Day 136 : Fifth of a second

13.2K 567 184
                                    

Fifth of a second
-----

Naubos ko na uli 'yung tubig na nasa mataas na baso. Gosh. Gutom na gutom na 'ko. Pagdating ng referral ni JT, I'm going to eat and then I'm walking out.

Susulitin ko lang ang hairdo ko, ang make-up, at ang dress na in-effort kong isuot.

Nagpa-refill na ako ng tubig nang maagaw ang pansin ko ng isang lalaking palapit. Nakatingin siya sa'kin... or maybe not? Lumingon ako sa likuran ko para i-check kung may iba pa siyang tinitingnan, pero wala.

I instantly felt uncomfortable. Why is a stranger approaching my table? He's not my date. Ito ba ang padala ni JT? A new stranged to date?

Ibibigti ko si Teodoro kapag nakita ko uli. The heck! I don't want another date!

Uminom ako sa baso at umiwas sa eye contact sa estranghero. He pproached the table.

"Excuse me," the guy said with a smile. "Are you alone?"

I pressed my lips, contemplating on how to reject him nicely. Can I just tell him to leave me alone?

Uminom na lang uli ako ng tubig.

"May I?" he asked. He swiftly seated himself at the chair across mine.

"Actually..." I started saying.

"She's with me," narinig kong sabi ng isang boses sa tagiliran ko.

A major goosebump spread from my head to my toes. Every nerve in my body got alerted.

Hindi ko kailangang tumingala para malaman kung sino'ng troll ang dumating.

Ibibigti ko talaga si JT! Argh!

"Sorry, man. I thought she's alone—"

"She's not," putol ni Harry sa sinasabi ng estranghero.

Alanganin na ngumiti ang lalaki bago umalis. Nakasunod ako ng tingin. Could I ask the stranger not to go? I don't want to be left alone with...

Nagkatinginan kami ni Harry na nakaupo na sa katapat ko.

I instantly blinked.

I know it's not scientific, but I practiced this mentally. Na sa susunod na magtatagpo ang mata namin ng lalaking ito, kukurap agad ako para mawala ang spell niya sa'kin. I'll be faster than a fifth of a second to stop myself from falling more for him.

But wow. Big plan. Kung gaano ako kabilis kumurap, gano'n din kabilis mag-react ang tibok ng puso ko.

Good grief, heart. Ang easy-to-get mo.

I reached for the glass of water and drank. Nakalahati ko. Dehydrated yata ako.

"Kanina ka pa inom nang inom ng tubig. Pa'no ka pa kakain?" sabi ni Harry. Bago ko pa siya makontra ay lumingon siya sa isa sa mga serbidor at sumenyas.

"You know... I'm not—"

He looked into my eyes.

Blink!

But I couldn't blink. Gumala ang mata niya sa mukha ko at natigil sa buhok ko.

"Nagsuklay ka," he said, with an almost smile. "Walang quail nest."

Napahawak ako sa ulo ko. "Of course! Walang..."

"I know you're hungry. Kain tayo," he said, smiling.

And... my brain turned to mush. Namalayan ko na lang na inabutan na 'ko ng menu. Tumitig ako sa mga picture ng pagkain na hindi ko maintindihan kung bakit ko tinitingnan.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon