Day 367 : August 5

13.9K 559 89
                                    

***

"Ang gwapo ng tinititigan mo, 'no?" mahinang sabi ni Harry habang nakapikit. Nakatukod ang braso niya sa bilugang couch sa coffee shop, salo ang ulo niya.

He's supposed to be sleeping.

"Gising ka na? Okay na nap mo?" I asked. Fifteen minutes pa lang siyang pumipikit mula nang maupo kami ro'n. Napaaga ang arrival namin sa airport at hinihintay namin ang family niya.

Maliit siyang nagmulat. Minasahe ng dulo ng mga daliri niya ang temples niya.

"Masakit ulo mo?" I asked again. I wouldn't be surprised if he's tired or if his head ached. Sa buong flight namin ay nasa laptop siya; nagbabasa ng laboratory reports tungkol sa research, nag-conference call sa Stanford, at nagbigay ng directives sa research team. I offered to help him read but he refused. Hinawakan niya lang yung kamay ko habang busy siya. Sinubuan ko siya ng snack kapag pwede dahil engrossed siya masyado sa ginagawa niya.

He said that he's expected to go back to the lab by Monday. May initial development na raw sa newly engineered grafts na ginagawa nila.

Kinuha ni Harry ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Medyo masakit. Pero ang cute mo magtanong kaya okay lang ako." Bumaba ang mata niya sa pasta na nasa mesa namin. "Bakit wala pang bawas 'yung pagkain mo? Tinitigan mo lang ako mula kanina?" Naningkit ang mata niya sa'kin, speculating. "Iba na 'yan, Aling Jia. Alam kong mahal na mahal mo 'ko pero ibang level ng kelegs 'yan. Don't make me too happy."

Ah, this guy. Nailing ako at mahinang natawa. "I do love you but you're thinking too much, Ginoo. Kausap ko si Auntie kanina sa phone kaya hindi pa 'ko nakakain. Nakausap ko na rin si Helga. On the way na raw sila."

"Ibig sabihin, kung hindi mo kausap si Tita kanina, kakain ka habang tulog ako?" usisa niya. Sigurado akong nangungulit lang base sa ngisi niya. Nilalaro niya yung mga daliri ko na hawak niya.

"Oo. Sabi mo, eh. Shouldn't I?" I probed.

"'Ayun. Masunurin naman pala," sabi niya at ngumiti. Ang singkit ng mata niya.

"Kain na," aya ko at inilagay sa kamay niya ang tinidor.

We have pasta and white bread along with the coffee. He was squinting his eyes kahit na hindi naman gano'n kaliwanag sa coffee shop. I worried that he was too tired for the day. It's his birthday pero ginawa niyang laboratory office niya ang eroplano. Pupunta pa kami sa puntod ni Neah bago tuluyang umuwi sa kanila.

"You should sleep more kapag nasa sasakyan na tayo. It might be a little traffic on the way to Neah," sabi ko sa pagitan ng pagsubo.

He wiped the corner of my lips with a tissue. "Klutz. Inaakit mo ba 'ko sa sauce, Jianna? Public place 'to. Don't make me kiss you."

"Hey. Seryoso ako sa sinasabi ko. You look tired to do all the things we planned for the rest of the day," sita ko.

"Yes po, Aling Jia. Iidlip ako sa sasakyan basta hindi ka kakabahang makipag-usap kina Dad," sabi niya.

Nagsikip sa tensyon ang sikmura ko. Parang may sumisirko uling asido. I'm going to meet his parents and I don't know how to present myself properly. Yet, I said, "Nope. I'm good to meet them."

"Kaya pala namumutla ka," puna niya at mahinang tumawa. "Don't worry about them. Istrikto lang sila. Tititigan ka lang nina Dad at Mom para kilatisin pero mabait naman sila. Tapos igigisa ka sa maraming tanong kung ga'no mo 'ko kamahal pero mabait naman sila. 'Pag natulog ako, baka ipagtanggol ka naman ni Helga kahit na hindi 'yun sanay pumiyok kapag may kinikilatis sina Dad."

My hand froze while clutching the fork for my dear life. Is he comforting me or tripping me?

Humalakhak si Harry.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon