Chapter Twenty Three

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero anong magagawa ko. Iniwan na namin sya kanina sa bahay pero ilang segundo lang ang lumipas, naglakad na din sya. Parang sinusundan nya kami.

Narinig kong humabol sa amin si Dylan. Nasa tabi ko na sya at naglalakad na kasabay ko.

"Di ko talaga maintindihan. Paano nya nalaman kung nasaan ka. At paano sya nakatawid dun sa bakal na bakod. Di kaya inakyat nya yun?" Tanong nya sa akin.

Napabuntong hininga ako sa mga tanong nya dahil sa totoo lang. Hindi ko din alam ang sagot.

"Hindi ko din alam Dylan. Pero...masaya ako na nahanap nya ako." Sabi ko.

"H-hindi ka natatakot sa kanya??" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. Nilingon ko sya at napangiti.

"Kanina oo. Natakot ako. Pero pakiramdam ko..." Tumigil ako saglit at nilingon si Ish na naglalakad na parang zombie sa likuran namin. Ay! Zombie nga pala talaga sya. Aha.

"Nandyan pa din si Ish sa loob ng katawan ng walker na yan." Lalong lumapad ang aking ngiti sa sinabi ko. Totoo naman kasi. Pakiramdam ko talaga na si Ish pa din sya.

"Nabaliw ka na ata ng tuluyan Meg." Naiiling na sabi nya pero natatawa sya.

Naglakad lang kami hanggang sa narating namin ang highway. Dahil sa mga nangyari kanina ay tinanghali na kami sa daan. Mataas na ang araw at masakit sa balat ang init na nagmumula dito.

Nang makakita kami ng isang malaking puno ay napagdesisyunan naming magpahinga muna. Bukod sa napakainit na talaga ay nagugutom na kami.

Naupo ako sa may paahan ng malaking punong ito. Pakiramdam ko tumatanda nako kasi sumasakit na kasu kasuan ko. Aha.

"Tara kain na." Yaya ni Kylie sakin at nagbukas na sya ng pork and beans.

Hinati nya ang malaking pork and beans sa tatlo at iniabot nya ito sa amin ni Dylan. Matapos ko magpasalamat ay naalala ko bigla si Ish, na sya namang nakatayo mga ilang dipa mula sa amin. Nakaharap sya sa may kalsada at medyo nakatungo.

"Pano nga pala si Ish? Baka gutom na sya?" Tanong ko kina Kylie.

Napalingon silang dalawa sa gawi ni Ish.

"Oo nga ano." Sabi ni Kylie.

"Eh alam naman natin ang kinakain nya di ba? Tsaka. Kahit ilang taon pa ata sya di kumain eh mabubuhay sya...I mean ganyan pa din sya." Sabi naman ni Dylan.

"Pero baka gutom na sya." Sabi ko. Nakakaawa naman si Ish. Ang payat na nya. Aha! May naisip ako!

"Dylan!" Tinawag ko sya at agad naman syang napalingon.

"Putulin kaya natin yun kamay mo tapos ipakain natin kay Ish?" Seryosong sabi ko.

Hindi makapaniwalang tiningnan lang ako ni Dylan habang si Kylie naman ay tawa ng tawa.

"Sira!" Sabi ni Dylan nang hindi ko na din napigilang tumawa pa. Seryoso. Ang priceless kasi ng pagmumukha nya kanina. Aha.

Pero nagaalala ako para kay Ish. Baka kasi gutom na sya. Pero anong ipapakain ko sa kanya? Iisa lang naman kasi ang alam kong kinakain ng mga walkers. Laman. Hai.

Nang makalahatian ko na itong pork and beans ko ay tumayo ako at lumapit kay Ish.

Pumunta ako sa harapan nya upang makita nya ako.

"Ish..." Mahinang tawag ko sa kanya. Hindi nya ako nilingon, bagkus ay nakatungo lamang sya at nakatingin sa kalsada. Hai. Sana naiintindihan nya ako.

"Ish??" Medyo malakas ng tawag ko sa kanya.

"Sige. Push mo yan Meg!" Natatawang sigaw sa akin ni Dylan.

My Zombie Girl (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon