why is it better?"

"Because you would ask. And right now, I can't tell you anything," sabi niya, magkatagis ang bagang. "Right now, everytime I would open my mouth, all I can tell you are apologies. You don't deserve just an apology."

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon