Day 07 : Lunch

12.2K 513 89
                                    

Lunch
-----

Ang plano ko sana ay magbasa pa ng isandaang pages sa dissertation na kailangan kong i-summarize. But after just a few pages, curiosity got me so I went to the common room.

Nauna na roon si Harry. Naabutan ko siyang nakaupo sa pinuwestuhan niya sa mesa kaninang umaga. May nakahandang plato ng pagkain-for two. Nasulyapan ko sa sink ang microwaveable containers na dating pinaglagyan n'on.

I approached him quietly. Wala siyang kagalaw-galaw hanggang sa maupo ako sa katapat na upuan.

Lasagna ang nakahain. Kumain na 'ko ng lunch sa canteen pero nakakapaglaway ang lasagna ni Auntie Faith.

I swallowed.

"Let's eat," sabi ng Mahal na Hari. He was already holding his fork. Nahati na rin niya into bite-size 'yung lasagna na wala pa ring bawas.

Was he really waiting for me? Weird.

Kinuha ko ang tinidor ko at sumubo. When melted cheese hit my taste buds, I almost closed my eyes. Gosh, food is life! Ang ligaya ng intestine ko.

Binalewala ko ang mga sulyap ni Harry at kumain lang. Kailangan niyang kusang magsalita.

I didn't know how much time I spent chewing but my food disappeared like magic. Like, really, incredibly fast. I wasn't even sure if I ate all of it by myself.

Pagsulyap ko sa Mahal na Hari, nakatitig uli siya sa'kin.

Was he staring the whole time? Habang cheese, ground beef, at kaligayahan ng intestine ko ang nasa isip ko?

I licked the corner of my mouth.

"So..." So, I finished all my food at grapes na lang ang uubusin ko. Ano'ng kailangan mo?

I couldn't ask him.

Uminom ako ng juice na nasa mesa rin at sinulyapan ang plato niya. Dalawang subo pa lang yata ang nabawas do'n.

"Hindi ka mahilig sa lasagna?" tanong ko.

But that's impossible. Auntie brought food for me and him. Hindi ito magdadala ng pagkain na hindi kinakain ni Harry.

Instead of answering my question, he kept on staring at his food.

Sumubo ako ng grapes. Ngumuya. Ako naman ang tumitig sa kanya.

This guy is a real pain in the arse. Bakit hindi na lang niya sabihin ang kung anumang concern, problema, o ipag-uutos niya sa 'kin?

I was still staring at him when we suddenly heard an instrumental of a song. It echoed in the room. Pero ang Mahal na Hari, nakatungo lang.

Naririnig niya kaya na may working sound system pala ang common room o may telepathic conversation siya sa lasagna?

The lyrics swifted through the air, sakto sa pag-angat ng mata sa'kin ni Harry.

🎼 You looked inside my fantasies ~

Nag-mute sa pandinig ko ang lyrics sa ere. Tumayo pa nga yata ang balahibo ko dahil sa tiyempo.

Nangunot ang noo ko.

🎼 And made each one come true
Something no one else had ever found a way to do ~

I cleared my throat. Nagtititigan talaga kami?

Look away! Good grief, self! Don't stare!

🎼 I've kept the memories one by one
Since you took me in ~

Oh my God! I can't look away! Wala naman akong stiff neck!

Nangunot ang noo ni Harry sa titigan namin. Tapos, sabay kaming napatingala sa speaker kung saan galing ang music.

🎼 I know I'll never love this way again ~

Nagkatinginan uli kami paglampas ng linya at bago sumabog ang chorus.

And because it's just too weird, natawa ako nang malakas.

"Gosh, I'm getting goosebumps!" Pinagpag ko ang nakatayong mga balahibo sa braso ko habang nakatingin siya. "Baka malagas ang balahibo ko!"

Parang ngumiti yata si Harry nang matipid-nang sandaling-sandali lang. Pero 'di ko ma-confirm dahil humawak siya sa noo niya nang halos pahilamos sa mukha.

I cleared my throat while trying to contain my cringe for the untimely song.

"May galit ka ba sa'kin? Gusto mo 'kong tumaba?" untag ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"Kasi, alas dos ka na nagyaya ng lunch. I obliged kahit nag-lunch na 'ko. Nakaubos na 'ko ng isang lasagna pero 'yang sa'yo, parang ten years in the making pa," I told him and pointed at the food with my pout.

Pero sa nguso ko siya tumingin at hindi sa pagkain niya. I pressed my lips together.

"Ano po ba talagang kailangan mo sa'kin, Kamahalan?" I probed.

"Nothing."

Woah! One word. Sa tinagal ng patak ng minuto mula kanina, isang salita lang ang sagot niya.

"At least, eat. Or isusumbong kita kay Auntie Faith," sabi ko sa kanya.

Pinisil niya ang pagitan ng mata niya bago ituloy ang pagsubo.

"You can leave now," sabi niya.

Naningkit ang mata ko sa kanya. Pagkatapos niya 'kong abalahin, uutusan niya 'kong umalis?

"No. I'll keep watch to make sure you will finish that plate. You have to pay for distracting me."

Kumunot lang ang noo niya bago ituloy ang pagkain. Wala na uli siyang sinabi. #1219h / 11112016

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon