"I-iniisip mo ba ngayon yung Flame Spectre?" Hindi ko alam kung tama ba 'tong iniisip ko pero malakas talaga ang kutob ko eh.

"Yeah..."

"Read my mind," sabi ko kaagad sa kanya. Then, sinabi ko sa isip ko yung narinig ko sa kanya kanina.

'Flame Spectre. Flame Spectre. Damn it.'

"Hey..." kahit walang kabuhay-buhay yung expression ng mukha niya, alam kong nagulat pa rin siya.

"Yun ba ang iniisip mo kanina? Tama ba? What the hell? Anong nangyayari sa akin?" tapos napahawak na lang ako sa ulo ko.

"So you can also read minds?"

"No! Ewan! Ngayon ko lang 'to naranasan. Teka, nakakahawa ba yang pagbabasa mo ng isip? Hindi kaya nahawaan mo lang ako?" Nung sinabi ko yun ay kumunot yung noo niya kaya napatahimik ako.

"Oyy Leader, Tanda! Dalian niyo!" Napatingin ako kina Kelsey at Miles dahil huminto na rin sila at mukhang hinihintay kami.

'Bagal naman nila!'

'Tsk. Ano bang pinag-uusapan doon ni Gemmatanda at Scarystal?'

"Oh my God," sabay tingin ko kay Krystal.

"Nabasa mo yung kanila?"

"What the heck is happening to me?"

"Pag-usapan natin 'to mamaya kapag nasa bahay na tayo. Let's go."

Nagsimula namang maglakad si Krystal kaya sumunod na lang ako. Pero hindi talaga maalis sa isip ko yung nangyayari. Nababaliw na ba ako? Bakit nakakabasa na ako ng isip like Krystal? Anong meron? Bakit?!

Mababaliw ako sa kakaisip nito!

Naglalakad na kami pabalik sa bahay at wala pa rin ako sa wisyo. Kung anu-ano na ang pinag-iisip ko dahil baka mabasa ko na naman yung isip ng tatlo. Ang creepy masyado! Kinilabutan tuloy ako bigla!

"Miles, Kelsey, stop."

Maski ako, napahinto nung sinabi yun ni Krystal. Pagtingin ko, sobrang seryoso ng expression niya.

"Bakit, Leader?"

"Anong meron?"

'Hey, did you feel that?'

Nagpanic ulit ako nung narinig ko yung boses ni Krystal sa isip ko. Oh God! This time, kinakausap niya ako?! Pagtingin ko sa kanya, sumulyap lang siya sa akin sabay tingin doon sa eskinitang nadaanan namin. Saka ko narealize na hindi ako kinilabutan kanina dahil sa iniisip ko kundi dahil sa presence na naramdaman ko nung dumaan kami sa harap ng eskinitang yun.

'Someone's there.' Narinig ko ulit siya sa loob ng ulo ko. Feeling ko talaga mababaliw na ako.

Bigla naman kaming may narinig na tumawa kaya naging alert kami. Nilabas ko kaagad yung bokken ko at tinutok doon sa may eskinita.

"So you two can feel my presence, huh." Dahil medyo madilim doon sa eskinita ay hindi ko nakitang may tao pala doon. Ibig sabihin siya yung naramdaman namin kanina. Unti-unti naman siyang naglakad at isang lalaki ang lumabas galing doon.

"Who the hell are you?" tanong ni Krystal at pati ako ay kinabahan sa sobrang seryoso ng tono niya.

"A-ahh! Ikaw yun!" Napatingin ako bigla kay Kelsey at nakita kong nakaturo siya doon sa lalaki habang gulat na gulat ang expression.

Ngumiti lang sa kanya yung lalaki at tumingin siya kay Krystal. Teka, kilala siya ni Kelsey?

"I'm just a nobody," saka siya tumalikod at naglakad ulit pabalik doon sa eskinita pero lumingon ulit siya. "See you soon, Ice Goddesses," at tuluyan na siyang nawala.

Pagkaalis niya ay nagtinginan kaming apat dahil hindi namin alam kung anong nangyari. Sino ba yun?

"Who's that?" tanong agad ni Krystal kay Kelsey.

"Kahit matagal na yun, natatandaan ko pa rin yung mukha niya. Siya yung nagbigay sa akin ng chain whip ko."

Whoa! Siya yun?! Pero bakit siya nagpakita sa amin? May kailangan ba siya? Kalaban ba siya?

"Ahh! Alam ko na kung anong gang name natin! Ice Goddesses!" sigaw ni Kelsey. Eh narinig niya lang namang sinabi yun ng lalaki! At bakit Ice Goddesses? 'Di bagay!

"Oh God, no!" sabi naman ni Miles.

"Bakit may naisip ka bang maganda?!" sagot ni Kelsey sa kanya at inirapan naman siya ni Miles.

"How about, Phantom Ice?"

"EEWW!" halos sabay pa kami ni Kelsey kaya nagkatinginan kami.

"Baduy!" sabi ni Kelsey.

"Excuse me?! Kung baduy yun, paano pa kaya yung mga sinabi niyo kanina? Ice Ice Ladies? Ice Four Sale? Freezer? Anong tawag sa mga yun?!"

"Hoy di baduy yung akin, yung sa kanila lang!" sigaw pa ni  Kelsey.

Aba, baduy ba yung Ice Ice Ladies?! Hindi naman ah!

Sasagutin ko na sana siya pero mukhang hindi na kailangan dahil natahimik siya bigla pati na rin si Kelsey. Uh oh. Bakit kasi sinali niya sa baduy yung Freezer? Kahit sobrang corny nun, dapat di niya sinabi out loud! Lagot siya kay Krystal—oh shit.

Tumingin rin nang masama sa akin si Krystal. I forgot! Nakakabasa nga pala siya ng isip!

"Run for your life. I'll freeze you to—" bago pa matapos ni Krystal yung famous line niya ay tumakbo na kaming tatlo pabalik ng bahay.

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop Fictionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن