Day 137 : Taunt

12.7K 570 245
                                    

Taunt
-----

Hindi man lang ako nakatulog. Magdamag akong tumunganga sa kisame dahil sa email ni Harry na nabasa ko.

Forgive me if right now, I'm missing someone else.

Gosh. Ayoko namang mag-assume pero ako kaya 'yung tinutukoy niya sa email? Did he miss me like I missed him?

Kasi... wala namang iba na naging close sa kanya sa lab, right? Ako lang.

But if it's me he's talking about... what exactly is he missing? 'Yung friendship? 'Yung kasabay sa pagkain? 'Yung pangungulit ko? Imposible namang 'yung confession ko ang nami-miss niya, right?

Nakakabaliw.

I got up from the bed when I saw that it was already four. Isinuot ko na uli ang dress ko. Lumabas ako ng kwarto bitbit ang damit ni Harry.

Takot akong lumingon sa sofa dahil baka bigla siyang magising. Dire-diretso sana ako sa pinto pero—

"Where are you going?" narinig kong tanong ni Harry.

Good grief! Gising na siya nang ganito kaaga?

Lumingon ako sa sofa pero walang tao.

"Ang aga pa. Why are you sneaking out?"

Nakatayo si Harry sa sulok ng living room papunta sa dining. Iba na 'yung damit niya from last night. Naka-walking shorts na lang siya, kamiseta, at jacket.

Nangangati ang kamay kong kumuha ng picture niya. But I cleared my throat, instead.

"I'm not... sneaking out."

Pero nakatitig lang siya sa'kin. Iniiwas ko ang mata ko. Baka makapagtanong ako bigla ng nakakahiyang tanong like 'Sinong nami-miss mo?'. I might as well die if I blurt that out accidentally.

"Do you need to go home this early?" he asked again.

Okay. Focus on the question. Do I need to go home this early?

Not really. Gusto ko lang umiwas sa kanya. But I couldn't say that so ano'ng sasabihin ko?

"With those clothes?" tukoy niya sa dress ko. "Malamig sa labas."

"What about my clothes? This is not that—"

"Sleeveless, mababa sa likod, at maikli. That's way too..."—kumurap siya—"uh, revealing."

Revealing? Hindi sexy? Bakit?

Napatingin ako sa katawan ko. This is supposed to be sexy. Hindi niya nakikita?

Sumimangot ako.

"Kung kailangan mo nang umuwi, mag-breakfast ka muna," sabi niya.

"I'm not really hungry."

"I am. Samahan mo 'kong mag-breakfast."

Kaysa tumalikod, lumapit sa'kin si Harry, hinubad ang jacket niya at isinampay sa likod ko.

"Ihahatid kita sa bahay mo. You'll be distracting the road if you try to hire a cab looking like that."

"Like what?" tanong ko habang sinusuot nang maayos ang jacket niya.

"Let's eat," he said, discarding my question. "At bitawan mo 'yung damit ko."

Kinuha niya sa kamay ko ang damit niyang nakatupi at ang shoulder bag ko. Ipinatong niya ang mga 'yun sa sofa habang nakasunod ako sa hakbang niya.

"Wala akong balak sa damit mo, ha? Naisip ko lang i-laundry. Nakakahiya kung ikaw ang maglalaba."

"I'm not assuming anything, Jianna."

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon