Day 10 : A good, bad thing

13.3K 564 213
                                    

A good, bad thing
-----

Napailing ako sa harap ng kape na iniinit ko uli. Harry ordered it along with the pancakes from a certain resto. I kept on pondering whether to do what I've initially wanted to do or not. But how am I going to help someone who is grieving?

Pag-ingit ng pinto ng common room, napalingon ako.

🎼 There you go again ~

Nahigit ko ang hininga ko.

🎼 You take my breath away ~

Naningkit ang mata ko sa speaker. What the heck with these song?

🎼 The way you looked just then ~

Nag-uunat pa ng braso ang Mahal na Hari. Nakakamiseta at jeans lang. Naubusan na siguro ng long sleeves. O baka dahil Sabado, so he's casual?

🎼 Moves me more than words can say ~

"Kain na tayo," sabi ko sa kanya. Naiplato ko na ang pagkain namin. Naupo ako sa pwesto ko habang sumisingit pa rin 'yung kanta sa tainga ko.

🎼 Just about the time I think
I couldn't love you any more ~

Tumingin siya sa'kin. "Sorry to make you wait."

🎼 Well then, there you go again ~

Pa'no kaya magtupi ng tainga? Or, maybe, we should just request that they turned off the music. Halos wala namang tao rito sa common room kahit kapag lunch time. Usually, sa canteen nagla-lunch ang buong team... which is a building away. This whole building is like the King's domain-all six laboratories, three common rooms, four sleeping quarters, and two recreational rooms. It strictly functions for his research.

For him.

Napipikit na naupo si Harry sa pwesto niya sa mahabang mesa.

"Masakit ulo mo?" tanong ko.

"A little," sabi niya at nagkusot ng mata. Sumulyap siya sandali sa'kin bago tumitig sa pancakes.

Hinayaan ko siya sa trip niya.

Nagbuhos ako ng chocolate sa pancakes ko. I hummed when chocolate pooled from the tower of cakes to the plate. Humiwa ako sa tore ng pagkain, tinusok iyon ng tinidor, at dinala sa bibig ko.

Gosh... this is so good.

Napasulyap ako sa Mahal na Hari. He was watching me closely. Kunot ang noo.

"I'm not weird," sabi ko sa kanya.

"Wala akong sinabi," sabi niya.

Come on, boy. Alam ko 'yung mga gano'ng tingin.

"Ang tagal ko lang kasi sa Minnesota bago 'tong uwi ko rito ngayon. I'm still not used to the stores and the lifestyle here in the country. So, hindi ko alam kung saan ako bibili ng mga gusto kong kainin. Ayoko namang i-burden si Auntie Faith. Laging crackers lang ang nakakain ko... and bread. So..."

Sumubo lang siya ng pancake... sa hinaba ng paliwanag ko.

I stuffed my mouth with food. I should remind myself to be patient with this guy.

We ate in dragging, nagging, clawing-in-the-gut silence.

Humigop ako ng kape... na nakalimutan kong ininit ko. Naluha ako nang kumapit ang init ng kape sa dila ko. Tinakpan ko ng palad ko ang bibig ko.

"Are you okay?" tanong niya.

Umiling ako. "Ang sakit..."

His mouth moved as if he was going to say something... but nada.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon