"Sampu silang humahabol sa amin," mabilis na sagot ko. "Hindi ako sigurado kung may iba pa ba silang kasama maliban doon sa nakasama namin sa imbakan. Pero silang sampu lang ang namumukhaan kong humahabol sa amin nitong mga nakaraan," dugtong ko pa saka nakaramdam ng lungkot nang may maalala. "K-kasama na doon si Marco..."

Sa kabila ng nananakit kong lalamunan, pinilit ko pa ring ikinuwneto kay Gael ang buong pangyayari, mula sa pagnanakaw sa isla, hanggang sa mahulog kami sa bangin ni Eros, iyong pagkakakita niya sa amin nang magkasama, maging iyong mga sinabi ng mga masasamang tao na iyon no'ng nahanap na ako ni Eros maging ang sinabi nilang dahilan kung bakit nila ginagawa ang lahat ng 'to.

"Parang may nabanggit nga sa akin si Eros tungkol sa mga nawawalang hayop at ani dito sa isla. Maging iyong mga nahuli niyang taga-isla na nag-aangkat ng pinagbabawal na gamot mula sa Alta Pueblo," nasabi na lang ni Gael saka muling humarap sa akin. "Salamat sa mga nasabi mo, Eliz. Ako na ang bahalang magpaliwanag ng mga sinabi mo sa pulis. Pero kukunan ka pa rin nila ng statement kapag magaling-galing ka na. Sa ngayon, mas makakabuti na magpahinga ka muna."

"Pero paano si Eros?" hindi ko napigilang itanong.

"Don't worry, baby," muling kinuha ni Gael ang mga kamay ko saka iyon mahigpit na hinawakan. "I own Eros a lot. I own him my life by protecting yours. Kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko para mahuli at maipakulong ang kung sino mang gumawa nito sa inyo. At hindi ako makakapayag na may makapanakit pa ulit sa inyo... lalong-lalo na sa'yo."

Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Gael sa noo ko.

Alam kong hindi na dapat ako magtaka sa ginawa niyang iyon, dahil gaya ko, nag-aalala lang naman siya sa kalagayan ko at siguro'y masaya na makitang ligtas ako.

But when I felt his kiss in my forehead, it suddenly feel so... wrong.

"May siyam na kaming nakuhang mga lalaki na nakita namin doon sa imbakan. Kasama na ang bangkay ni Marco," dumaan ang lungkot sa mata ni Gael nang banggitin niya ang pangalan na iyon. "Kung sino man iyong isa pang nakatakas na sa tingin ko'y siya ring bumaril kay Eros, sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas ng isla, o kahit ng El Nido nang hindi siya nahuhuli—buhay man o patay."

"Ilalagay mo ang bata sa kamay mo?" nahihintakutang tanong ko kay Gael na mabilis namang sinuklian nito ng isang tipid na ngiti.

"Of course I won't do that. Trabaho na iyon ng mga pulis," sagot pa nito saka muling dinama ang mukha ko. "Rest now, Eliz. Kailangan mong magpaggaling."

"P'wede ko bang makita si Eros?"

Napansin ko na sandaling natigilan si Gael sa naging tanong ko pero maya-maya lang ay muli itong ngumiti sa akin saka tumango.

Guni-guni ko lang iyon siguro.... sa isip ko.

"We will see him kapag parehas nang maayos ang lagay n'yo. At nang sabay naman tayong makapagpasalamat sa kanya," wika pa ni Gael.

May sinabi pa si Gael na mga bagay na magpapalubag ng loob ko tungkol sa kalagayan ni Eros saka ako nagpasiya na sundin ang gusto niya at hinayaan ang sarili ko na hilain ng antok mula sa gamot na binigay sa akin ng nurse na kasa-kasama namin kanina pa saka ipinikit ang mga mata ko.

Sana talaga ay ligtas ka, Eros...

Sana.


Gael

"ANO NANG lagay ni Eros?"

"The bastard is still unconscious. I've been waiting outside the operation room for hours now."

Breaking the Rules (Mondragon Series #3)Where stories live. Discover now