Day 360 : The same kind of restless

14.1K 676 185
                                    

TCWDM : Special days start here.

The same kind of restless
-----

"Since when are you here in Minnesota?" tanong ko kay Harry habang nakatingin sa baso ng tubig na hawak ko nang mahigpit.

We're seated across each other inside a resto. Walking distance lang 'yun mula sa park. Hinihintay namin ang pagdating ng breakfast set na in-order namin.

"No'ng isang araw lang," sagot niya. Nakikita ko sa peripherals ko na nakatitig pa rin siya sa'kin.

Napainom na naman ako ng tubig. Hindi ako nilulubayan ng mata ni Harry mula pa kanina. And I'm trying my best to be casual.

"Ah... No'ng isang araw..." wala sa loob na ulit ko. My brain was on a meltdown. Naglagalag 'yung mga tanong ko. What do I ask him next? "Uh... Where are you staying?"

"At an apartment two blocks away from your house."

Tumango ako. Naglumikot ang mga mata. Ang totoo, gusto ko ring tumitig sa kanya. Na-miss ko kasi siya. Pero hindi ko magawa dahil nauna na siyang tumitig sa lahat ng kilos ko.

"You're staring," puna ko.

"Of course."

Of course? Hindi niya ba alam ang epekto ng pagtitig? Nade-dehydrate ako kaya inom ako nang inom ng tubig. At tuwing magtatama ang mga mata namin, my heart leaps like a mad horse on a race against death.

"Hindi kasi ako... sanay..." sabi ko.

"Oh..." Naningkit ang mata ni Harry sa sandaling pag-iisip bago malapad na ngumiti. "Masanay ka."

Napatunganga ako. "What?"

Ngisi lang ang sagot niya sa'kin.

"I mean... you should... I'm trying to..." Pati paghinga ko paputol-putol na. "What I mean..."

Nanonood lang siya sa utal at lito ko.

"Harry!" angil ko.

"Yes?" aniya, magaang nakangiti.

Ramdam ko ang init ng pisngi at tainga ko. Gusto kong sumuot saanmang lungga at magtago sandali. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob o magtuturok ng sedative.

He has to help me keep it casual because I can't do it by myself!

"Na-miss kasi kita. I have to stare," sabi niya.

Nagtama saglit ang mata namin. Na binawi ko agad. He has this expression like... like he's looking at something fascinating. Or something he's fond of.

Gosh. Hindi handa ang puso ko sa titig na gano'n. Baka ma-cardiac arrest ako. Nakakahiya kapag dinala ako sa ospital tapos ang findings ay tinitigan kasi ako ni Harry.

"I have to go to the comfort room," sabi ko sa kanya at akmang tatayo.

Pero ipinatong niya ang kamay niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa. He didn't even pull me nor stop me. Ikinulong lang niya ang kamay ko nang gano'n and I automatically stopped moving.

"It's too much?" he asked gently. "Ang pula mo na e."

Umirap ako. "Ano kasi... Hindi lang kasi ako sanay..."

"Wait a little," he said.

"What do you mean?"

"Twenty counts. I'll look at you for twenty counts more and then, I'll try to divert the impulse to stare," sabi niya.

Nagbuga ako ng hangin.

"Twenty counts? Sigurado?"

"Yeah."

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon