Day 361 : Presents

14.1K 593 112
                                    

TCWDM : May reference sa media para sa nosebleeding part sa chapter na to. ^_^

Presents
-----

Pagkagising ko, napatakbo agad ako sa guest room para i-check si Harry. Wala na siya ro'n. Maayos na ang kama.

I rushed downstairs and found him in the kitchen.

"Good morning!" bati niya sa'kin.

Napahinga ako nang malalim. I thought he left or something. But he's here.

"May breakfast na," sabi niya. Lumapit siya at inayos ng bahagya ang buhok ko. "Bakit ka tumatakbo? Delikado 'yung hagdan n'yo."

Inayos ko ang robe sa katawan ko at hinaplos ang buhok ko. "I'm looking for you. Akala ko kasi umalis ka na."

"Yeah. Umalis na 'ko," sabi niya. "Umuwi ako saglit sa apartment para magbihis. Tapos, bumili ako ng breakfast bago bumalik."

Iba na nga ang suot niya mula sa damit niya kagabi. He looked very jump-worthy in his jeans and sweatshirt.

"Oh..." tanging nasabi ko. I'm done for. Nai-in love na naman ako.

Hinawakan niya ako sa balikat at iginiya ako pabalik sa hagdan.

"Maligo ka na. May conference ka," sabi niya. "I'll prep the coffee."

Nagpatulak ako hanggang sa hagdan bago lumingon sa kanya. Nakatayo na 'ko sa unang baitang.

"Ihahatid mo 'ko sa University?" I asked him.

"Aba'y opo. Para sulit ang panliligaw."

Lumapad ang ngiti ko. Alam niya kayang mahal ko siya? Sabihin ko na kaya uli?

Napatitig siya sa'kin. " 'Wag mo 'kong pakiligin sa mga ganyang ngiti mo, Aling Jia. Ang aga pa. Hindi makatarungan."

Mahina lang akong tumawa. Bakit ang cute niya?

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan sa tungki ng ilong.

"Ang cute mo, Ka Harry," sabi ko at mabilis na umakyat sa hagdan. "Good morning!"

"Pambihira. Nakakatatlong surprise kiss ka na, ha? Panagutan mo lahat 'yun!" pahabol niyang tumatawa. "Sagutin mo na 'ko, Aling Jia!"

Tawa lang ang isinukli ko.

Pagdating sa kwarto, I quickly showered, got dressed, fixed my face, and ran back to the kitchen. Pinaplantsa ko ng palad ko 'yung skirt ko no'ng naglalakad na ko palapit kay Harry.

Nakaupo siya sa mesa kung saan nakahain na ang pagkain. Nakangiti siya paglingon niya sa'kin.

"You're fast." Hinagod niya 'ko ng tingin.

"I don't want to be late," sabi ko lang at naupo sa seat katabi ng sa kanya.

"Bakit masyado kang nagpaganda? May nanliligaw ba sa'yo ro'n?" kulit niya.

"Wala. Dito, meron."

He chuckled. "Eat up."

Nasa pagitan na kami ng pagkain nang magsimulang umulan. Sumubo ako para hindi mahalata ang ngiti ko.

"It's true. Erratic nga ang weather dito," komento niya.

"Yeah. During summer months din umuulan at kumukulog dito. That's why last year, around this time ako umuwi sa Pilipinas," I told him.

Nangiti siya. "Right. Mag-iisang taon na kitang kilala. Advance happy anniversary."

Mahina akong tumawa. Ang kulit talaga niya.

Girl of Never : Days to Love (Chat MD Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon