Day 367 : Tangled

12.6K 619 105
                                    

TCWDM: Ang dapat na title talaga nito, "Ang mga adik". 😂😂😂

***

"What is this research na aasikasuhin mo rito sa Pilipinas?" tanong ni Dad sa'kin habang may hawak na wineglass.

We were having wine and cake sa dining room ng mga Lastimosa. Nai-tour na 'ko ni Helga sa bawat sulok ng bahay nila na may kasamang kwento tungkol kay Harry.

It's past nine in the evening.

"It's quite similar sa stem cell research nina Harry pero hindi ko pa po nakikita ang full abstract. Sa October pa po kasi 'yun. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng official letter of acceptance."

Napatango-tango si Dad.

"But the head researchers scouted me from Minnesota pa. So, I guess it's a sure job po," dagdag ko.

"Bakit hindi ka na lang sa research uli nina Kuya sumama, ate?" usisa ni Helga. "Para masaya."

"Oo nga naman, anak," dagdag ni Mommy. "Ibinibida ni Harry 'yung working compatibility n'yong dalawa no'ng nasa lab kayo."

Sumulyap ako kay Harry na malaki ang ngiti sa tabi ko. He talked to his parents about me? Ibinuild-up niya ba 'ko?

"Magagaling po 'yung team sa lab under him. Kaso, si Kamahalan, masungit at terror. Lagi tuloy siyang naba-bash," nakangiting sabi ko bago makagat ang dila ko. "Gosh. Ano... I mean..."

Nauna nang maningkit ang mata ni Helga sa kuya niya. "Naku si Kuya. Sabi na nga ba eh!" Bumaling ito kay Mommy. " 'Di ba, 'My, I told you, no'ng dumalaw ako sa kanila, hindi sumasabay kumain kay kuya ang team niya. Si Ate Jia lang ang nagtitiyaga!"

I'm confused kung pa'no ngingiti. Gosh. I have to be careful with my tact!

Pero parang relax lang sina Mom at Dad. Kahit si Harry, hindi ipinagtatanggol ang sarili niya.

"I wouldn't be surprised. This stubborn kid even refused to see us for years. I'm sure his team suffered a hard time because of him," sabi ni Dad. "Wala namang ibang pagmamanahan 'yan kundi kami ni Ludy."

"Hindi naman po gano'n kasama ang ugali niya sa lab noon," bawi ko.

"Mahal mo lang siya, ate, kaya hindi ka na-offend nang sobra!" sabi ni Helga.

"Yeah. I've been hard on all of them. Lalo na kay Jianna," sabi ni Harry. "Ang kaso tinamaan siya ng tunay na pag-ibig kaya 'yan... masarap pakasalan."

Napainom ako ng wine. Mahina namang tumawa si Mommy.

"Corny mo, Kuya," sabi ni Helga.

Pero tumitig lang sa'kin si Harry at ngumiti.

"Kung nasa research si Jianna rito sa Pilipinas, gaano katagal 'yun? Sinabi mo na ba sa kanya ang mga plano mo?" untag ni Dad kay Harry.

"Hm? What plan?" tanong ko.

Pinaikot ni Harry ang alak sa wineglass niya. "Hindi ko pa... nabanggit talaga, Dad."

Natahimik ang mesa. May idea ako sa sasabihin ni Harry but I wanted to hear him say it.

"Harry's going to continue Medicine," sabi ni Dad, nakatingin sa'kin. "We talked about it when he came home before he went to you in Minnesota."

Napatango ako. "I knew it."

Ang ganda ng ngiti ni Harry nang bumaling sa'kin. "You knew, huh?"

"Yeah."

"Professor Hughes is backing him up. When he quit Med school, Prof. Hughes dragged him back to take his board and even helped him receive his license as a medical scientist, kaya siya nakakapag-research. Now that he's continuing Med, they want him in Stanford," dagdag ni Dad.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon