QOS: VIGINTI QUATTOUR

Start from the beginning
                                    

"Y-You mean..."

"Lingid sa kaalaman ng mga tao, ilang  linggo na lang ang itagagal ng lugar na ito kung hindi natin maibabalik ang balanse. This war will determine the fate of both the Underworld and Eastwood. If we fail, everyone will suffer Lucifer's anger." Seryosong sabi ni Pride.

Nanlamig ang buong katawa ni Snow. 'Hindi kami pwedeng matalo.. malaki ang nakataya rito.'

Snow White pushed that memory aside. Hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa mga nangyayari ngayon sa dati niyang bayan. She sighed and stared at the grandfather clock. Kung tama ang oras nito, it was exactly 7:00 P.M.

"Damn. Pinapapunta nga pala ako nina Envy at Greed sa Leisure Room nila!"

Bitbit ang Clockwork baby, mabilis na tumayo mula sa sopa si Snow at naglakad papalabas ng sala. The grand hallways greeted her as those creepy paintings kept following her every move. She ignored them and journeyed the hallway that would lead her to the twin's Leisure Room.

"Going somewhere, Ms. Snow?"

Napahinto sa paglalakad ang dalaga nang hinarangan siya ni Llyria. The new maid smiled sweetly at her, but it didn't quite reach her eyes. Pinilit ngumiti ni Snow. 'Be polite, even if you don't want to..' she reminded herself.

"Pupuntahan ko lang ang kambal. I was invited to watch their game tonight."

'Pero malamang idadamay na naman nila ako sa pamatay nilang mga laro. Tsk!'

Llyria nodded. "Really? Well, have fun!" Bahagya siyang yumukod at humakbang sa gilid upang bigyan ng daan ang dalaga. Snow White frowned and started walking away when Llyria's voice caught her off guard.

"Oo nga pala, Ms. Snow. I cleaned your room earlier.. at may nakita akong mapa sa bulsa ng isa mong bestida."

Mapa? Ang tanging mapa lang na pagmamay-ari ni Snow ay ang...

"Shit."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at mabilis na binalingan si Llyria. The new maid leaned against the wall and showed her the map. "Saan mo naman nakuha ang mapang ito ng Underworld? It looks old..and it looks like it's been torn from a book. Sabihin mo, ninakaw mo lang ba ito sa Deadly Sins?"

Tumalim ang mga mata ni Snow. Pinigilan niyang taasan ang kanyang boses nang hindi mabulabog ang sanggol sa mga bisig niya. Mukhang tama ang hinala niya kay Llyria---she might look like an angel, but she's as bitchy as Morticia and Fleur.

"As far as I'm concerned, you shouldn't be barging around rooms and messing with other people's personal items." Kalmado niyang sabi, "Lalo pa't baguhan ka lang dito sa mansyon."

Llyria laughed at Snow. Her red lips curled upwards as her eyes told a different story. "Atleast I'm not stealing from the sins.. ano na lang kaya ang gagawin nila kung sakaling malaman nilang ang pinakamamahal nilang Snow White ay isang magnanakaw?"

Llyria walked closer towards her. A dark aura radiating off her. Namuo ang tensyon sa tahimik at madilim na hallway nang mahina itong nagsalita, "Hindi ka isang prinsesa, Snow White.. it will only be a matter of time until the sins will kick you out of this mansion." At sinadya nitong ilaglag ang mapa sa sahig bago naglalakad papalayo. Llyria's footsteps echoed through the hallways.

Naiwang nakatuod sa kanyang kinatatayuan si Snow. She started murdering that girl inside her head.. 'Mukhang gusto niya akong paalisin dito.' Ngayong nagpapakita na ng tunay niyang kulay ang bagong kasambahay, lalong kailangan ni Snow na mag-ingat sa kanyang mga kilos.

One wrong move, and Llyria will waste no time in telling them what she's up to.

'Ginagawa ko ito para iligtas ang magkakapatid.. I-I started a war and allied with Hades in order to save them.'

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now