Day 142 : Hug

13.2K 561 259
                                    

Hug
-----

Bumusina ako nang matapat sa bahay ni Harry. Panay ang hinga ko nang malalim, hoping that it would help my weak heart stay calm and refrain from beating like a freaking fangirl once I see him. Bumukas ang automatic na gate. I drove inside the yard, stopped my car, and reminded my brain to stay with me. Bumaba ako ng kotse.

No confessions once I see him. No staring... too often. No itchy fingers to sneak a photo. Keep it casual.

Naaalala ko 'yung I miss you na na-send at sinabi kong hindi para sa kanya. Sana, hindi maungkat.

"Nandito na si Ate!" narinig kong sabi ni Helga.

I turned around to face the celebrant with tote on my shoulder and a big paperbag on my other hand. She's by the door. Katabi niya si Harry na nakahawak sa door handle. Parehas silang nakatingin sa'kin.

"Hi, Helga! Happy birthday!" sabi ko bago sumulyap kay Harry. "Hi."

Tumango lang si Harry bago sila lumapit sa'kin.

"I brought drinks. I assumed na marami nang food," sabi ko at bahagyang itinaas ang paperbag.

"Come in," sabi ni Harry at kinuha ang paperbag sa kamay ko.

Sumimangot ako. He's not indifferent nor casual. Bakit parang masama pa rin ang loob niya? Irritated pa rin ba siya dahil sa huli naming chat? Pero nag-sorry na 'ko.

Kumabit si Helga sa braso ko. "You must be so tired from your drive. Pasok na tayo sa loob. Pinahanda ko kay Kuya 'yung tub."

"What? I told you, no tub," sita ko. "You have a party to celebrate."

"Nahanda na ni Kuya e. Don't worry about it. It's okay. Tayo-tayo lang naman. Para ma-relax ka nang kaunti after the long drive. Galing ka pang Quezon?" she asked.

"Yeah." Napasunod ang mata ko kay Harry na nauna na sa loob ng bahay bago ako bumaling kay Helga, "Nandiyan na silang lahat?"

"Yes. Nasa living room. Naka-confe video call sina Milabs at MM."

We stepped into the noisy living room. Magkatabi sa mahabang sofa sina Hannah at JT. Si Jen, nakabukod ng upo at malapit sa flat screen kung saan naka-feed sina Ash at MM.

Kinakantiyawan nina JT at Ash si MM sa hindi pa nito dumarating na regalo para kay Jen.

Si JT ang unang nakapansin sa'kin. "Aling Jia!"

Halos sabay-sabay silang tumigil sa ipinag-iingay nila at bumati sa'kin. I waved at Ash and MM at the screen.

"Tama ba 'yung kinawayan ko? Is that a camera mounted at the top of the screen?" I asked them.

"Yes, Ate," sabi ni Helga habang itinutulak ako. "Pero mamaya ka na ma-curious at makipagkwentuhan. Sa tub ka muna."

"Wait. Bakit papunta tayo sa kwarto ni Harry?" I asked her.

"Sa kwarto ni Kuya 'yung tub," sabi ni Helga at bumungisngis.

"Gosh, H! 'Wag kang magbalak nang kung anu-ano, ha? Ako nang bahala sa gift mo, just don't do anything," pabulong na una ko sa kanya.

"Wala akong balak," sabi niyang nakangisi. "Wala pa. Talagang sa kwarto lang na ginagamit ni Kuya ngayon may maayos na tub. Quickly, Ate. Para makakain ka na."

Kabado pa rin ako kahit nang sumara ang pinto at nasa loob na 'ko ng banyo. I checked, first. Nang makita kong parang wala namang set-up ng prank, I showered.

After showering, I stepped into the tub. Nailing ako habang... kilig yata ang tawag do'n sa masayang gigil at parang pagtalon-talon ng puso ko. Harry prepared a warm rose bath for me... kahit malamang na pinilit lang siya ni Helga.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon